'Maria Clara' Version

1393 Words
"Hoy! Bes!" Nagulat si Sandra sa pagpitik sa hangin ng kaibigan niyang si Ella na titig na titig pala sa kanya. "W-what?" She suddenly look away and try to concentrate on what her doing. Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Ella at walang sabi-sabing kinuha ang laptop niya. "Dra. Lessandra Olivares MD., ng cardiology department, at bestfriend ko. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Are you hiding something important from me?" "N... nothing. Ano naman ang itatago ko, aber?" Pilit niyang iniwasan ang mata ng kaibigan. Pero tinaasan lamang naman siya ng kilay ng kaibigan at tinitigan muli. "I know you Lessandra, from your cephalic to your phalanx. At alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin. O kaya ay may mga itinatago ka sa akin." "Uh, huh! Kaya pala kada nagtatanong ako noong dumating ka at kahit noong mga nakaraan e wala kang ibang isinasagot sa akin kundi 'ok lang at ok naman'. Anong itinatago mo ha, Lessandra?" Matamang tinitigan siya ng kaibigan niya. "May nangyari ba sa isla na 'yon na hindi ko nalalaman dahil ayaw mong ikuwento? What is it?" "Will you lower your voice, Ella. Baka nakakalimutan mong nasa hospital pa tayo." Kinakabahan pero pinipilit niyang maging kalmado habang kausap ang kaibigan. "So, ano nga? Magku-kwento ka ba o ano?" Sasagot na sana si Sandra ng mag-ring ang telepono sa table niya. Humalukipkip naman si Ella habang naghihintay sa kanya. 'Doc, nai-forward ko na po lahat ng kailangan niyo para bukas. Kapag may file ka pa pong kailangan, tawag kana lang po, naka-prepare na lahat ng record na kailangan niyo.' 'Thank you Felicity. That's all. Pwede kanang umuwi muna dahil maaga pa tayo bukas.' Agad namang ibinaba ni Sandra ang tawag at nagulat pa sa kaibigang nasa harapan niya na pala. "Okay.. I'll tell you everything later. Doon tayo sa condo ko, not here." "Aasahan ko 'yan ha? Mag-aayos na ako kaya magpack-up kana rin dahil wala ka naman talagang pasok dapat ngayon." "Whatever... Just go." Taboy niya dito na intinuro pa ang pintuan. Nang makalabas ang kaibigan ay doon siya nagpakawala ng buntong-hininga. Sabay sabay na bumalik lahat ng mga nangyari ng gabing iyon. "Later, bes huh? Sa condo mo, right?" Halos mapatalon sa gulat si Sandra ng bigla ulit itong sumilip sa pintuan. "Ellaiza ano ba?!" "See? Kilala talaga kita kapag may hindi ka sinasabi. Hindi ka naman magugulatin ah, alam mo 'yan dahil doktor ka. Habang andito tayo sa propesyon na ito b---" "Oo na Senyora Ellaiza, umalis ka na nga para makapag-ayos na ako!" Tatawa-tawa naman itong kumaway bago umalis sa pinto. "Whaaaaat?!" Nanlaki ang mga mata ni Ella sa mga narinig na kwento ng kaibigan. Katatapos lamang ng dalawang kumain at nilalantakan na lamang ng prutas at ice cream na binili nila kanina habang nagku-kwentuhan. Bibili pa sana ng wine si Ella pero di umubra ito sa kaibigang si Sandra na bihira lamang uminom, lalo na at may pasok sila parehas kinabukasan. "At bakit ka naman kasi nagpakalasing doon at d---" "Pwede bang hinaan mo ang boses mo, bes! Baka naman alam na ng katabing condo ko ang mga pinag-uusapan natin sa lakas ng boses mo." Hawak-hawak ni Sandra ang bibig ng kaibigan. "Lessandra, ano ka ba naman kasi! Seryoso ka ba? Ano ba ang pumasok sa utak mo kung bakit ka nagpaka-lasing? It's not so you." Natamik siya saglit at nagpakawala ng isang buntong-hininga. "And you didnt even kwow the guy you slept with? OMG! Seryoso ba 'tong mga sinasabi mo Lessandra? Ikaw? May pagka-Maria Clara ka p..." hindi na nito itinuloy ang sasabihin ng mapansin na sumisinghot na ang kaibigan. "Ano bang pumasok sa isip mo? Bat ka naglasing? May problema ka ba, bes?" Ipinikit ni Sandra ang mga mata habang hinihilot ang sentido. "Alam mo namang nape-pressure na ako kay Daddy... " "And? Still not a reason to get drunk, bes!" "Hindi ko rin alam. Napakadami kong problema that time. From my parents, toxic sa work plus 'yong sa meeting ko with Dr. Rivera." Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "I just want to forget everything that night. