“Uuwi na ako, salamat sa pagpapatuloy.” Sabi ko sa aking boss na wala namang pakialam. Ayaw daw niya ako ihatid, mag taxi na lang daw ako. Kaya ayun, dala ko ang mga box ng napkins at panties na binili niya sa akin. “Honey?.” “Nasaan ka?.” “Pauwi na.” “Okay, kita tayo sa bahay mo.” “Sa coffee shop nalang na malapit sa bahay, ihahatid ko lang saglit ang mga dala ko.” Usapan namin sa cellphone ng aking kaibigan na editor ko at manager na rin. Pagkarating ko pa lang sa bahay ay napangiti ako. Hindi lang pala pintuan at bintana ang inayos, pati ang labas ay pininturahan din. Nilagyan din ng plant box at ang iba ay mga nakalagay sa paso na mga halaman. Binuksan ko ang pintuan at napangiti ako ng makita ang mga locked. May maliit na din sa silipan kung saan makikita mula sa loob kung

