Mabilis umikot ang aking sekretarya ay tumakbo palabas. Natatawa na lang ako dahil sa kulit ng babae. Ang pangisi-ngisi lang at tahimik, may tinatagong kulit pala. Hindi ko naisip na may naughty side ito. Hahakbang na sana ako palabas at susundan ito ng mapansin ko ang gamit na computer ni Ms.Cruz, buhay at maliwanag pa. Nilapitan ko ito hinawakan ang mouse. Nanlaki ang aking mga mata. Nakita ko ang pangalan. “Andrea Cruz, November 17, 1996.” Pati address nandito, at ang nasa pinaka-unahan, nandoon ang pen name, Ms.Aubrey! Napangisi ako na naupo na sa mababa na upuan ng babae. This is it! Hindi ko na kailangan pang kumilos, ang bilis naman ng pagkakataon. Pinatay ko na ang computer at napasuntok ako sa hangin. “Ms.Aubrey, Ms.Cruz, Ara, Ms.A, Queen Erotika and soon, Mrs. Walton.” Mah

