"So, what is your plan, man?"
Lumagok na muna si Jann sa brandy na hawak niya bago sinagot ang kaibigan.
"I don't know yet, man. Maybe I'll just talk with Rafael to settle things between us. Our friendship still matter. Alam mo 'yan." Naiiling na sabi ni Jann.
"Ano ba kase ang nangyari?" Tanong ulit ni Lance sa kanya.
Inubos niya muna ang laman ng baso niya bago pinakawalan ang nakakalokong ngiti. "Bro 'di ko talaga alam na kapatid niya pala sa labas si Jasmin. Isa pa, me and Jasmin are just, you know." Napailing pa siya habang nagkukwento.
"What? f**k budy again?" Nagsalubong ang kilay ni Lance habang nakatingin sa kanya.
"Gago ka talaga! Lahat na lang kasi ata ng babaeng makikipaglandian at bubukaka sa harapan mo e titirahin mo!"
"It's not like that... But well, she's the one who first approached me and ask for my number." Nagsalin ulit siya ng alak sa baso niya bago umiling.
Ang kaibigan naman niyang si Lance ay tatawa tawa lang sa tabi niya habang nagbubukas ng beer at nakikinig sa kanya.
"At first 'di ko siya gaanong pinapansin, you know how busy I am once I step in my office. But she's irresistible. "
"Saka siya naman iyong invite ng invite sa akin to have a party with her friends. Isa pa, lalaki lang ako man. " Natatawang kwento nito.
"Lumang linya na yan. Fucker!"
"Sigurado gustong gusto kanang suntukin ni Rafael sa galit noong malaman niyang pati half-sister niya e naikama mo rin. Hahaha! Gago ka talaga!" Sabi ulit ni Lance.
"It was just s*x, man. We've talk about it before it happened between us. It was just pure fun."
"No strings attached, no hassle." Dugtong pa ng binata.
"Gago!" Binato pa ni Lance ng takip ng beer ang binata pero agad naman itong nakailag habang tumatawa tawa. Nang bahagya itong napatayo sa kinauupuan ay saka niya napansin ang benda sa paa ng kaibigan.
"What happened to that?" May pagtatakang tanong ni Jann.
"Ohh, this? I accidentally slipped. Lucky for me that it happened that there's a good-hearted person who helped me."
"Good for you. Does it hurt? Medyo may katalasan ang mga bato dito sa isla. Marami na rin ang nagkakaroon ng nga scratches dahil sa hindi maiwasang mga bato, mabuti may nag-assist sa 'yo. Mahirap maghagilap ng medical personnel dito dahil sa mismong bayan pa located ang clinic ng isla."
"I remember, brother. This lady who helped me. Sayang at hindi ko nakuha ang pangalan. She's good, amd pretty."
"You liked her? What happened to my loyal under de saya friend?" Biro naman ni Jann na may pagka-slang pang tono.
"Of course, I'm loyal. 'Wag mo akong igaya sa'yo. Na-amazed lamang talaga ako sa babaeng tumulong sa akin. Hindi ko man lamang nakuha ang pangalan para makapagpasalamat ng maayos. Lalo na nga at nasa bayan pa ang island clinic. Kung wala ang babaeng tumulong sa akin ay baka naubos na ang dugo ko."
"Is she a local, or islander?"
"I don't think so, she's more like a city girl. Maybe she's also here for the beach and the island tour."
"Hayaan mo na, atleast okay ka na. Next time, ingat na lang. This place is a beauty but also dangerous, lalo na at hindi pa totally improved. Anyway, man. How's Patricia and the kids?" Pagbabago ni Jann ng topic.
"Kilala mo naman ang asawa ko, Jann. Pagdating sa mga bata ay hands-on 'yon. Mas tinatabihan pa nga ang dalawang anak namin kesa sa 'kin e." Pagbibiro ni Lance sa kaibigan.
"But... She's the best. Wala na talaga akong mahihiling pa. Aubrey is a perfect wife."
"I know, Aubrey is. Kaya huwag kang magloloko. Kung hindi ako ang pipilay sa 'yo." Biro niya.
"I won't do that, man. Mahal ko si Aubrey. Mas minahal ko lalo ang asawa kong yun dahil sa nakikita kong pag-aalalaga niya sa dalawang anak namin... That's the best feeling brother." Kitang kita sa mata ni Lance kung gaano ito ka-proud sa asawa niya.
"Kaya naman. Tama na itong iniinom natin at may flight pa tayo bukas pabalik ng Manila." Biro nito ng makita ang seryosong mukha ni Jann habang nakikinig sa kanya.
"Come on Lance! Minsan na nga lang 'to e. It's still early. Di naman siguro magagalit si Aubrey. Let's enjoy our stay here. Saka pagbalik mo sa Manila e Andres de saya ka na naman. Hahaha!"
