“Bakit nga pala tinitira mo si Allen Jane? Isa ba yun sa mga parausan mo?.” Tanong ko kay Rico na ngumisi lang at humithit ng kanyang sigarilyo. Nandito kami ngayon sa bakanteng lote, malapit sa trabaho. Nakabukas ang likod ng kanyang sasakyan at magkatabi kami na nakaupo. “Hindi pa kumpleto ang kailangan ko sa kanya kaya hindi ko pa mabitawan. Ayos lang din kesa mag jakol ako.” Hindi na ako nagtanong pa, nakuha ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Natatawa na lang din ako sa sagot nito na walang kwenta. “Kamusta kayo ng kapatid ko?.” “Kapal ng mukha mo! Ang ganda ng asawa ko para maging kapatid mo.” Mabilis na sagot ko dito sabay tungga ko ng hawak ko na lata ng beer. “Hahaha! May papel at legal na kapatid ko si Andrea, baka gusto mo isumbong kita sa mommy namin?.” Nakan

