CHAPTER: 5

1112 Words
“Girl, maawa ka naman sa buhok mo. Patay na ‘to. Putulan na natin dahil puro na split-ends. Gagawin kitang tao sa abot kayang presyo.” Sabi ni Paloma sa akin, ang baklang kakilala ko na nagwo-work sa isang high-end salon dito sa mall. “Magkano naman? Baka abutin ng limang libo, nako! wag na lang.” Sabi ko sa bakla na inikutan lang ako ng mata at mahina na hinila ang aking buhok. “Ang iba na babae halos gawin ang lahat makapagparebobd lang, ikaw itong babae na walang pakialam sa buhok. Susmi! Basta na lang pinusod. Hindi na makahinga ang buhok mo. Tatlong libo na lang, may libre na pap smear at padasal sa mahal na araw. Punyetang kakuriputan mo talaga Rea! Ang ganda mo pero ang losyang mo.” Nakangiti lang ako habang panay ang daldal ng bakla. Kaeskwela ko ito noong hayskul ako kaya kahit papano ay close naman kami. Sabay din kami noon na umuwi ng bahay dahil nga naglalakad lang kami. “Susmi na lapnos na ang kamay ko sa kapal ng buhok mo girl, magpa-soft drinks ka man lang.” Hirit pa ng bakla matapos niyang alisin ang kapa sa aking balikat. Natatawa ako na isinuksok sa kanyang bulsa ang pera. Inabot kami ng halos walong oras sa kapal ng buhok ko. Alam ko naman na puro damage na ito kaya naman maayos ang binayad ko. “Ay!!!! Galante ang lola mo! five kyaw!.” Sigaw ng bakla habang inaamoy pa ang binayad ko na limang libo na papel. “Oh di ba? Mukhang tao ka na.” Pagbibida pa nito na hinampas ko ng hawak ko na hair brush. Ang dating abot pwet ko na buhok, ngayon ay hanggang balikat ko na lang. May kulay na rin ito na brown na parang sa balat ng kopiko brown. “Parang kape na ako nito bakla ka!.” Pagbibiro ko na ikinatawa naman ng baliw na bakla. “Halika pa pala, dahil may tip ako, ahitin at mag harvest tayo ng sabog-sabog na kilay mo.” Sabi pa nito na iniilingan ko. Akmay aalis na ako ng mahigpit niyang hawakan ang braso ko at nagtawag pa ng isang kasama. Wala akong nagawa kundi ang maupong muli at tiisin ang sakit ng bawat paghila niya ng sinulid. “Punyeta ka Paloma! Kaya ayaw ko magpabunot ‘e. Parang nalaglag ang mata ko sa sakit.” Reklamo ko sa bakla pero ng makita ko ang aking sarili sa salamin ay napatulala ako. Ibang tao na ang aking itsura. Ngayon ko lang naisip na i treat ang aking sarili, dahil nga sa nanghihinayang ako sa pera. Ilang sako na rin ng bigas ‘yun para sa mga umaasa sa akin na walang pamilya o pinabayaan ng kanilang pamilya na matatanda sa ampunan. “Mabuti na lang kanina kinulayan ko na rin ang kilay mo, oh di ba? Pak na pak! Sino ka d'yan?.” “Tse! Uuwi na ako, salamat.” Sabi ko sa bakla sabay talikod ko na, pero hinabol pa ako nito. “Gaga, sure ka ba sa bayad mo sa akin? Baka naman magipit ka nito? O kaya ibili mo na lang ng mga bagong damit, okay na ako sa dalawang libo, gamot na lang dito sa salon ang bayaran mo. Mga organics kasi ang ginamit ko sayo ‘e, pero kung mga mumurahin kahit dekwat ko na lang sana, free ka na.” Na touch ako sa sinabi ni Paloma hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil. “Ipon ko yan, wag mo akong alalahanin. Maraming alamang na gisado sa bahay. Itatawid nun ang isang linggo ko na ulam.” Pagbibiro ko pa sa bakla na seryoso akong tinitigan. “Sure ka talaga?.” Tanong pa ulit ni Paloma na nginitian ko at tinalikuran na. Wala akong matatawag na kaibigan, hindi ko rin siya masabi na kaibigan ko nga. Pero masaya ako na kahit papano ay may nag-aalala pala sa akin. Walang alam ang lahat sa totoong estado ng buhay ko. Nanatili kasi ang lifestyle ko na ganun pa rin magmula ng nabubuhay pa ang mga magulang ko, hanggang ngayon na ulila na ako. Namili lang ako sa grocery ng ilan na kailangan ko sa bahay katulad ng kape. Mga condiments at saka ako pumasok sa isang fast food chain. Nag order lang ako ng burger at fries for take-out. Sumakay na ako ng jeep pauwi at doon ako kumain ng binili ko kanina. Hindi ako ang uri ng tao na uubusin ang oras sa pag tunganga. Nasanay ako na mayroong ginagawa. Nag half bath lang ako matapos ko kumain at hinarap na ulit ang aking laptop para magsulat. Hindi ko namalayan na gabi na pala, nilabas ko ang pinamili ko na karne at nagluto ako ng tatlong putahe. Matapos ko ayusin sa mga microwavable na lagayan at palamigin ay nilagay ko na kaagad sa freezer. Kinain ko ang natira at nanood saglit sa television. “Damon Walton.” Mahinang bulong ko sa pangalan ng aking boss na laman na naman ng balita. Nauugnay na naman sa isang artista. Nakakatawa din na maraming babae na gustong mabingwit ang demonyo. Yun lang nga, mukhang introvert ang boss ko. Gwapong gwapo ang lalaki sa soot niyang jogging pants habang pawisan at bakat ang malaking alaga. Napalunok naman ako, wala pa akong karanasan at aminado ako na sa edad ko na 'to ay sobra pa sa curious ang nararamdaman ko. Gustong gusto ko na tumikim! Yun lang nga at wala naman akong jowa. Ayon sa balita, kasabay pala niya magpapawis ang babae sa park ng subdivision. Mukhang sinadya naman na abangan siya at sinadya na may video at larawan na nag-uusap ang dalawa. Napapa-iling na lang ako sa mga desperada na babae. Pinatay ko ang tv at nahiga na ako para matulog. “Good morning kuya.” Pagbati ko sa manong guard na nakatulala sa akin. Kung dati ay snob ako nito, ngayon naman ay para bang ayaw ng kumurap. Halos nakatingin sa akin ang mga empleyado, paano kasi. Kanina sa bahay, sinubukan ko isuot ang dati ko na mga office attire, nagmukha lang akong manok na panabong. Pero ng isukat ko ang damit na pinamili ni sir Damon ay nagmukha akong yayamanin. "Hoy, Andrea ikaw ba 'yan?." Eksaherada na tanong ni Karren sa akin na may mataas pa na tono. Nandito kami ngayon sa loob ng elevator. "Wag kang OA Karren, mukha kang baliw." "Gaga! Nagulat lang ako, dalaga ka na. Hamakin mo yun, mukha ka ng tao." Sabi pa nito na hindi ko na lang pinansin. Sakto na huminto ang elevator sa tapat ng aming opisina. Lumabas ako at diretso na pumasok sa loob. "Miss----."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD