CHAPTER: 4

1084 Words
“Sis, boss mo ba yun? Bakit may pa hatid pa na drama? Jojowain ka ba?." Ang daming tanong ni Honey na tinitigan ko lang ng masama, kaya tumigil. Chinat ko na lang na dito kami magkita sa bahay, dahil nga pagod na rin ako. “Ito naman ang sungit, may regla ka ba?." Tanong niyo sa akin na inismiran ko lang, kumuha ako ng mga ulam sa freezer na niluto ko na noong mga nakaraang araw pa. Iinitin ko na lang sa microwave dahil nagugutom na ako. “Teka, gusto ko rin ng dinuguan, may gata ba yan?." Tumango lang ako sa babae at kumuha ako ng dalawang tub, may kanin na rin ito kaya ready to eat na dahil kumpleto na sa isang microwave na lagayan. “Grabe ka, naka organized lahat dito sa bahay mo. Pero, hindi ka ba nalulungkot?." Tanong ni Honey sa akin na napaisip din ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. "May mga araw na nalulungkot ako, syempre naalala ko ang mga magulang ko." “Bakit kasi hindi ka na lang mag-asawa, financially stable ka naman na ngayon. Lahat ng books mo mabenta, kahit sa flatform hanggang ngayon kumikita ka pa rin. Ano ba ang pumipigil sayo?.” Hindi ko sinagot si Honey, pero sa totoo lang naiisip ko kasi, baka kapag nagkapamilya ako ‘e matulad lang sa mga magulang ko na napabayaan ang kanilang sakit na ikinamatay nila dahil nga wala naman kaming sapat na pera para ipagamot noon. “Kapag milyonarya na ako, mag-aasawa ako ng parang pang fictional characters sa mga books ko." “Ay! Yung pinatutuwad ka tapos sinasakal?." Sabay kaming nag katawanan ng babae, sakto naman tumunog ang microwave kaya tumayo na ako para ihanda ang aming kakainin. Nagkakilala kami ng babae on line, anak siya ng may-ari ng pub house kung saan iniimprinta ang aking mga aklat na babasahin. Noon ay nagbukas ang kanilang Publishing House para sa mga gustong maging manunulat nila mismo. Nagpasa ako ng manuscript at nakakatuwa na isa ako sa napili nila. Noong mga panahon na yun ay graduating pa lang ako ng kolehiyo ay kamamatay lang ng aking ina. Isa ang pagsusulat sa naging daan ko para idivert ang aking atensyon at wag malugmok sa pag-iisa. “Ayaw mo ba talaga magpakita sa mga readers mo? Para masampal ko ang mga kapwa mo manunulat na naninira sayo na asawang ka daw." Natawa ako sa sinabi ni Honey, napakagandang babae nito. Syempre, pinanganak na may gintong kutsara at tinidor ‘e. “Pabayaan mo sila, wala naman akong mapapala kung sakali na patulan ko sila." “Pero, anim na taon ka ng manunulat. Ayaw mo bang bigyan ng kasiyahan ang mga readers mo?.” Napapaisip din ako, parang ngayon ko lang naisip na ang tagal ko na pa lang nagsusulat. “Pag-iisipan ko." “Yown!." Napatayo ang babae sa sagot ko, madalas kasi na ayaw ang sinasabi ko. At least ngayon pag-iisipan ko na. “Salamat sa masarap na pagkain, iniwan ko na ang mga pipirmahan mo sa sala huh? Babalikan ko na lang after a week. May blind date kasi ako bukas." Tuamango lang ako at hinatid ang babae sa pinto ng aking bahay. Nakakatuwa na kahit mayaman ito, wala man lang kaartehan sa katawan. Hindi katulad ni Allen Jane na feelingera masyado. Hinalungkat ko lahat ng pinamili sa akin ng aking boss, napangiwi ako na puro dress ang karamihan at ang iba ay mga pang opisina na uso ngayon ang mga tabas. Napangiwi ako dahil parang nakakahiya isuot. Nagpasalamat naman ako kanina sa lalaki, na appreciate ko naman ang panlilibre niya sa akin, sa loob ba naman ng anim na tao ‘e, ngayon lang niya ako nilibre kaya tinanggap ko na at hindi na ako nag inarte pa. Baka nakonsensya dahil sa mga paninigaw niya at pangangarag sa akin ng mahabang panahon. Sa totoo lang, crush ko naman talaga si Damon, sadyang nawalan lang ako ng gana dahil mahilig manigaw. Matapos mo maayos sa cabinet ang aking mga damit na bago ay hinarap ko na lang ang aking laptop. Nagbasa ako ng mga comments sa flatform kung saan ako nagsusulat. May ilang email din sa akin ang ibang loyal readers ko na nakakataba ng puso. Saying na kahit ano pa daw ang maging itsura ko ay tanggap nila. May ilang video naman na napalunok ako, may ilan kasi akong readers na lalaki at talaga naman na dalang-dala sa bawat eksena sa kanilang binabasa. Ang email na ito ay para sa mga mambabasa ko, iba ang email na gamit ko para sa trabaho at personal. Mga nagsasarili na lalaki, napangiwi ako dahil inuungol nila ang name ng mga female lead na nasa books ko, feeling daw nila ay sila ang male lead. Aminado naman ako na pampalibog talaga halos laman ng mga books ko na nasa flatform, pero ang book ko na iniimprinta ay iilan lang ang mga bed scene at sigurado naman ako na may aral sa buhay. Pinatay ko ang aking laptop matapos ko mabasa ang ilan sa mga emails. “Hayst! Kung buhay pa kaya kayo mama ni papa, proud kaya kayo na kahit papano may pera na ako at matatag na trabaho?." Wala sa sarili na tanong ko sa aking sarili habang hawak ang cellphone kung saan kinuhaan ko ng larawan ang lumang larawan din ng aking mga magulang. Hindi naman sana ako magiging writer, kung hindi lang nag pandemic noon at kailangan ko ng pagkakakitaan dahil nga working student ako at nahinto ang trabaho ko noon. Bukod sa na bored ako ay kailangan ko rin suportahan ang mga matatanda sa home for the aged. Ang nasa isip ko lang noon ay dapat wag magutom ang matatanda. Hanggang sa nag enjoy na ako at dito ko na talaga kinukuha ang pera. Ang kinikita ko sa opisina ay para sa sarili ko lamang. Masasabi ko na sobra pa sa needs ko, pero dahil hindi nga ako maluho na babae, mas inuna ko ipaayos ang bahay ko na iniwan sa akin ng aking mga magulang, tanging iniwan. Bumangon na akong muli inalis sa aking isipan ang kalungkutan. Walang mangyayari kung babalik ako ng babalik sa nakaraan na kahirapan, ang mahalaga ay kasalukuyan. Pumasok ako sa aking banyo at mabilis na naligo. Nagsuot lang ako ng panty at nahiga na sa aking kama. Kailangan ko magising ng maaga bukas. Day off ko at magpapa-ayos na ako ng buhok, sobrang haba na at mahirap na itali, mabigat na rin sa ulo kapag nakalugay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD