Ang Pagbabalik Ng Manila

1607 Words
"Hello! What can I do for you?" Bahagya namang ngumiti ang kanyang pasyente na kakapasok lamang. "Good Morning Doctor. I don’t feel good." "Come and sit here." Pang-walo ito sa pasyente niya ngayong hapon. Kaninang umaga kasi ay nanggaling siya sa Makati at um-attend nang isang convention na madali din namang natapos. Sa halip na umuwi at magpahinga ay naisip ni Sandra na magstay na lamang sa kanyang opisina at tumanggap na rin ng pasyente. "Open your mouth, please." Sumunod naman ito at nag-umpisa na si Sandrang gawin ang pakay. Pagkatapos ilagay ang result sa hawak na papel ay nagsalita ito habang nakayuko at binabasa ang ilan pang nakalagay doon. "Since how long are you not feeling well?" "Since yesterday, Doc." "Well, theres no problem. Did you have motions yesterday?" Sagot niya pagkatapos silipin ulit ang lalamunan nito. "No Doctor. Not so freely. But I feel weak and do not feel like eating." "Okay. And what else?" "I feel like vomiting this morning when I woke up. Tapos kapag may naaamoy ako pakiramdam ko ay nasusuka na naman ako. I feel awful." "Do you drink a lot of water?" "Hindi po Doc, I don’t have water too much. Baka kasi mai-suka ko lang." Napatingin naman siya dito at hinawakan ang balat nito para may kumpirmahin. "Did you took any medicine?" "Wala naman po Doc. Uhmm... Saka po..." Ramdam ni Sandra na may gusto pa itong sabihin sa kanya bilang Doktor kaya naman nginitian niya ito saka umupo ng maayos. "Yes, tell me. What problems you have?" Nang mapansin na tila nag-aalangan ito ay nginitian niya ito. "Relax ka lang Paul, I'm here to listen." "I am suffering from stomachache and motions since last night. I have also v-vomited a few times last night." Sandra just smile at him telling him that it's alright. Iba kasi ang mga sagot nito sa kanya kanina. ''What did you have yesterday? Or before? Yung totoo?" "Well, I-I had some snacks on the roadside stalls. It could be because of it. Or maybe? May nadaanan kasi kami ng asawa ko galing Quezon ave habang pauwi." "It is possible that you had contaminated food. Because of diarrhea, you have lost plenty of body fluids. You require to be hydrated. Drink enough water regularly, at least 8-10 glasses. Mix some Glucon-D powder or Electoral in water and have it." "Paul, you know how sensitive your stomach is when it comes to eating and drinking, right? We talk about this before, not just three times. Wala na munang roadside foods, kapag sinabing roadside foods. That means everything na nabibili sa gilid-gilid or sa kahit saang nakikita mo na parte ng kalsada." Bahagya naman itong ngumiti. "I have the best doctor in town, so." Naiiling na ngumiti na lamang si Sandra. Paul and his wife is her patient since umuwi ang mag-asawa from UK for good. Ang asawa naman nitong si Thalia ay may bronchial asthma na siya din ang personal doctor. "Anyway, fruit juice is also fine. Avoid caffeine, dairy products, and solid foods at least till evening. And get plenty of rest, Paul. Kapag sinabi kong rest, ibig sabihin noon ay pahinga. Bawal ang locomotion or anything. Sinabi sa akin ni Thalia na kahit gabi na ay kinakalikot mo pa ang kotse mo." Napakamot naman si Paul at napangiti na lamang sa kanya. Alam nito na nagsumbong na naman ang asawa nitong si Thalia sa kanya dahil detalyado ang sinabi niya dito. "Rest means?" Sandra look at him without smiling. "Yeah, rest." Tatawa tawa ang may kaedaran na ring si Paul. Naging minsa'y kabiruan na rin niya ang mag-asawa kapag dumadalaw sa kanya para sa check-up. Pumasok naman si Felicity na secretary ni Sandra at may mga ibinabang files sa table niya na ngumiti bago lumabas. "Any medicines, Doctor Beautiful?" Napailing na lamang siya dito. Sanay na siyang binobola nito ng pabiro. "Yes, I am prescribing a few to control diarrhea. And please Paul, 'wag mo ng pasakitin ang ulo ni Thalia, ha? Or else magkikita na naman tayong tatlo dito dahil sa asthma niya." "Thank you, doctor." Itinaas pa nito ang ang mga daliri na naka-peace sign habang tumatayo. "Ay wait." Natigilan si Sandra at napatingin kay Paul na nilingon siya. "Single pa rin si Nathaniel, Doktora." Nakangiti nitong sabi. Ang tinutukoy nito ay ang unico hijo nito na gustong gustong paligawan siya dito pero lagi niyang tinatanggihan. "I told you, Paul. I'm not into datin---" "Because you are too busy with you patient." Pagtatapos ni Paul sa sasabihin niya sana. Memorize na nito ang kanyang isasagot dahil ba naman sa ilang ulit na rin nitong itinutukso sa kanya ang anak nitong si Nathaniel. "But just in case---" "Paul..." "Sabi ko nga, Doktora. Gustong gusto ka lang talaga naming maging anak ni Thalia. " Tatawa-tawa itong ngumiti sa kanya. Natatawa at naiiling na lamang siya sa matanda. Binigyan niya naman ito ng matamis na ngiti. "That would be all, Paul. Basta 'wag matigas ang ulo." Naiiling na kunwa'y sinungitan niya ito ng tingin pagkatapos i-abot ang isinulat sa papel. Nang makalabas naman ito ay binalikan ni Sandra ang nakabukas na laptop para magbasa ng e-mails. