3

2508 Words
3 ARA’s pov Nung makatulog na si Mika ay umakyat ako dito sa rooftop. Gusto ko munang magmuni-muni. Nung mga panahong nasa Bulacan ako akala ko ok ang sitwasyon niya sa family niya gaya ng sinabi niya sa akin. niyakap ko ang tuhod ko habang nakapatong dito ang noo ko. “insomnia?”narinig kong sabi ni Ate Cha. naupo ito sa tabi ko.”emo place talaga ang mga roof top no?” Hindi ako umimik. “makikinig ako… huwag kang mahihiya.” “ate cha? si Mika kasi…”pagsisimula ko. “alam mo na rin?” Tumango ako.”kasalanan ko to ate e..kung hindi naging kami hindi siya itatakwil ng mga magulang niya…” Nag-squat siyang naupo.”yun mismo ang ayaw ni Mika na isipin mo kaya hindi niya agad sinabi sayo…”pagpapaliwanag niya.”Ara…ginagawa ni Mika to dahil gusto niyang patunayan sa mga magulang niya na worth it magsacrifice para sa relasyon niyo…ganun ka niya kamahal… she’s not thinking of her wealth…” “kanina nung sinabi niya yung nagnyari nung araw na tinakwil siya ne hindi siya umiyak…pakiramdam ko sinusuway niya sina tito dahil lang sa akin…”mangiyak-ngiyak kong sumbong. “Ara… kung mahal mo ang isang MIKA REYES hindi pwede ang soft hearted dito… Reyes yan… at yung Reyes na minamahal mo handang iwan ang karangyaan ng buhay para sayo… dahil masaya siya sayo…” “anong gagawin ko? gusto kong kausapin ang mga magulang niya Ate Cha… “ “anong gagawin mo kung sabihing hiwalayan mo si Mika?susunod ka?” Hindi ako nakasagot. Mahal ko si Mika. “ewan ko…” “kakayanin ni Mika yan basta lagi kang nasa tabi niya…” Nabalot ulit kami ng katahimikan. Gulong-gulo ang isip ko. parang walang patutunguhan ang pakiramdam ko. bumalik na kami sa second floor. Pagpasok ko ng kwarto ay gising na si Mika at nakasandal sa dingding. Tinabihan ko siya at sumandal siya sa balikat ko.”sakit ng ulo ko…” Pinahiga ko siya at umunan sa lap ko. minasahe ko ang ulo niya.”moy… may work ka bukas?” She nodded.”bakit?” “wala… anong gusto mong ulam pag-uwi mo?” Nagmulat siya at ngumiti.”live in ba to Moy? Asawa lang?” Diniinan ko ang pagmamasahe sa ulo niya.”ayaw mo? hiya naman ako sa pagod mo no?“ mahal ko tong bakulaw na to. kung sa ganong paraan mas mapaparamdam ko yung appreciation ko sa sacrifices niya gagawin ko. cute rin naman yugn set up namin no? uuwi siya from work tapos ako magluluto for her. Pumikit ulit siya.”pagod ka rin sa traning nun e… kahit ano na jan basta hindi matrabahong iluto… saka mas makakatipid tayo pag para sa team yung foods natin lagi.hehe.” Wow ha? Si Mika ba talaga tong kasama ko dito?dati basta pagkain kahit gumastos to ng doble e. gayon may nalalaman ng tipid tipid. Umayos na kami ng higa. Yung mga gamit namin na sa upper deck. Nakaback-hug siya sa akin. “Moy… I love you…kaya natin to ha? ”bulong niya. Hindi ako umimik pero hinawakan ko ng mahipit ang kamay niya. Magkayakap na nga holding hands pa. YAN TAYO E. --- --- Yung feeling na para kang zombie paggising mo? sinong hindi magugulat sa trip ni ate wensh?? Kilambag niya yung mga palanggana kasama sina ate Abi at Ate mich. “GISING NA….SOBRANG TULOG NA YAN HA….” Muntik pang mahulog si Cienne sa upper deck. “whatta? Ang-aga-aga…”kamot niya sa ulo niya. Pero itong si Mika tulog na tulog pa rin e. nakayakap siya sa unan. “Aramylabs pinagod mo?”ngisi ni Cienne. “adik…pagod sa work yan…hayaan mo