Mabilis naman lumipas ang araw. Nakasanayan ko na rin ang buhay dito. Para hindi ako ma bored, nagbubungkal ako ng lupa. Nagtatanim ako ng mga halaman at ilang gulay na pwede sa paso lang. “Ma’am Eva, hinog na po ang mga pinya na tanim ninyo. Anihin na kaya natin?.” “Sige ate, ikaw na mag-ani. Tapos blender natin ano? Masarap yan kapag malamig. Iligpit ko lang ang mga ginamit natin.” Sabi ko sa isang kasambahay na sumunod naman kaagad sa akin. Nasa summer class kasi si Aria ngayon at mukhang nag eenjoy naman siya sa bago niyang school. Habang ako ay pilit naghahanap ng pagkaka-abalahan. Alas otso ng umaga aalis dito si Desmond, babalik ay alas sais ng gabi. May mga overnight trip din siya kaya minsan parang gusto kong umiyak. Naho-homesick ako dito kapag mag-isa ako sa kwarto. “Ma

