Nagising na lang ako na nasa malaki na akong silid. Inikot ko ang aking paningin pero hindi talaga ako pamilyar. Nakasuot na din ako ng malaking t-shirt at wala akong panloob. Nababalot ako ng kumot dito sa loob ng malamig na kwartong ‘to. “Ay! Putcha!.” Sigaw ko ng tatayo na sana ako pero napaupo ako sa kama. Nanginginig ang tuhod ko at walang lakas. Napapikit ako ng maalala na tatlong beses pala may naganap sa amin ng damunyo. Kahit ganun, wala akong makapa sa sarili ko na pagsisisi. Hindi ko nga alam kung ano na ang nararamdaman ko para sa lalaking ‘yun. Basta ang alam ko lang, secured ako kapag kasama ko s’ya, para bang may matibay ako na pananggalang. Ganun ang pakiramdam ‘ko para sa aking asawa. Bukod sa kinikilig ako sa kanyang kagwapuhan at ngiti. “Gising ka na pala. Let's go