muna…” Lumabas na kami ng kambal sa kwarto at nagtungo sa kwarto nina ate Cha. sa Room 2. “SURPRRIIISSSEEEEE!”bungad sa amin ni Cha. (=____=)—kaming tatlo. “waley ba?hahhaha”tawa niya.”ito yung surprise namin oh…”hinila niya mula sa likuran ang isang newbie.”presenting Carol Cerveza….” “hi…”bati ko sa kanya. “anong special na nandito siya?”pagsusungit ni Camille. Hindi nga pala maganda ang gising ng babaeng to e.”balik na ko sa kwarto.” “hoy..ikaw…”sigaw ni carol.”hindi ko pa nakakalimutan yung pambabato mo ng bola sa akin nung high school tayo ah?!” O__________O---ako. E sa hindi naman ako aware no? binalikan siya ng tingin ni Camille.”move on.ang-immature mo.” Wow.solid yun ha? Binalibag niya ang pinto. Nag-smirk lang si Carol. Napapailing lang si Ate Cha. “angsama ah…”said Cienne.”kakaevaporate lang ni Rence hinanapan mo agad ng labteam ate?” Tumawa lang si Ate Cha,”hay naku…ako na naman? di pwedeng pinagtagpo lang sila ng pagkakataon?” -- --   KIM’S POV “Kim, hindi ka pa ba babalik ng dorm?”sigaw ni ate Rhyck sa akin mula sa dining area. “nakakatamad pa…bukas na lang…saka tutulungan ko pa si Mela sa dorm nila e…” “ANo yan ha? Gumagaya ka sa pinsan mo…”sabat ni ate Jane. “hala…hindi ah… nagpapasama lang e… saka gusto ko rin makilala yung mga teammates niya…” “hay naku ate Jane..lam mo bang nung nasa Bacolod kami panay ang sleepover niya sa bahay nina ate MEla..”sumbong ni Calvin. Pinanlisikan ko na nga siya ng mga mata wala pa ring preno.”tapos isang tawag lang ni Ate MEla takbo agad..parang lagging emergency…” Lumapit sa amin si Ate Jane.”is it true Kim?” Napayuko ako.”e bonding lang naman with high school friends yun…” “alam ni Cienne?” Tumango ako.”nagalit nga e..” “at tuwang tuwa ka naman? ano bang gusto mo? yung maayos na relasyon o puro PAKILIG lang ha?”pagalit na tanong ni ate Jane. “seryoso…”tipid kong sagot. “then why do you keep on hanging out with Mela? Ex mo yun Kim..hindi malayong bumalik yung dating nararamdaman mo para sa kanya…” “tsss…friends nga lang kami po…”pagtatanggol ko sa sarili ko. Nakisali na rin sa usapan si Ate Rhyck. Umupo siya sa tabi ko.”geh lang pinsan… susuportahan kita diyan..pero huwag kang iiyak-iyak kung pareho silang nawala sa’yo…” Nagwalk-out nga ako. Hindi ako sanay na pinagsasabihan ni ate Rhyck ng ganito e. hindi ko naman kasi talaga iniisip na mahuhulog ulit ang loob ko kay Mela dahils I Cienne na ang mahal ko ngayon. Palabas ako ng mansion ng dumating sina Vio at Den. “morning…”bati nila sa akin. “anong ginagawa niyo dito?”pagusungit ko.  wala ako sa mood kaya wala akong pakialam sa mga to. “looking for Calvin… sasamahan naming mag-enroll sana.”sagot ni Vio. “bakit? Hindi ba niya alam ang papuntang Mhei zhou? Bakit kailangan mong samahan? Dalawa pa kayo…” “ate bakit angsungit mo?”si Calvin yun papalabas na rin.”tara na nga Vio… pinagdadaanan yan kaya bawal kausapin…”hinigit niya si Vio at umalis na sila. Pumasok ulit ako ng bahay. Nakaabang si Ate Rhyck sa may pinto. Hawak-hawak niya yung susi ng kotse ko. “forgot your keys?”she smirked. Lumapit ako para kuning yun. “let’s talk…”iginiya niya ako sa study room. “maupo ka…” Magkatapat kami ngayon at para akong inuusig ng tingin.”wala akong ipapaliwanag…”mahina kong sabi. “I’m not asking for any explanation Kim…”sabit