15

1707 Words
BT 15 Camille’s pov Para kaming nagsisimula ulit ni Rence. Oo ganun nga siguro ang tamang term doon. Parang naging masaya rin naman ang buhay niya sa America. I enjoyed her company alright. Pagbalik namin ng dorm sinalubong kami ni Kim na punong-puno ng pag-aalala ang mukha. “Cams… tara na… hinihintay lang kita e.” “ha? Saan? Ano bang nangyari sayo? bakit ka nagpapanic?” “sa daan ko na ipapaliwanag…”bumaling ito kay Rence.”sa hospital tayo Rence. “ “saan ba? Angdaming hospital dito e.” Napahawak siya sa ulo niya.”damn.. tawagan ko si Cienne.” Papunta na kami ngayon sa Jimenes General Hospital gaya ng sabi ni Cienne. “bilisan mo naman Rence.” “relax lang cams… baka tayo pa ang maaksidente dito e.” Naabutan kami ng matinding traffic. Panay lang ang text ko kay cienne. Stable naman daw ito at natutulog. “tsss… may artista ba at usad pagong ang mga sasakyan?” “stable naman na siya diba? Why so worried?”pansin sa akin ni Rence. Tss. Bakit ba hindi ko maitago ang pag-aalala ko kay Carol. Isang malakas na pagsabog ang gumalantang sa amin. Maya-maya ay nakatanggap ng tawag si rence. Iginilid niya ang kotse at bumaba kaming tatlong. Hawak niya ang kamay ko habang may kausap sa cellphone niya. sa tingin ko ay pupuntahan namin yung pinanggalingan ng pagsabog dahil parang may inuulit na direksyon si Rence. Napunta kami sa tapat ng isang bar. Kung saan may isang kotse na nasusunog. Sa tapat nito ay isang babaeng nakapa-meywang at isang lalaking parang nababaliw na paroon at parito sa nasusunog na kotse. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!”sigaw nito sa babae. At akmang susugurin pero humarang si Rence at pinilipit ang bisig nung lalaki. “yan ang napapala mo sa panloloko sa akin.”pagtataray nung babae sabay tawa na parang isang kontrabida sa mga pelikula. Yung mga kasamahan ung lalaki ay susugod na rin pero tinutukan sila ng baril ni Rence.”back off!”sigaw nito. Nagsitakbo ang mga kalalakihan habang may tinawagan naman si Rence. “akala ko ba nagresign ka na? bakit ka nandito?”pagsusungit nung babae sa kanya. Bakit niya sinisigaw-sigaw si Rence? Ano ba niya ito? Hinigit niya yung babae sa kaliwang kamay.”tara…hatid ka na namin.” “pero pupunta pa tayo sa hospital.”giit ko naman. “who is she? Girlfriend mo?”tiningnan ako nung babae mula ulo hanggang paa. Patatalo ba ako sa kanya? Siyempre ginawa ko rin yung ginawa niya. Just to notice that she really look like an elegant woman. Blonde hait, fair complexion, almost the same height as me but sheis way too beautiful. “kim mauna na kayo sa hospital. ihahatid ko lang siya.” Ganun nga ang ginawa namin ni Kim. Nagtaxi na lang kami patungo sa JGH. Agad kaming nagtungo sa room 15. Tulog pa rin si carol at Si Cienne ang nagbabantay sa kanya. “saan yung iba?”tanong ni Kim. “umuwi na… hindi sila pwedeng magpuyat rin e. training pa bukas. Papunta narin ang mga magulang ni Carol dito.” Nilapitan ko ang natutulog na si carol. Anghina mo naman Carol patatalo ka sa lamok? Gumising ka na kukutusan pa kita e. pinag-alala mo ako sobra. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. inutusan ko si Kim na tawagin ang doctor para icheck si Carol. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nag-alala bigla ang ekspresyon niya nung mapagtanto niyang nasa hospital siya.”Cams…ayoko dito…” “ikaw e…anghina mo… yan tuloy nandito ka.” Kumunot ang noo niya.”pinagagalitan mo pa ako…” Dumating ang doctor at tiningnan ang mga VS niya. “doc pwede na ba akong idischargce bukas?” Umiling si doc.”you are still under observation. Kailangan mong manatili dito ng ilang araw.” “pero…” “hoy Ceveza walang pero pero ito.”saway ko sa kanya. Umalis na rin si doc at sumunod naman sina Kim at cienne. Kumakalam na daw kasi