Ayaw ko pa sana bumangon. Nanggaling kasi ako sa magandang panaginip. Namamasyal daw kami na buong pamilya sa isang eco park. Ang saya ng panaginip ko na hindi na malabo ngayon. Hinarang ko ang aking kamay sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakakasilaw ay masakit sa mata. Masaya ako dahil bawat araw ay may improvement kay Desmond. Nakabuti ang pagbabantay ni Aria sa kanya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala ang bata na ama niya si Desmond. Sabi nga niya, dino-dog show daw namin siya. Kaya nagpasya ang mga matatanda na magpa DNA test para manahimik ang anak ko na nasobrahan sa pagiging wais. “Mama, bilisan mo na po. Gising na si lolamama Anna, ako po magpapakain sa kanya. Matigas kasi ang ulo non sa iba ‘e. Tumango na lang ako sa aking anak sabay hila ko ng tuwa