niya. matama lang niya akong tinitingnan. Galit ba siya? wala naman akong ginagawang masama e.”mahal mo ba talaga si Cienne o nadala ka lang ng mga tuksuhan niyo?” “mahal ko siya.”agad kong sagot. “then kim..ngayon pa lang subukan mo ng iwasan si Mela… “ “sinabi ko naman na po..wala na akong pagmamahal kay MEla..” “I’m telling you this because I experienced it… isipin mo na lang kung ano ang mararamdaman ni Cienne pag magkasama kayo lagi ni Mela…” “pero sabi niya ok lang naman daw.” Natawa si ate Rhyck.”Khymbhrly! do I need to give you a manual? When girls says yes they actually meant no…” “ha???” “sinabi mo ba kay cienne na pupuntahan mo si Mela ngayon?” Tumango ako.”ok lang daw…” “nakausap mo na ba after mo magpaalam sa kanya?” Umiling ako. Nabalot ng halakhak niya ang study room.”you are one stupid girlfriend…”tumawa ito ulit.”go get your things..ihahatid kita sa dorm..tapos bumili ka ng flowers… “ May tinawagan ito.”hello..dude…mali-late ako ha? ”sabay tawa nito.”ito kasing pinsan ko… gago e…” (=____=)---ako.   CIENNE’s pov Hindi lang si Camille ang badtrip ngayon. Ayoko lang kasing angdaming tanong ni Ate e kaya sinusubukan kong maging hyper. Humiga lang ulit ako kama ni ate. Pano kasi ni=lock ni Camille yung pinto ng kwarto namin. tumagilig ako at nagkunwareng matutulog. Napospone ang training. never ask for a reason anyway. Sighed. Naiinis ako kay Kim. Yung ako nga yung girlfriend niya pero mas madalas niyang kasama si Mela. Fine. Nasa bAcolod kasi silang dalawa at ako nasa batangas. Pero kasi paano magwowork yung relationship namin kung lagging umeepal yung Mela na yun? “yam…punta ako kena MEla ha? Request ni tita e..” “sorry late reply… napasarap ang kwentuhan…” “ui tulog ka na??hindi ka na nakatext..kauwi ko lang..grabe ang saya..” And the rest?halos pare-parehong si Mela. Catching up? Ewan ko sa kanila. sinasabi ko na lang na OK lang para wala nang gaanong argumento. Ganun ko siya kamahal? Kaya kong tiisin yung pagmamanhid-manhidan niya sa akin? tsss. “kelan ba babalik si kim dito?”narinig kong tanong ni Ara.”lumbay ng isa dito oh…” Kunware ay hindi ko narinig ang mga pinag-uusapan nila. Nagtext kanina si Kim sasamahan daw niya si Mela sa paglipat ng dorm. Ako nga hindi niya magawang tulungan diba? I just said OK. Again not to begin any argument. Bahala siya. nakakaselos na hindi pa niya mahalata. Nagtakip ako ng unan sa ulo ko at tumulo na ang luha ko. yung naipong sama ng loob ay unti-unti ko ng iniiyak. Ayokong Makita nilang ang bully na si cienne ay ganito na lang umiyak dahil kay Kim. Hanggang sa unti-unti na akong nakatulog. -- Angtahimik ng paligid. Nakapatong pa rin sa ulo ko ang unan nakanina ay nagkubli sa pag-iyak ko. Umalis kaya sila.Angsama naman ng mga yun. Hindi man lang nagyaya. Saglit lang Cienne. Yung amoy na yun. Bigla kong tinanggal ang unan sa ulo ko. isang nakakagagong ngiti ang bumungad sa akin. OO NAKAKAGAGO ANG NGITI NI KIM. Nakaupo ito sa gilid ng kama at parang hinihintay talaga akong magising. May flowers flowers pang nalalaman tong babaitang to. “para sayo yam..” ah so dapat puro tulip?”anong meron? Para saan to? akala ko ba tutulungan mo si Mela?”malumanay na tanong ko sa kanya. dapat maintain ang composure. Keep calm Cienne. “date tayo?”pagyaya niya. Nahanginan yata tong si Kim