“Positive, magkasama nga boss si Ms.De Vera at Ms. Cruz, pero umalis na silang dalawa. Mukhang may pupuntahan pa ngayon.” Napangisi ako sa sinabi ni Rico, hindi ko na kailangan pa ng ibang patunay. Sapat na ‘yon sa akin ngayon, ang ibang ebidensya na siya si Ms.Aubrey ay malalaman ko din kahit wala akong ginagawa. “Boss, nandito ako sa Rizal. Mukhang sa nasunog na ampunan ng matatanda ang tungo nila.” “Sige, umuwi ka na.” Natapos ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na imbestigador. Ako ay nananatiling nakaupo at nag-iisip. Aakitin ko ba ang babae o liligawan? Ano naman ang alam ko sa panliligaw?. Napakamot ako ng aking ulo na hindi makati. Bahala na bukas, nakakapagod mag-isip. ___ “s**t naman! Kapag iniyot ka nga naman ng malas.” Pagmumura ko matapos makarating kami ni Honey

