Kanina pa daldal ng daldal ang asawa ko, pero dahil ayaw ko talaga mag-isa dito sa opisina dahil baka tamarin ako at antukin ay hindi ko na lang ito iniimikan. Gabi na at sa totoo lang ay hindi ko rin napansin ang oras. Ayaw ko naman hayaan ang babae na mag-abang ng sasakyan sa labas, baka mapahamak pa ito lalo at alas otso na ng gabi. “Damon! Ano ba, dito ba tayo matutulog?.” Hindi ko ito pinansin, nagpadeliver naman ako kanina ng pagkain kaya sure na hindi kami magugutom. “Bahala ka nga d’yan!.” Sigaw sa akin ng babae na hindi ko inintindi, malapit na ako matapos sa mga ginagawa ko kaya’t ayaw ko maabala. Kasalanan talaga ni mommy ‘to na inaya ako sa salon para may kasama daw siya magpa-ayos. Tuloy, tambak ang mga trabaho ko, pinalinis ko pa naman ang schedule ko para matapos na l