e.”tinatamad ako…”naupo ako at kinusot-kusot ang mga mata ko.”saan sila?”isinandal ko ang noo ko balikat niya.”kimmah…” “sorry yam… naging insensitive ako… “ Angtagal mo namang marealize yun Kim. Tsss. Hindi ako umimik. angdami kong iniyak kanina. Pero alam mo bang kahit wala ka dito ngayon mahal pa rin kita? Tsss. Buset na panget to. ginayuma yata ako e. “san ang mga gamit mo?”tanong ko pero nakasandal pa rin ang noo ko. “nasa labas na… kain tayo? May dala akong KFC oh…”turo niya sa study table. Nagningning na naman ang mga mata ko. whoah.my favorite. Nagmadali akong tumayo at kinuha ito. niyakap ko pa na parang stufftoy bago kumuha ng dalawa. “tig-isa tayo..baka sabihin mo angselfish ko…” Umiling siya.”Makita lang kitang kumakain busog na ako…” Angdrama ng yam ko ah. Nakokonsensya to siguro sa pambabalewala niya sa akin e. “sige na kasi…ayokong ako lang ang kakain…” “busog pa ako…”tanggi na naman niya. Inilapag ko ang bucket at ginagap siya sa pisngi. Iniharap ko siya sa akin.”Kimmah? ok na tayo…nandito ka na e..mahal kita..tama na yang drama…kainis ka lang kasi…puro ka mela noon…nagtampo kaya ako… pinapayagan lang kita kasi…” “coz when women says yes…they actually means no…”mahina niyang tugon. Ngumiti ako.”oo kaya…hina mo yam…”then kiss her lips. Ako pa talaga ang patay na patay sa panget na to ha.smack lang naman yun kaya keri lang.”oh kain na? tamad akong lumabas… “nahiga ako sa lap niya. “bawi-bawi ka rin pag may time Yam… pagsisilbihan mo ko maghapon…”devil smile. “kahit forever pa yam ko…”ngiti niya at kinitalan ako ng halik sa noo. Ayiiieee. Hate you kim.lahat ng tampo ko..LAHAT NG SPEECH NA HINANDA KO E nakalimutan ko na. buset. Mahal kita much. ARA’s pov Nakatulog si Cienne nang dumating sina Ate Rhyck kasama si Kim na mukhang biyernes santo ang aura. Nagyaya si ate Rhyck na manglilibre daw kaya gora kaming lahat. Sinabihan niya kaming huwag gisingin si Cienne at kailangan nilang mag-usap ni Kim. Saan pa naman kami pupunta de sa Quick Eat. Para daw kumita naman sabi n Mika. Mukha ng pera si MOY.haha.joke lang. Buong team ang kasama namin. ibawas siyempre ang mag-mawzky na iniwan sa dorm. Isang mesa ang pinagdugtong-dugtong nila. Nakasunod naman agad si Arden. Pero nagbihis ito dahil magduty daw siya. “ako na magtitake ng orders niyo.”ngiti niya. “wow ha..special treatment…”kantyaw ni Camille. “brad absent si Aileen. May sakit daw..kulang tayo ng tao ngayon.”lapit nung isang crew. “ako na..”tumayo si Mika. “ha? Diba mamayang hapon pa ang shift mo?”said Arden. Ngumiti lang si Mika.”ok lang… para may extra income… “hinalikan niya ako sa may ulo.”moy…work muna ha? Ihahatid na lang ako ni Arden mamaya sa dorm…” Tumango na lang ako. “galingan…”pagpapalakas ko ng loob niya. Lumabas muna sila ni Arden para balikan yung uniform niya sa dorm. Sina ate Cha at Ate Mich na ang umorder. “sipag ni tangkad..”hinatid ng tingin ni ate Rhyck si Mika.”kakaiba sa pinsan..”tawa niya. Katapat ko nga pala siya ng upuan.”hmmm..ate Rhyck…nakakatakot ba ang mga magulang ni Mika?” Nagulat ito sa tanong ko pero biglang tumawa.”hahaha… hindi..mababait ang mga yun…istrikto lang…”sagot niya.”bakit?” Umiling ako. “wala po…” “iniisip mo ba yung sitwasyon ni Mika at ng mga magulang niya?” Tumango ako.”kasalanan ko po kasi…” “Don’t think too