“A—Anong ibig mong sabihin nanay?.” Nanginginig ang boses ko na tanong sa aking ina na pinaupo muna ako sa isang kahoy na upuan bago ako hinarap. “Naalala mo anak noong araw na sabi mo, gusto ko subukan ang buhay sa siyudad?.” Tumango ako dahil hindi ko maaaring makalimutan ang araw na ‘yon. Hindi ko akalain na papayagan ako ni tatay na lumuwas mag-isa. “Hindi ba anak at pinapirma ka ni Andrea ng kontrata? Hindi yun anak kontrata na iniisip mo. Kontrata ‘yon ng kasal anak. Nagkasundo kasi kami ni Rea na ipakasal kayong dalawa ng hindi ninyo nalalaman.” “Ako na Baby, ang magpapaliwanag.” Napalingon ako kay tita Rea na papalapit sa aming kinauupuan. Nakangiti ito na hinila ang isang upuan at humarap sa amin ng upo. “Masyado na akong problemado sa anak ko na si Desmond ng mga pana

