54 Carol’s pov Buti na lang at hindi nagalit si Camille! At buti na lang pinaglinis lang kami ni Kim ng mga masters naming. Dalawang oras rin yun na naging tagapulot kami ng mga kalat sa campus huh. Sakit sa balakang! “Saan pa masakit?” Tinuro ko ang likod ko. angsarap niyang magmasahe! Swerte ko kay Camille! “sa susunod magtanong ka muna kasi kung ano ang pinapasok mong gulo.” Napagsabihan pa tuloy ako. Ok lang mahal ko naman yan! At hindi ako mangingiming pumatay para sa kanya. Pumatay ng ipis na kinakatakutan ni pako. Habang wala pasi Sir Brandon ay naghanda na kami para sa party. Semi formal ang attire. Magdedress nga ako e! Minsan sinasabihan ako ni Camille na huwag masyadong revealing ang isuot ko dahil baka maipatira niya sa mga tauhan ni sir Brandon ang lalapit sa akin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