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. "I thought you go home after the convention, Sandra?" "Ano pa ang ginagawa mo dito? Nga pala, Tito Amadeo called, he is already bored in Berlin with Tita Josephine. Gusto nang umuwi ng love birds, and you know, they ask again about you..." "What do you expect Ella, Dad is like that always." Nakahinga siya nang maluwag nang nagpaalam ang mga magulang niya para magpunta ng Berlin ng limang araw para mamasyal. Pero kahit nandoon ang mga ito ay hindi pa rin tumitigil na maki-chismis sa bestfriend niya kung may nanliligaw na ba sa kanya o may lalaking bumibisita sa opisina niya. "Tito really wants you to find a man to marry. Bat ba kasi hindi ka pa maghanap ng boyfriend? Napakadami namang nagkakagusto sa'yo. Pipili ka na nga lang sa harapan mo 'di ba?" Natatawa at pang-aasar nito sa kanya. Sa halip na lingunin o tingnan ang kakapasok lang na si Ella ay tuloy lamang siya sa pagtipa sa keyboard niya na tila walang narinig. "Hoy! Hindi mo ba ako narinig?" Umupo naman sa harapan niya ang kaibigan na nangalumbaba pa habang nakatingin sa ginagawa niya. "What do you want Ellaiza Marie? I'm busy." Abala pa rin ito sa screen habang ang isang kamay naman ay may isinusulat. "Dra. Ellaiza Marie Hidalgo MD, ganyan dapat ang itawag mo sa akin. Nasa trabaho tayo remember?" Nagpapa-cute na sabi nito ay diniinan pa ang salitang 'Doktora'. Saglit lamang niyang nilingon ang kaibigan bago ibalik ang mga mata sa screen ng laptop niya. "Wala ka bang pasyente? O 'di kaya ay mag-rounds ka." "Itataboy mo na naman ako." Kunwa'y irap pa nito sa kanya. Ella is her college friend and also her best friend. Sabay sila halos gru-madweyt nito, nauna lamang siya ng isang taon dahil sa naging family problem ni Ella kaya ito napilitang tumigil ng isang taon. Naging schoolmate niya rin ito noong kumukuha siya ng masteral niya sa UST kaya mas lalong tumibay ang samahan ng dalawa. Kaya naman talagang nagsumikap sila na makapagtrabaho sa iisang ospital ng magkasama. "Wala kabang pasyente Doktora Hidalgo at nanggugulo ka dito sa opisina ko?" "See? You're not even checking what time is it. Ano ba kasi 'yang ginagawa mo diyan?" Saglit naman na tumingin si Sandra sa oras ng laptop niya at bahagyang ikinunot ang noo. "Hoy, bes! Alas kwatro na kaya. Out ko na tapos ikaw naman nagta-trabaho pa sa halip na nakaipon kana ng ilang oras na tulog o nakalibot kana ng mall. Inuutusan mo pa akong mag-rounds, hello?" "I have to check some findings that I still need to review for tomorrows rotation. I need to review everything. Saka ano naman ang oògagawin ko sa mall? Umuwi kana nga Ella at baka kulitin na naman ako ni Eric baka akalain eh ako na naman ang kasama mo kesa sa kanya na boyfriend mo." Pina-ikot niya ang mga mata niya saka binalikan ang binabasa sa laptop niya. "Eric is in Dubai, remember? Flight niya kaninang umaga, bes naman! Alam mo pa ba ang nangyayari sa paligid?" "Oh, I remember now." Saglit niyang sinilip ang kaibigan saka nag-peace sign dito. "Kaya pala ako na naman ang kinukulit mo dito Ellaiza Marie. Let me finish this first, okay? Wag kang magulo diyan." "Let's have some drinks? Or movie kaya? Let's enjoy while Tita and Tito are out of the country." Tumayo ito at naglalakad lakad sa harapan niya. "'Code red' ang drinks na sinasabi mo. Alam mo'yan. We have duties tomorrow. And also, I have to call one of my patients to check if his surgery in the US is succesfull." Bigla naman itong tumigil sa kaka-pabalik-balik at naupo ulit sa harapan niya. "Oo nga pala Lessandra! Hindi kana nagkwento sa akin kung ano'ng nangyari sa 2 days na bakasyon mo sa Romblon island ba 'yon? Halos two months na nga pala iyon at wala ka man lang naiku-kwento sa akin." Pagbabago ng tanong nito. "Maganda ba talagang ang island na 'yon? Plan namin ni Eric na doon pumunta sa birthday ko. I heard a lot about that island." Natigilan si Sandra sa ginagawa ng marinig ang tanong ng kaibigan. Doon pa lamang nagsi-sink-in lahat, na halos dalawang buwan na rin pala siyang ayaw patahimikin sa mga nangyari sa isla na 'yon. Na kahit na anong pagka-busy ang gawin niya ay naiisip at naiisip pa rin niya ito. Ang Sibale Island at ang lalaking gusto na niyang makalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD