“Sir, date ba ‘to?.” Tanong ng aking sekretarya na halata pa ang sarkastiko sa tono ng pananalita nito. Mahirap basahin ang kanyang nasa isip. Mahirap din kalkulahin ang galaw ng babaeng ‘to. Hindi katulad ng iba na alam mo na ang next move, magpapa-cute na at nagpapapansin. Ang isang ito walang pakialam sa akin, sa pagkain lang meron. “Ugh! Ang saraaaaaaap!.” Ungol ng babae habang nakapikit at ninanamnam ang steak na nasa loob ng kanyang bibig. Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw dahil sa akto ng aking kasalo sa pagkain. “Bakit?.” Tanong pa ulit ng babae na ganadong-ganado sa pagkain. “Ayaw na kitang ka date, ang lakas mong kumain. Kaya siguro wala kang kasintahan ‘e, baka iniisip siguro nila, mamulubi sila sayo.” Pang-aasar ko sa babae na tumahimik. Medyo nakonsensya ako dahi

