“Good morning, Sir.” Pagbati sa akin ni Eva, pinapatakbo ko ang aking wheelchair papasok ng aking silid ng nakasalubong ko ang babae. “Saan ka mag-aalmusal? Sa silid mo ba o dito sa labas?.” Tanong nito sa akin na ang tono ay parang medyo istrikto. Kaya't nilingon ko ito at tinitigan ang mukha, matapang na nakipag-titigan din ito sa akin. “Sa silid ko, kelan ba ako kumain sa labas?.” Masungit na sagot ko sa babae na naramdaman kong sumunod na sa akin ng lakad. “Aba, malay ko ba?!. Kahapon lang ako pinapasok ni Tita Rea, wala naman briefing na naganap. Akala ko kaibigan ko na Desmond ang aalagaan ko, ermitanyong masungit pala.” Napakunot ang noo ko na pinihit ang aking upuan na de gulong. Tinitigan ko ito na pinagtaasan lang ako ng kilay. “Get out!.” Sigaw ko sa babae na hin