much Ara… just support her… sa tigas ng ulo niyan? Naku…mapapagod rin si tito miguel”tawa niya ulit. Hindi ko siya maintindihan. Sa totoo lang. parang mas mababaliw ako kung itatopic ko pa ito e. huwag na nga. Me and MIKA. Yun lang ang iisipin ko at magiging maayos ang takbo ng bagay. Kwentuhan, asaran at maingay kami. nandito na rin pala sina Mika at Hindi na natitigil sa mga stations nila. Panay ang assist ni Mika sa mga costumers. “sipag niya huh? “puri ni ate Rhyck na panay ang tingin sa ginagawa ni Mika. “yung totoo ate Rhyck..”untag ni ate Cha sa kanya.”nandito ka ba talaga para ihatid si Kim o para bantayan yang si Mika?” Ngumiti lang si Ate Rhcyk at sumubo ng fries.”both maybe? Yung pinsan kong gago e…mukang temang..anyways…basta pag nagkaproblema tawagan mo ako okay? Bata pa si Kim para maghandle ng relationship… she’s kinda stupid sometimes…” “tanda na ni Kim..bata pa bay un?”tawa ni Camille. “wala sa edad yan Camille… mukha lang matanda si kim.hahahahaha” (=___________=)nilagapak naman niya ang pinsan niya. “pero immature pa yun…”dagdag niya.”pakisabi kay Cienne pagtiyagaan si Kim ha? Pero kung pagod na siya… pwede na niyang ibreak si Kim nang matuto naman yung pinsan ko.”tawa niya ulit. “whattaheck?”bulalas ni Camille. Napalingon ako sa tinitingnan niya. LAHAT KAMI natahimik at tumingin na rin. “sino yan? Sino sila?bakit kanina pa si Mika dun?” Kilala ko yung isa. Sa Mamuru yun e. pero yung isa hindi. Angsaya pa nilang nagkukwentuhan. Anong duty ba ang pinunta ni Mika dito? tsss. Duduty pala sa costumers e. binalik ko na lang ang pansin ko sa kinakain ko. “selos alert…hahaha”kantyaw ni Camille. “ano na? tirahin na natin?”natatawang tanong ni Ate Wensh.”bakasyon pa naman..hindi pa uso ang guidance office…hahaha” Nag-apir pa sila ni Ate Abi. “angparanoid niyo ha?”saway ko sa kanila.”baka kaibigan niya rin…” Hindi naman masama yun diba? Itong mga to talaga. Pero inaamin ko parang hmmpf.ganda kasi nila naiinsecure ako.>__< Nakapangalumbaba si Ate Rhyck at nangingiting nakatingin sa akin. “know what? Pag nakikita ko kayo ni Mika? You remind me of JM and Liam..” “eee?” Tumawa siya.”nevermind… maganda yung nakabraces ha?” (=____=)---ako.. ginatungan pa kasi nila. “pero ang mga reyes morena ang minamahal..kaya SAFE KA…”kindat niya sa akin. Tinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko ng biglang may dumamping labi sa pisngi ko. “oopss..sorry? namiss kita e..”si mika yun tapos bumalik sa station niya. “HOOOOOOOHHHHHHHH….”sigawan ang team. “YAN TAYO E…BAWI AGAD PAG NAGSELOS…”pang-aasar ni Camille. Pwede bang lamunin muna ng lupa kahit ilang minuto lang? napatingin kasi sa amin yung ilang costumers e. nakakahiya kaya yung ganito? Pero nakakakilig rin? Tsss. -- AN: hello…lablab guys… add me up on sss… MAY DIALOG BA KAYONG GUSTONG ISAMA SA STORY NA TO? COMMENT NA! 1.       Title ng story.. 2.       Dialog 3.       Sino ang magsasabi at para kanino 4.       Tag niyo ako… Want a dedication? PM NIYO LANG PO AKO OR COMMENT…TAPOS ANONG STORY ANG GUSTO NIYONG PAGLAGYAN NIYO. SUSUBUKAN KO PONG IACCOMODATE. LABLAB GUYS.. BOTO=BOTO RIN PAG MAY TIME PO.HIHI. comment po para lam ko ang mga feedbacks niyo sa kwento. and RECOMEND. KARA FEVER ITO E.HAHA.yan tayo e...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD