Nagising ako na wala na ang aking asawa sa tabi ko. Tumingin ako sa paligid at napangiti ako ng marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Kaagad ako nag hubad ng aking damit at pumasok sa loob. “Baby, gising ka na pala?.” Gulat na tanong nito sa akin, nakangiti lang ako at humakbang na din papunta sa shower. Tumingala ako para bumuhos sa mukha ko ang malamig na tubig. Hinaplos ko ang aking pisngi pati na rin ang aking buhok. “Ang ganda mo talaga baby, parang lalo kang gumanda ngayon, kumpara noon.” Napangiti ako sa pambobola ng aking asawa. Pumihit ako paharap sa kanya sabay pulupot ng aking braso sa kanyang batok. “Ikaw din, lalo ka gumwapo ngayon na hindi ka na masungit.” Napangiti ito sa akin at magaan na hinalikan ako sa labi. Sinimulan na niyang sabunin ang katawan ko at

