Nagmamaneho pa lamang si Sandra papunta ng Parañaque Doctors Hospital ng mag-ring ang kanyang telepono.
'Good morning Dra Sandra, are you on your way?' Tanong ng nagsasalita sa kabilang linya.
'Yes Doctor Rivera, napatawag po kayo?'
'We have a VIP patient, I think you assisted him once because he is asking for you, also one of my closest friend. Malapit ka na ba?'
'Few blocks away, Doc. Dadaanan ko lang 'yong coffee ko at derecho na ako diyan.' Paliwanang niya habang nakatingin sa kalsada.
'Okay, dumirecho kana lamang dito after you fix your things. Don't let your patient wait okay?'
Napakunot naman ang noo niya sa narinig. Sa huling tingin kasi niya sa wrist watch niya ay ahead pa siya ng lagpas isang oras. 8am dapat ang time-in niya samantalang 6:47 pa lamang.
'Okay Doc.' Naiinis man ay tanging naisagot niya. Ang director lang naman ng buong cardiology department ang tumawag sa kanya na bihira lang mangyari. Kung hindi dahil sa VIP patient o kaya naman ay nagpapatawag ito ng meeting ay saka lamang ito tumatawag.
Nang madaanan niya ang coffee shop kung saan siya nag-early order ng cold brew na lagi niyang iniinom ay dumiretso agad siya sa parking ng hospital. Bago naman umakyat ay tinawagan na niya si Felicity na ilagay na muna sa table niya ang ilan sa mga hinihingi niya dito kagabi. May kailangan kasi siyang tingnan na mga records dahil na-reformat ang kanyang desktop kahapon at nagkataong nandoon lahat ng kailangan niya.
Matapos maayos ang lahat pati ang sarili ay saka siya umakyat sa 7th floor para puntahan ang naturang VIP patient.
Bumungad naman sa kanya ang director mismo ng PDH na nakangiting sumalubong sa kanya. "Finally, Dra. Lessandra is here. I believe Doctora Lessandra here and your wife, Paul have already met."
"Good morning po, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiting bati niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti niya nang matandaan si Mrs. Dianna, months ago ay nahawakan niya ito bilang pasyente niya dahil sa chronic heart condition nito.
"Kamusta ka na Doc Olivarez?"
"I'm good Mrs Dianna." Inilahand pa nito ang kamay bilang pagbati sa ginang.
"Paul, Dianna, Dra. Olivarez here is an expert and also one of the best cardiologist here in PDH. You are in good hands."
"Lessandra, ikaw na ang bahala sa kumpadre ko ha?"
"I'll do my best, Doctor Rivera." Nakangiti naman niyang sagot dito.
Agad naman niyang chi-neck ang vital signs ng ginang pati na ang oxygen level nito sa katawan.
"Napaka-ganda mo talaga Doctora Sandra."
"Nako Mrs. Embarcadero mas maganda po kayo." She smiled at her while checking her heart rate.
"May boyfriend kana ba hija?" Singit naman ni Mr. Embarcadero na nakatingin sa kanilang dalawa.
"Nako, wala po. I'm more inlove with my profession Mr. Embarcadero."
"Hija, you can call us in our name. No need to be formal." Tumawa naman ang Don at lumapit sa tabi ng kanyang asawa.
Kahit noong una pa lamang ay naging mabait sa kanya ang mag-asawa kahit alam naman niya na ang mag-asawang Embarcadero ang may-ari ng halos 40% ng share ng ospital kung saan siya nagta-trabaho.
"You know Mr. Embarcadero that I can't do that." Nahihiyang sabi niya na ngumiti pa sa mag-asawa.
"Hija, kapag tayo-tayo lamang ay hindi na natin kailangang maging formal sa isa't-isa. Right Paul?" Lingon nito sa asawa niya na napahalakhak.
"Mukha lang na istrikto si Paul, hija pero kita mo naman, palabiro. No need to be formal okay?"
Nahihiya pero napatango na lamang siya sa sinabi ng Ginang.
"My wife here tell me a lot about you Dra. Sandra. And because I know na hindi mo pababayaan ang asawa ko, I have an offer. Sana ay hindi mo ako tanggihan."
Napatingin siya kay Mr. Embarcadero dahil sa bahagyang kursiyudad.
"Paul, parang ang pangit naman pakinggan ng sinabi mo. Baka matakot niyan si Dra. Sandra." Nakangiti pero seryoso ang ginang.
Nakikinig lamang naman siya habang nag-e-encode ng data sa tablet na hawak niya.
May envelope naman na iniabot sa kanya si Mr. Embarcadero. "I want you to be my wife's personal doctor. May edad na rin si Dianna at ayokong lumalabas pa siya hanggat kaya naman if ever she needs to see a doctor."
Tinanggap naman niya ang envelope na galing kay Mr. Embarcadero.
"Inside that envelope is our contract, just to be fair with you. At para na rin pag-isipan mo. But... We are praying na sana tanggapin mo hija. We know how busy you are, and we are the one who's asking you a big favor."
"There are a lot of experts here in Manila Mr. Embarcadero, why m---"
"Call me Sir Paul, enough of the formality hija..." natatawang cut nang matanda sa kanya.
"I want you to be my personal doctor, Sandra. That's why I ask my husband, Paul to do something about it."
"Please accept it Dra. Sandra, I know mapapasaya ko ng sobra ang asawa ko kapag napapayag kita." The old man look at her while holding his wife.
"Uhm... Is it okay if I take a look at this first?" Nahihiya siya sa sinsiredad na ipinapakita ng mag-asawa.
"You are free to have it Dra. Olivarez. And in case you have a question, you'll see my personal number inside. Call me if you want to clarify or ask something."
Pagkatapos niyang ma-eksamin si Mrs. Embarcadero ay nakangiti siyang nagpaalam sa mga ito.
"Mrs. Dianna, I want to remind you that one of the best things you can do for your heart is to make sure you avoid secondhand smoke."
"You have to avoid enhaling those dangerous smokes, in any case na may nagsisigarilyo or people around you using cigarettes. Atleast not arround you or inside your house. Chemicals in tobacco can damage your heart and blood vessels. Cigarette smoke reduces the oxygen in your blood, which increases your blood pressure and heart rate because your heart has to work harder to supply enough oxygen to your body and brain."
Hinawakan naman Paul ang asawa sa kamay habang nakikinig sa paliwanang niya.
"Base on your last laboratory Mrs. Dianna, may nakita akong ilan-ilang presence ng chemicals galing sa tobacco and we all know what can it do to your heart. So please..."
Tumikhim saglit si Mr. Embarcadero at serysong tumingin sa asawa na kunwa'y inirapan ito.
"You know what to do to your son, Paul." Narinig niyang sabi ng ginang na ikinabuntong-hininga lamang naman ni Mr. Embarcadero.
"Will do, Dra. Olivarez, thank you again and I hope you read and think about our proposal to you."
"You're welcome, Mr. and Mrs. Embarcadero. Stay healthy po."
"And please, sana 'wag mo nang pag-isipan pa ang offer ko sa 'yo. Please don't break my wife's heart of saying 'no'."
"Ikaw talaga Paul! Huwag mong takutin si Doktora Olivarez."
Natatawa na lamang siya sa inakto ng dalawang matanda. Lumawak pa lalo ang kanyang mga ngiti nang mapansin na kinurot-kurot pa ni Mrs. Embarcadero ang asawa.
"We'll be going, hija." The old man happily wave before they left the door.
Si Sandra naman ay napatingin na lamang sa envelope na nakapatong sa table. Ilang minuto muna ang lumipas bagao niya iyon binuksan para tingnan ang nasa loob niyon.