Maaga akong nagising para pumunta sa malaking bahay. Masaya ako dahil nagiging okay na ang lahat. Pero may kasama din na kaba, dahil natatakot ako na sa paggaling ni Desmond, baka bumalik siya sa nakagawian at nakasanayan na nightlife. Sa siyudad kung saan maingay, maraming kasiyahan at maraming babae. Tatlumpu’t-tatlong taon na ako, habang ang aking asawa ay dalawampu’t pito pa lang. Gwapo, mayaman at wala pa man ginagawang hakbang nakakaakit na sa tingin pa lang nito. “Hayst! Sana maging okay ang lahat.” Mahinang bulong ko habang nag-iimpake ng aming mga damit. Doon na kami pinalilipat ng mga in-laws ko sa malaking bahay. Gusto nila doon muna ako habang pinapaayos ang isang bahay sa katabing property na nabili ni daddy Damon para kay Desmond, para sa aming pamilya. “Bakit ang l