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako..." bumagsak ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. "I don't know that it won't end well. I thought... I thought mababawasan lahat ng iniisip ko after I get drunk that night." Niyakap naman siya ng kaibigan habang hinihimas ang likod niya. "Bes, alam mo naman na pwedeng pwede mo akong kausapin anytime. 'Di ba sabi ko sa 'yo walang taguan ng sekreto?" "I know... It's just that..." "I feel so f****d up! This is the most unforgettable mistake in my whole life, Ella!" Tuluyan itong humagulhol habang inaalo ng matalik na kaibigan. "Bes, don't think too much. Ang mahalaga ay hindi ka naman kilala noong kung sino mang lalaking 'yon. Isa pa, it's just one night. For sure 'di kana rin iniisip pa ng lalaking 'yon kaya there's no reason para pag-aksayahan mo pang isipin ang nangyari." "I know, it's just that..." "Shhhh... Hey, Doctora Olivarez, akala ko ba walang kayang magpaiyak sa 'yo? Nasaan na ang kaibigan kong hindi kayang mapaiyak o magalaw basta ng kung sino?" "This is... different." Tingnan niya ng masama ang kaibigan habang pinupunasan ang luha na kanina pa umaagos sa mukha niya. "Lessandra, you know guys nowadays right? In just a snap e hindi na tayo naaalala nang mga 'yan? What more kung lasing? Saka it ranges 3/100% ang chance na makita mo ulit ang lalaking iyon." "That is... kung matatandaan mo pa siya, or makikilala ka rin niya." Sandra looked at her. "Right?" "What if---" "There are no what if's, bes. Forget him and think of that one like... a dream." "Tama! Isipin mo nalang na isang panaginip lamang lahat. Come on, bes. You'll forget him and everything. Saka hindi lamang naman ikaw ang nakakaranas ng ganyan. All you have to do is ignore it happened." Nakangiting nakatunghay ito sa kanya. "Right. I should forget that. That's why i'm keeping myself busy everyday. It's just that..." "I can't believe I gave him my virginity that easy." "Lessandra, I know it's hard. Nagkamali ka, it's fine. Nobody is perfect. It happened, so? 2021 na kaya ngayon, bes!" "Itigil mo na nga 'yang 'Maria Clara' thinking mo Lessandra Olivares, maniwala ka sa akin. Makakalimutan mo rin 'yan." "I know, and i'm trying. Saka hindi ko naman na talaga iniisip 'yon." Tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref. "Atta girl! Let's just drink for tha---" "We have work tomorrow remember? Isa pa, sinusumpa ko na 'yang alak na yan." Tumawa naman ng malakas si Ella. "Bes naman, minsan lang eh!" "NO! Umuwi kana nga, gagawin mo na namang apartment ang condominium ko." Ngiti naman ang isinagot nito sa kanya habang binubuksan ang bag saka inilabas doon ang lighter. "No cigarettes kapag nandito ka Ellaiza! May amnesia ka ba?" Mabilis na inagaw niya iyon sa kaibigan. "Alam mo, hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang mga doktor na naninigarilyo kagaya mo." Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "At alam mo, hindi ko rin mai-magine na naitago mo sa akin ng dalawang buwan na may ganoon na palang nagyari sayo sa two days vacation mo. Nakakapagtampo, bestfriend mo ako." Kunwa'y nagpunas ito ng luha kahit alam naman ni Sandra na tuyo ang mata nito. "Wag ka ngang maarte Ellaiza Marie! You know how hard it is for me... Alam ko namang maiintindihan mo ang dahilan ko." "Whatever, you still hid it from me..." "Heh! 'Yang pagsisigarilyo mo ang pinag-uusapan natin at hindi ang nangyari two months ago, pwede ba? 'Wag mo akong dramahan diyan." "Alam mong concerned lang ako sa health mo dahil bestfriend kita, at doktor ka rin, baka nakakalimutan mo." "'Wag kang mag-alala bes, nasa hospital naman na tayo. We're safe." Sandra unbelievably look at her friend. Naiiling na tinapunan niya iyon ng masamang tingin saka ibinalik sa bag ng kaibigan ang hawak na lighter. "Just, NO! Kung magsisigarilyo ka lang dito, go home." "Sabi ko nga, bes. Pag-uwi na lang bukas kasi dito ako matutulog." Kinindatan siya ng kaibigan na nag-umpisang dalhin sa lababo ang ilan sa pinag-kainan nila. "Kapag sinabi kong 'No', it's a no okay?" "Not in my cr, not in my bathroom and not in---" "I know, I know, Doktora, masusunod po." Tinapunan naman niya ito ng nakamamatay na tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD