CHAPTER: 3

1422 Words
“Anong binabasa mo girl?." Tanong ni Karren sa isang officemate namin na tahimik lang sa gilid at parang may sariling mundo, habang kami ay lamon kung lamon ang ginagawang pagkain. “H'wag kang maingay d'yan! Tinatago ko nga ang binabasa ko ‘e. Baka may makaalam na malibog ako.” Sabay naman kami na natawa sa sinabi ni Michelle. Tumingin pa ito sa paligid bago ipinakita ang pabalat ng kanyang aklat. Siguro nag dalawang lunok ako bago ako napainom ng tubig sa baso. “Grabe ang writer na ‘to sis, sabi ko sayo! Magbabasa ang panty mo sigurado sa mga novels niya. Alam mo naman, bawal ang porn sa bahay baka mahuli kami ng mga junakis. Kaya dito na lang ako, nako sis! Nag*g*hasa ko talaga ang asawa ko.” Napalunok na lang ako habang kumakain. Secretary naman ito ng isang stockholder na may opisina sa kabila, dahil medyo demanding ang kanyang amo ay meron silang sariling space. Mabait naman ang babae at hindi ko akalain na reader ko pala. “Sabi nila, mataba daw ang writer na yan at pangit. May nagsabi naman na baka matanda na at hindi na bagay magsulat ng erotica kaya nagtatago.” “Ay talaga ba?." Kunwari tanong ko sa babae na tumango pa at sumubo muna ng pagkain bago muling nagsalita. “May nagsabi naman bakla daw." Napa-ubo ako! The last time i check, cherry pa naman ang meron ako at hindi saging. “Pero alam mo, kahit ano pa ang itsura niya keri lang naman sa akin. Mahalaga naman nag enjoy ako sa binabasa ko, nalibang ako. Wala naman akong pakialam sa physical appearance ng writer ‘e.” Sabi pa ulit ng babae na tinanguan ko bilang pagsang-ayon. “Pahiram nga ako sis baka may iba ka pang book niya. Gusto ko naman maranasan kiligin kahit sa pagbabasa man lang. Nabobored na rin ako manood ng porn ‘e, parang mga kinakatay na pusa ang mga babae, ang pangit gumanap.” “Sige, bukas pahihiramin kita, may dalawa pa ako sa bahay." Sabi pa ng babae na kinagulat ko, reader ko nga pala talaga si Michelle. “Michelle kanina ka pa hinahanap ng boss mo.” Sabi ng isang employee kaya nagmamadali na tumayo ang babae. Si Karren naman ay nagpaalam na mauuna na rin. Ako ay mayroong bente minutos pa kaya kinain ko muna ang halo-halo na order ko. Paglingon ko, napansin ko, naiwan pala ni Michelle ang kanyang binabasa. Pasimple na inabot ko ang libro at pinirmahan ko mismo sa unang pahina kung saan nakaprint ang aking pen name. Wag sana magulat ang babae kapag napansin niya. Napangisi ako na iniwan sa lamesa ang libro at tumayo na din para bumalik sa opisina. Sigurado naman ako na mamaya ay may mag-aabot sa kanya ng aklat na babasahin. Pagdating ko sa loob ng opisina, nakasimangot ang boss ko at saglit lang ako nilingon. Tuloy-tuloy ang lalaki sa pagtitipa sa kanyang laptop. “Ms. Cruz, nagkaroon ka na ba ng boyfriend?." Tanong ng boss ko na hindi ko sinagot, bahala siya sa buhay niya. Personal na ang kanyang tanong at wala akong plano na sagutin. “Nag set ng blind si papa sa akin, iniisip ko if sisiputin ko o hindi." Teka, close ba kami ng demonyo na ‘to? Bakit parang very casual naman kung kausapin niya ako ngayon?. “Kahit anong ipayo ko sayo, kung ayaw mo naman wala rin mangyayari. Kaya sundin mo kung gusto mo, wag kung ayaw." Umupo sa tabi ko ang lalaki at pinakatitigan ako, mukhang may sanib ata ngayon. "Ilang taon na ba kitang secretary, Ms. Cruz?.” “More or less six years." “Bakit sa tagal nun, wala man lang akong nakita na sumundo na lalaki sayo?." “Dahil kaya ko maglakad mag-isa?." Pelosopo na sagot ko sa lalaki na umiling-iling lang sa akin. Maraming email kaya maraming trabaho ang dapat kong tapusin. Tiningnan ko naman sa gilid ng aking mga mata ang lalaki na bumalik na sa kanyang pwesto. Wala akong plano makipagkwentuhan sa kanya, isa pa baka magkamali ako ng sagot tapos dabugan pa niya ako. “Hello, Honey?." Sagot ko sa aking cellphone na kanina pa ilaw ng ilaw sa ibabaw ng office table ko. “Saan ba? Sige, pagkatapos ng trabaho ko." Sagot ko sa