Nasa loob kami ng silid ni Aria, ni locked ko sadya ang pintuan para makausap ko ng maayos ang anak namin. “M—Ma—ma.” “Itigil mo ang iyak mo bago ka mag kwento para maintindihan kita.” Madiin na sabi ko kay Aria, alam niya na sa mukha at tono ko ngayon ay seryoso ako at hindi nakikipag-lokohan. “Ngayon, anong nangyari?.” Nagkwento na nga ang aking anak at habang nagsasalita, pati ako parang nag-iinit ang ulo. Hindi lang daw niya sinabi sa akin pero pinag-uusapan daw ako at pinagtatawanan kanina ng dalawang babae. Kaya daw galit siya sa dalawa. Ako naman ay tahimik na naggagawa ng juice pero naririnig ko ang usapan ng tatlong lalaki kanina. Akala yata ni Desmond biyaya siya sa katulad ko na babaeng walang maipagmamalaki. “Makinig lang kang mabuti sa akin anak, tama ang papa mo.

