Pagkatapos magsayaw ng mga babae ay bumaba na siya ng stage at pinalapit sa akin. Sinulayapan niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Ikaw?” Kunot noo na tanong niya sa akin. “Kilala mo ako?” Naghila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. My dinukot siya sa tagiliran niya at isinubo ang yosi na kinuha niya at pagkatapos ay sinindihan ang dulo ng lighter. Kakapirangot na nga lang ang tela na suot niya ay nakuha pa niyang magsuksok ng bagay mula sa tagiliran niya. “Hindi, pero ito ang unang beses na may nag-table sa akin na isang lesbian.” Sagot niya bago hit-hitin ang yosi sa bibig niya. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok na binuga niya. “May asma ka? Sorry...” Walang emosyon na sagot niya sa akin. Inilagay niya sa ashtray ang yosi at pinatay ang apoy. Sa unang tingin pakiramdam