babae na nakikipagkita sa akin, may mga readers ako kasi na gusto ng pirma ko sa t-shirt na pinagawa nila na personalized with book cover of my books. Ang daming pautot ng manager ko na si Honey, okay din naman kahit papano kumikita ako. Magmula sa keychain, mugs, bookmark, panty, kahit brief merong character ng books ko. Maging unan meron din. “Miss Cruz, samahan mo ako ngayon, mamimili ako sa department store." “Pero uwian na, may kausap ako ngayon." “Boyfriend mo?." Tanong ng lalaki na nakapamulsa sa harapan ko habang nakaupo lang ako at nakatingala sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang manyakis ko na mata ay napatitig sa malaking bukol sa harapan ng lalaki. Iniwas ko kaagad ang aking tingin at nagpanggap na nagliligpit ng mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa. “Wala ka na doon. Tara na! Para matapos na ang pamimili mo boss." "Miss Cruz, sino ang boss sa atin?.” Tanong ng lalaki na hindi ko pinansin, aminado ako na naiinis ako sa lalaking demonyo na ‘to, pero may time naman na parang naaawa ako dahil nga tambak ang trabaho niya, ako bilang sekretarya niya ay nakikita ko ang kanyang mga ginagawa sa araw-araw. Isa din siguro ang trabaho sa dahilan bakit napakasungit ng lalaki. Ikaw ba naman nag-iisang anak tapos ikaw nag-aasikaso ng lahat ng negosyo. Paglabas namin sa opisina ay nakatingin ang mga empleyado, bakit hindi? Ngayon lang kami nag sabay maglakad ng lalaki na ito at nasa gilid namin ang kanyang apat na bodyguards, nakasunod. Nadaanan namin si Karren at Michelle ang mukha ng dalawa ay mukhang nagtatanong. Itinaas ko lang ang aking balikat dahil wala naman talaga akong alam kung bakit isasama pa ako ng abnormal na ‘to sa kanyang pamimili. “Saan ka pa mauupo?." Tanong ng lalaki ng akmang sasakay ako sa unahan sa tabi ng driver. “Ano, mas gusto mong katabi si Von kumpara sa akin?.” Hindi na lang ako nagsalita, pero sa isip ko. Gusto ko na siyang tirisin. “Why dont you wear stockings?.” Tanong ng boss ko habang diretso ang tingin sa unahan. Ako naman ay napahaplos sa aking binti dahil hindi ko alam ang aking isasagot. “Wala na kasing badget, gasino na ang kinikita ko." Hindi ko alam kung bakit yun ang sinagot ko sa lalaki. Kaya ngayon, isang tambak na stockings at mga formal attire ang nasa cart na tulak-tulak ko. “S—Sir, bakit parang puro pang babae lahat ito?.” Tanong ko sa lalaki na hindi naman ako sinagot, bagkos ay nagtanong muli. "Anong size mo?.” "Extra small.” "So, tama pala ako.” Mahinang sabi ng lalaki na parang proud pa habang nakangisi. Naglalakad pa kami hanggang sa nakarating kami sa mga lingerie section. Dampot ng dampot ang lalaki ng mga undies pero napahinto siya ng mapatapat sa mga brassiere. “Hi, Sir! Kay ma'am po? Sa palagay ko ay hindi kasya ang hawak mo, medyo malaki po kasi ang hinaharap ni ma'am, siguro po ay cup C siya. Pero mas okay po kung susukatin natin?." “How?." Seryosong tanong ng lalaki, gusto ko na sana tumakbo sa kahihiyan dahil pinagtitinginan na kami. Bakit hindi? 'E, mall nila ito. “36 24 36, wow! Ang perfect ng body shape mo ma'am!." Eksaherada na sabi ng sales lady. Ako naman ay pakiramdam ko umaapoy na ang aking mukha sa hiya. Maging ang boss ko ay napalunok at pasimple niluwagan ang kanyang kurbata. “Sir, sure ka sa akin lahat ito?." Tanong ko sa aking boss na mukhang mamatay na dahil biglang bumait sa akin ngayon. Nandito kami sa loob ng kanyang sasakyan at pauwi na. “Alangan naman kay mommy? Wala din naman akong kapatid. Saan ba ang bahay mo ng maihatid na kita?." "Sa coffee shop na lang malapit sa building mo, doon kasi ang meeting place namin ng kausap ko.” “Gabi na, hindi safe sa babae ang nasa labas ng bahay sa ganitong oras, ihahatid na kita sa bahay mo. Give mo your address, bukas na lang kayo magkita ng kausap mo." Hindi na lang ako nakipagtalo sa lalaki. Nagugutom na ako at gusto ko na lang mahiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD