“Miss A—Andrea?.”
Nabubulol at mahinang tawag sa akin ng demonyo na hindi ko pinansin. Naupo ako sa aking pwesto at hinarap ang aking patong-patong na gawain. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa utak ng boss ko. Wala naman akong naisip na kasalanan ko dito, pero parang pinaparusahan na naman ako dahil isang tambak ang nasa ibabaw ng aking lamesa.
“Sir, mag resign na lang kaya ako? Napapagod na akong magtrabaho, mag benta na lang kaya ako ng isda o asawahin ko na lang yung tindero ng karne doon sa palengke.”
Wala sa sariling sabi ko dahil sa totoo lang ay nayayamot ako ngayon. Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi ko at ang uri ng kanyang tingin sa akin ay para bang sinusuri ako.
“Bakit ganyan ang itsura mo?.”
Tanong ng aking boss kaya tumayo ako. Tiningnan kong muli ang aking sarili at mukhang okay naman ang suot ko. Medyo maikli lang nga ang dress na suot ko dahil above the knee ito.
“Why are you not wearing stockings?.”
Tanong ng lalaki kaya yumuko ako at tinitigan ito ng blangko.
“Nakasuot ako ng dress sir, bakit naman pag susuotin mo ako ng stockings? As if naman nasa bansang malamig tayo.”
"Did you check yourself in the mirror before leaving the house? You might be seen through what you're wearing."
“Sino ba ang nag bili nito sa akin?.”
“Ano, Ms.Cruz?.”
Hindi na ako nakipagtalo pa. Hinarap ko na ang aking mga gawain at ng sumapit ang tanghali ay pupunta na sana ako ng canteen.
“Hello sir, magandang tanghali. Pwede na po ba maistorbo si Andrea? May itatanong lang po ako, lunch break naman ‘e.”
Tanong ni Karren sa boss ko na tumango lang at muling hinarap ang kanyang laptop.
“Girl, may dala akong kakanin hindi ko kayang ubusin. Hati na lang tayo huh? Baka kasi mapanis.”
“Lunch break na, hindi ka bababa?.”
“Busog na busog na ako sa mga ‘yan. Dinala ni nanay galing probinsya. Ipamigay ko daw sa mga officemate's ko. Ayaw ko naman dahil mga sosyalera mga tao dito, baka laitin pa.”
Bulong ni Karren na tinanguan ko. Inilabas niya ang apat na tub. Nanlaki ang mga mata ko dahil mga paborito ko lahat.
"What's that smell?”
Sabay kaming napatingin kay demonyo na nakatayo na pala sa tabi namin. Akmang itatago pa ni Karren ng pigilan ko ang kanyang braso. Mukhang natatakot ang babae sa boss namin.
“A—Andrea, mauuna na ako huh? Sir, enjoy po kayo.”
Nabubulol pa ang babae na nagmamadaling lumabas.
“Ang naamoy mo siguro ay ang latik. Kumakain ka ba ng kakanin?.”
Tanong ko sa lalaki habang ang kaibigan ko ay kasasarado pa lang ng pinto.
“Si yaya nagluluto. Pahingi ako.”
Gusto kong matawa sa lalaki na parang bata na nanghihingi, nakalahad pa ang kanyang palad sa harapan ko. Ang sarap sanang hindian kaso baka umiyak ‘e. Nagmamadali pa si Karren lumabas dahil baka siguro iniisip ng babae na nababahuan ang boss namin sa dala niya.
“Sa'yo na ang isa.”
Sabay abot ko sa lalaki na nakatitig lang sa mga tub na nasa ibabaw ng aking lamesa.
“Bakit?.”
“Apat yan tapos isa lang ibibigay mo sa akin? Ang liit mong babae ang lakas mong kumain, akin na ang isa pa o dalawa. Kulang pa ‘to sa akin. Ang laki kong tao tapos kokonte lang ibibigay mo.”
“Hoy de—, Sir! Pananghalian ko na ‘to.”
Sabi ko sa lalaki na inagaw ang tub na hawak ko. Sinisilip pa ang aking likuran. Iniisip siguro na may tinago pa ako.
“Later in the afternoon, magpapadeliver ako. Akin na ang isa.”
Sabi ng lalaki kaya inabot ko ang isa pang lagayan. Bali, tatlo sa kanya at isa lang sa akin.
“Ugh! It's so delicious, I feel like I don't want to stop.”
Napalingon ako sa demonyo, bakit parang iba ang pagkakarinig ko?. Mukhang apektado na ng mga sinusulat ko pati ang takbo ng aking utak. Malakas ko pinitik ang aking noo, baka sakali na umayos ulit ng takbo.
“Do you have any left?.”
Tanong pa nito na inismiran ko. Ninanamnam ko pa nga ang sapin-sapin at maja blanca ‘e. napakaburaot ng isang ‘to.
“Wala na!.”
Asik ko dito na hindi naniniwala. Akmang kukunin pa ang hawak ko kaya dinilaan ko ang hawak ko na kakanin. Napangiwi at parang nandidiri sa ginawa ko ang lalaki. Dinampot niya ang paper bag na nasa sahig at tinaktak sa ibabaw ng lamesa ang mga laman.
“Ano ba yan! Gusto ko pa.”
“Uminom ka ng tubig para mabusog ka.”
Sabi ko sa lalaki na parang bata na nagdadabog. Mukhang paborito nga niya ang kakanin. Nakakatawa ang side nito na sa tagal ko na kanyang sekretarya ay ngayon ko lang nakita.
“Bye, Sir.”
Paalam ko sa lalaki na tumango lang sa akin. Si Karren naman ay lumapit sa akin kaagad.
“Girl, anong balita?.”
“Nabitin si demonyo, paborito pala niya ang kakanin.”
“Ganun ba? Mabuti naman kung ganun, akala ko pagagalitan ka. Teka, nakita mo ba ang book ni Ms.Aubrey? Nilagay ko siguro sa paper bag o nailapag ko sa ibabaw ng table mo. Hindi ko na matandaan, hiniram ko lang ‘yun kay Michelle. Sabi pa naman niya ay ingatan ko dahil tatlong libo daw ang halaga ng aklat na ‘yun.”
Napaisip ako sa sinabi ng babae. Baka ang first book ko na mayroon lang na one hundred copies. Grabe, gusto kong yakapin si Michelle. Ang sarap pala sa pakiramdam na mayroon kang kilala na reder mo din.
“Bukas hahanapin ko.”
Sabi ko sa babae sabay paalam ko na at sumampa na ako sa jeep na dumaan. Mabilis lang ako nakarating sa bahay dahil medyo maliwanag pa. Hindi pa alas sais kaya hindi pa masyadong ma-traffic.
___
Nagliligpit na ako ng aking mga gamit ng mapansin ko sa ibabaw ng table ni Andrea ang isang aklat. Agaw tingin ang pabalat nito na kulay rosas at disenyo na mga bulaklak. Very feminine, alam mo na babae ang owner.
"Je t'aime”
Basa ko sa pabalat. Dinampot ko ang babasahin at nilagay sa loob ng aking bag. Babasahin ko mamaya sa bahay habang nagpapa-antok. Ano kaya ang laman nito at bakit biglang nagbago ang itsura ng babae?. Baka may boyfriend na?. Biglang kinabahan ako sa aking naisip. Hindi ko alam, bakit bigla na lang natuon ang attention ko sa aking sekretarya. Ilang araw pa lang ng mapatitig ako sa mata nito ng alisin niya ang kanyang suot na salamin. Ganun din ng makita ko ang kanyang balbon at maputi na mga binti.