ang sikmura ng kakambal ko. “musta ang pakiramdam mo?” “ok lang… musta ang date niyo?” Sa dami ng kakamustahin yun pa? anong sasabihin ko? ok lang? masaya? Tapos manliligaw ulit si Rence? Ano Camille? “ayaw mong magkwento. Ok lang.”ngiti niya.”pako…pag nadischarge na ako dito liligawan na kita ha?” Pinaningkitan ko siya.”pwedeng magpagaling ka muna bago ka mag-isip ng kung anu-ano?” “basta.” Nagiging childish na naman si Carol. Opposite sila ni Rence na mature kung makitungo sa akin. *** MIKA’s pov Training na ulit! Sakit ulit ng katawan. Mabuti pa nga si Carol at nakakapagpahinga e. Kahit zombie mode sina Kim at ang kambal ay kailangan desidido pa rin silang matalo ang team namin nina Aras a practice game. “OA niyong tatlo ah..pustahan ba ng buhay to?!”sigaw ko sa kanila. Nag-thumbs down lang sa akin si Kim. Ganun pala ha? Inangasan ko rin siya. “OA ka rin Moy.”natatawang tulak sa akin ni Ara. Tiningnan ko lang siya at sumenyas ng watch me. Serve… Dig… Set.. Tumalong kaming dalawa ni Ara. Ako ang nag-spike at hindi ako napigilan ng kambal maging si Kim at na-off balance ng sinubukan niyang i-save ang bola. I staredown at her and a thumbs down. Agad naman siyang tinulugan ng kambal para tumayo. Binatukan ako ni ate Cha. “what was that for Mika?” “playing around?”nag-peace sign ako sa kanya. Nanalo kami sa set. Konting pahinga lang muna. “grabe ka mika ha. Muntik ng maamnesia si Kim dun.”natatawang umupo ang kambal sa tabi ko. “si kim? maamnesia? Iharap mo lang si Cienne sa kanya babalik agad ang memory niya no.” “adik.”tipid na komento ni Cienne. “sandali lang ha? May sunduin lang ako sa labas.” “saan pupunta yun?”naupo sa lapag si Kim. Si ara naman sa tapat ko. minamasahe ko ang balikat niya.”may susunduin daw.” “halla…baka boyfriend…”pang-aasar ni Camille. “bahala siya.”medyo nainis na tugon ni Kim. Tumingala naman si Ara. hinalikan ko siya sa noo. “thank you.”ngiti nito. “kimikim kiss mo din pwet ko.”sabat na naman ni Camille. “tut mo Camille….”tapon sa kanya ni Kim ng towel. “urrghh..amoy ewan ha..yung totoo? Naligo ka?”balik tapon niya ng tuwalya.”si cienne nga hinahalikan mo noon kahit bagong gising e…” “oh bakit? Inggit ka? pahalik ka kay Rence…” Natahimik naman itong si Camille. maya-maya ay bumalik na si cienne kasama si Syd. Luuhh? Anong ginagawa ni Syd dito? “hello girls…”bati nito sa amin.”hi young lady.”yuko naman niya sa akin. Ganyan naman sila ng mga magulang niya sa amin ng mga pinsan ko e. well special treatment siguro sa akin dahil mas malapit ako kay ate JM. “anong ginagawa mo dito?” Tinuro niya si Cienne. “e since magkaibigan naman kayo.”paninimula ni cienne sabay hawak sa braso ni Syd.”at varsity player na rin siya ng school naisip kong masayang maging kaibigan na rin siya ng team diba? Para hindi lang si Arden ang close Guy friend natin. “ “doesn’t make any sense.”tumayo si Kim at hinila si ara.”Bili tayong pagkain.” “sama ako!”tumayo na rin si Camille.”sama ka rin cienne.” So naiwan kami ni Syd. Pi-nat ko siya sa balikat.”dude…alam mo ba ang pinapasok mo?” “ha? Alin? Masama bang maging kaibigan ko ang team niyo?” Inosenteng bata to. “hay naku syd! Next time magtanong-tanong ka muna sa akin ha? Baka mamaya nabugbog ka na at lahat hindi mo pa alam ang dahilan e.” “hindi ako mabubogbog no? sa laki kong to?” “wala sa laki ng katawan yan dude…”ginulo ko ang buhok niya. mas matanda kasi ako dito kaya ayokong mapahamak siya sa mga trippings ni cienne. “young lady..anong pangalan nung morena?” “victonara bakit?” Ngumiti ito at namula ang pisngi. “nothing…” “hoy…huwag mo ng pangarapin ang mapalapit sa kanya. Ako makakalaban mo damulag ka.” “luuhhh? Bakit?” Whoaaaaahh. Inosente! Sigaw ng isip ko. tinitigan ko siya ng masakit. “oh..i get it…”sabay harang ng dalawang kamay sa akin.”sorry…”tawa niya.”don’t worry… crush lang naman…” Hindi rin naman naming nakain yung mga binili nila dahil nagpatuloy na ang training. at kung bakit kasi itong si coach ay pinagpahinga pa si Ara. nagkaroon tuloy sila ng pagkakataong magbonding ni Syd. Teka? Diba dinala siya ni Cienne dito para pagselosin si Kim? bakit ako yung parang nagseselos. Good conversationalist kasi yang si Syd. Nagagamit niya minsan yung mga pinag-aaralan niya sa course niya kaya madali para sa kanya ang makagaanan ng loob mga nakakasalamuha niya. Si kim tuloy hayan tingin pang-aasar sa akin. Inangasan ko siya ng tingin. Ngumiti lang ito saka parang kinuyumos ang puso niya. oh damn hate it. Pumito si coach saka ipinasok si Ara. “bakit para kang papatay diyan?”bungad niya agad sa akin. “wala.”saka ako tumungo sa service area. *** ARA’s pov Kunin lang namin ang ilang gamit ni Mika bago ko siya ihatid sa QE bago ako susunod sa hospital. mahaba-habang byahe ito pero ok lang naman. “makulit rin si Syd no.” Tumango siya.”lagi kaming magkalaro nung mga bata pa kami sa Richmans.” “ah bukod kay Alwyn? Siya yung guy close friend mo?” “yeap… lagi akong inilalayo ni Alwyn sa kanya noon. Selfish kasi si Alwyn e…” Hanggang ngayon naman selfish siya e. gusto ka nga niyang ilayo sa akin e. sighed. “oh natahimik ka?” “ha? Wala.. may naisip lang… buti nadagdagan ang guy friends natin.”pagpapalusot ko.”hindi na lang si Arden ang makikipagbugbugan…nandiyan na rin si Syd.” Sumimangot siya.”kailangan talaga sila ang magtatanggol sa atin? Diba kita pwedeng ipagtanggol?” “oa ng mahal ko…”yakap ko patagilid sa kanya.agad rin naman akong bumitaw para kumuha ng damit ni carol sa kabilang kwarto. maging si Camille ay nagbilin rin ng extrang damit niya. “moy… si rence ba for good na dito?” “hindi ko alam.bakit?” “hmm…e natanong lang… kakamiss rin kaya yung babaeng yun… “ “nakakainis naman… nagsibalikan ang mga pinagseselosan ko.”padabog siyang naupo sa kama namin.”hindi na ako papasok…” Humiga siya at tumalikod. Jealous, immatured, baby mika is activated. Naupo ako sa tabi niya at niyugyog siya.”moy ilang taon ka na?” “19. Bakit?”patampong sagot niya. “act your age… para ka na namang bata Mika.”seryoso kong sabi sa kanya. Humarap ito at bumangon paupo.”and you hate me when im like this?” Umiling ako.”hindi sa ganun..” “you really hate me huh…im just jealous..mahirap bang unawain yun? nagkagusto sayo si rence noon diba? Tapos nababawasan pa ang oras ko para sayo dahil sa trabaho ko.paano pag pasukan na? tapos nandiyan pa si Syd..” Yung totoo naman diba? Hindi naman nakakainis si Mika e. ngayon lang kasi ito ganito. Medyo paranoid. Sasakyan ko sana ang trip niya pero mahirap na. ano naman kaya kung nandiyan ulit si Rence? Kung kaibigan namin si Syd? “ano?”she pouted but still have this cute glimmering eyes.”naiinis ka na sa akin.” Napangiti ako. “nagseselos ka na niyan? Paano pa pag naging close kami ni Syd diba?sabi pa niya crush niya ako.” Nanlaki ang mga mata ni Mika.”sinabi niya yun? ipapabugbog ko yun e…” pagpapanic na naman niya. “hay naku Mika…tigil na nga yan…wala kang dapat ipagselos…” “but I am jealous…”she pouted again. “I hate the feeling of losing you…” Pag ang tao talaga nagkakaroon ng burst of emotions NAPAPA-ENGLISH NO? ginagap ko ang magkabilang pisngi niya“moy…jealousy is just a waste of time… I’M YOURS… yun ang isipin mo okay?” Saka ko lang ulit nakita ang ngiti ni Mika. “I love you…” “I love you MOST…”ganti ko sa kanya. “angduga..dapat I love you more muna…”reklamo niya.”tapos ako yung I love you most e…” Yumakap na lang ako sa kanya. I feel like home when I’m with her. Sana kayanin namin to.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD