Nakaupo kami sa bar ng aking bahay. Nag-uusap kami tungkol sa mga nangyari noong panahon na nasa wheelchair pa ako. Habang nagkukwentuhan kami, makikiramdam lang ako, kanina ko pa napapansin na nakatingin si Hector kay Eva na asawa ko. Ang kaibigan ko na ‘to ay kilalang allergy sa mga babae. Hindi nakikipagrelasyon at tanging fling lang. Casanova nga kung tawagin nila. Bukod sa negosyo ng kanilang pamilya, meron din itong textile company sa USA at India. Dito sa Pilipinas kinukuha at sa ibang bansa pinoproseso. “Hector, baka matunaw ang esmi ni Desmond niyan? Kanina ka pa nakatitig?.” Pang-uurat ni Third kay Hector. Habang ang lalaki naman ay nakangisi sa akin, na para bang sinasadya na asarin ako. Masama ba na ma appreciate ko ang likha ng Ama? Ngayon lang ako nagandahan sa mo

