“s**t!.” Halos gibain ko ang aking laptop sa sobrang inis. Pagdating ko dito sa bahay ay inasikaso ko kaagad na buksan ang isang account ko sa ibang bangko. I have more than half a million. Kulang sa kailangan na limang milyon. Saan ako kukuha? Mayroon akong milyon, pero naka time deposit at maghihintay pa ako ng tatlong taon. Plano ko kasi kapag wala pa akong asawa sa panahon na yun, magpapa turok na lang ako ng sperm ng ibang lahi. Green or blue eyes, mas bet ko tapos maputing anak. Well, maputi naman ako. Kaso mas gusto ko ang ibang lahi, matangkad mas madaling makahanap ng work. Syempre, nasa Pilipinas tayo, ang kailangan kapag naghahanap ka ng work artistahin ka. Kapag chaka ka, kahit isang bundok pa ang mga credentials mo at sumisigaw ang CV mo, nako! Walang magagawa kapag hindi ka