"Gago! Wag mo akong igaya sa 'yong mokong ka. You know how much I love my wife. Hinding hindi ko ipagpapalit 'yon sa kahit sinong babae."
"Ikaw ang magbago na. Di ka ba nauumay sa bunganga ni Tita Dianna para lang maghanap ka na ng mapapangasawa mo at ipagtulakan kang makipag-date sa mga anak ng nakakalaro niya sa casino?"
Halos masamid si Jann na kakatapos lang inumin ang brandy sa baso niya sa sinabi ng kaibigan. "She'll get used to it." Sagot lang ni Jann habang nakangiti.
"Payong kaibigan lang Jann ha? We've been friends for like 15 years."
"15 years, man... Sa 15 years na 'yan e wala ka pang naihaharap kay Tita na matinong babae. O kaya madadalang anak mo. 'Di ba at 'yan lang naman ang gusto ni Tita? Ibigay mo na kaya para di kana laging kinukulit na mag asawa na. You are also not getting any younger."
"Jann, having a wife and a partner in life is the best. 'Yan yung happiness na 'di maibibigay ng mga kotse mo at kabilaang mga babae mo na hanggang kama lang naman." Seryosong sabi ni Lance sa kaibigan.
"Let's not talk about that, man. You knew my Mom eversince. Ganun talaga 'yon. Parang di ka naman sanay. And me? Wife? Seriously? Why getting myself to settle on one while I can get whoever girl I wanted to be with. Kahit ilan pa 'yan at saan."
Napailing na lang si Lance sa sinabi ng kaibigan. Sa tagal na magkakilala ng dalawa e kilala na niya si Jann at alam na rin niya na ito ang isasagot nito sa kanya.
Habang nag-iinuman naman ang dalawa ay biglang nagvibrate ang telepono ni Lance dahilan para magpaalam ito sa kaibigan.
"I need to pick this call, man. It's my wife." Iwinagayway pa nito ang hawak na cell phone.
Naiiling nalang naman si Jann na itinaboy ang kaibigan. "Get lost, Andres." Biro niyang tawag dito.
"Whatever. Mauuna na ako. We have our 11am flight tomorrow. Don't get yourself drunk if you don't want me to kick your ass.'' Banta nito sa kaibigan. Medyo marami rami na rin kase silang nainom kanina habang nagku-kwentuhan sila.
"Gago! I can handle myself. Lumayas ka na nga at hinahanap kana ng asawa mo." Pang-aasar nito sa kaibigan.
Tumawa nalang ito ng nakita ang pagtaas ng kamay nitong naka dirty finger habang kausap na sa telepono ang asawa nito habang naglalakad palayo sa mesa niya.
Naiwan naman si Jann na mag-isa habang inuubos ang natitirang alak na kakasalin lang nito sa baso niya. Ayaw naman ng binata na mag-isa lang na nakaupo dito kaya minabuti nitong magbill-out na lamang pagkatapos nitong ubusin ang iniinom.
Bumili na lamang siya ng apat na beer para inumin habang patungo sa dalampasingan na halos ilang metro lang ang layo sa seafood grill na pinanggalingan nila ng kaibigang si Lance.
Pasalampak na naupo ang binata sa buhangin at napabuntong hininga na lamang habang nagbubukas ng beer.
Natatanaw niya ang ilan sa mga babae at lalaking nanunood ng fire dance at aliw na aliw habang kagaya niya ay may mga hawak na beer sa kamay. Perpekto ang lugar na iyon para sa mga magkapares na gustong mag liwaliw o lumayo sa ilaw at ingay ng siyudad. Lalo na sa mga gustong magrelax at gusto ng tahimik na paligid dahil malayo ang lugar na ito sa kamaynilaaan na napakaingay.
Napangiti na lamang ang binata ng matanaw ang grupo ng mga babae na tumitili at halatang nakainom na rin dahil sa pagsayaw sayaw nito habang nagsisitawanan.
Magbubukas pa sana siya ng isa pang beer ng maagaw ng atensiyon niya ang papalapit na babae dahil sa pagsuray ng lakad nito. Di niya halos makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa ilaw na nanggagaling sa grill habang naglalakad palapit sa gawi niya. Narinig niya pa ang mahinang pagmumura nito nang muntik nang mabuwal sa paglalakad.
Walang pakialam itong naupo sa may bandang kanan niya na halos madulas pa dahil sa suot na tsinelas nito na bumaon sa buhanging inapakan nito. Aalalayan pa sana ito ni Jann pero nakita naman niyang nakatukod agad ito at agad nakabawi.
"Are you okay Miss?" Tanong ni Jann dito.