Nakahiga siya sa kama ngayon at ako naman ay nasa tabi niya. Parang yung set-up pa rin namin sa hospital. Wala talaga ata siyang balak na paalisin ako dito sa kwarto niya ano na lang ang iisipin ng mga tao kung may kakatok man dito tapos kaming dalawa lang? Isa pa, hindi tamang nasa kwarto niya ako kahit personal body guard pa niya ako dahil bukod sa suspended na ako isa pa akong babae. “Dito ka na sa tabi ko.” Wika niya sa akin habang pinapagpag ang kamay niya sa tabi niya. At gusto niya pa akong humiga sa tabi niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Kung ano man yang iniisip mo ay itulog muna. Hindi na nga magandang idea na nasa isang silid tayong dalawa gusto mo pa akong tumabi sa’yo? Baka maputulan ka ng kamay ng wala sa oras.” Banta ko sa kanya na ikinangisi niya. “Bakit kamay?” Na

