Nakatayo kami sa gilid, magkatabi kami ni tita Rea habang ako gusto ko matawa sa mukha ni Desmond na hindi maipinta, ginugupitan ito ngayon ni Kirat. Mukha naman kasing kalabit penge ang lalaki, mahaba ang buhok at emo ang pormahan. Kung ano-ano pa ang nakasabit na mga bling-bling sa katawan. “Eva, sure ka ba anak sa manggugupit ng anak ko?.” Kinakabahan na tanong ni Tita Rea habang ako ay natatawa sa mga mukha nila na tensionado. “Pero very good ka anak, nagawa mong mapasunod si Desmond. Sabi ko sayo, hindi ka niya basta-basta maiisang-tabi. Kahit papano ay mahalaga sa kanya ang pinagsamahan ninyo.” Hindi ako umimik, kahit papano pakiramdam ko ay may bahagi pa rin ako sa pagkatao ni Desmond. Naaawa ako para sa lalaki, nawala ang confidence niya dahil sa aksidente. Parang sa mga n

