“Kanina ko pa inaantay ang tawag ko. Alam kong sasabihin sa’yo ni Mon ang pag-uwi ko bukas.” Bungad niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. Hindi naman halata na kanina pa niya inaantay ang tawag ko dahil wala pang dalawang segundo ay sinagot na niya agad. Kakatapos ko lang magbihis at papaalis na ako. “Bakit ba ayaw mo magpagaling diyan sa hospital? Safe ka naman diyan at hindi ka naman pababayaan ni Mon.” Saad ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. “Hindi ako makatulog ng maayos dito. Pakiramdam ko kapag pumikit ako may papasok sa kwarto ko at papatayin ako.” Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na affected na rin pala siya sa mga nangyayari sa kanya. Siguro ito ang naging epekto nito sa kanya. “I’m sorry kung hindi kita mabantayan. Marami pa ka

