The Call

1663 Words
Mag-a-alas kuwatro na rin ng bumalik ang team na kasama niya sa hotel para naman sa dinner. Bitin man ang karamihan ay kailangan na rin nilang bumalik dahil palubog na ang araw. Nag suhistiyon naman ang mga tour guides doon na maganda din at mag-eenjoy sila sa mga bar at cafe sa paligid ng hotel. Mas minabuti na lang munang bumalik si Sandra sa hotel niya saglit para mag-shower at makapagpalit ng damit bago siya maghanap ng kakainan o tatambayan pansamantala habang pinapatay ang oras. Palabas na sana siya ng kwarto ng 'di niya maiwasang tingnan ang cell phone niya sa bedside table. Naisip niya din kasi kanina pa, na baka kino-contact siya ng mga co-doctors and nurses niya. Alam naman ng mga ito na nasa bakasyon siya pero 'di pa din minsan naiiwasang tawagan o itext siya kapag may mga tanong ang mga ito lalo na kung emergency o tungkol sa pasyente niya. Nagpakawala na muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago damputin ang kanyang cellphone. Hindi nga siya nagkamali, ilang segundo pa lamang kasi pagkatapos niyang i-power on ang telepono niya ay sunod-sunod na ang messages niya. 'Di na rin siya nagtaka ng biglang nag-flash sa screen niya ang number ng secretary niya. 'Di ito tatawag sa kanya kung hindi emergency dahil ito ang laging bilin niya dito. Nagpakawala na muna ulit ng buntong-hininga ang dalaga bago ito sagutin. "Hello, Doc Sandra?" "Ma'am pasensya na po kayo. Alam ko pong nasa vacation pa po kayo kaya lang may importante lang po akong kailangang i-discuss sa inyo..." Bungad sa kanya ng secretary niya sa ospital na si Felicity. "Okay lang Felicity. Kamusta na pala diyan?" "Ma'am okay lang naman po dito. You don't have to worry about the incoming patients Doctora. Kilala niyo naman po si Doc Ella..." tukoy nito sa kanyang malapit na kaibihan. "Mabuti naman. Pabalik na rin naman ako dyan bukas. I'll be catching my plane 8am in the morning tomorrow. Ilagay mo na lamang sa table ko lahat ng kailangan kong pirmahan." "Ma'am hindi po sana ako tatawag sa inyo dahil ayoko naman pong masira ang bakasyon ninyo. Nagmessage na din po ako kagabi sa inyo. Kaso kaninang umaga nagbago na naman ang schedule ng meeting niyo with the director of cardiology department." "What about it?" Nagtatakang tanong niya habang naka-kunot ang noo. "'Yung meeting po kase na dapat ay settled na for Monday ay na-move bigla bukas after lunch. May emergency flight po kasi si Doctor Rivera papuntang LA at hindi na daw pwede pang i-move for re-booking." Napahigpit ang hawak ni Sandra sa cell phone niya. Isa kasi ito sa pinaka-ayaw niya. Iyong pabago-bago ng desisyon at 'yong pabigla-biglang schedule. "Kinausap ko na po si Doctor Rivera tungkol dito, kaso wala na rin po kasing available dates bago ang flight niya dahil nasa bakasyon din po kayo..." Pinipigalan niyang mainis sa naririnig niya. Kung hindi lang niya senior at kung hindi direktor ng Cardiology Department si Doctor Gavin Rivera, ay baka tinawagan na niya ito para siya mismo ang kumausap. "It's okay. I know you did your best to fit with his schedule. Aabot naman siguro ako dahil 8am ang departure ko. At kung walang magiging problema e nandyan na ako before 12noon." "Anyway Felicity, just prepare everything that I need for the meeting with Director Rivera, assure that the files I need that day is on my table para hindi na tayo magmadali pa. I also need my finalized schedule for this week. Kailangan kong maayos lahat dahil wala ako sa Saturday for medical team orientation." Dinaan na lamang niya sa buntong-hininga ang inis. "I already prepared everything Doc. Pasensya na po ulit sa istorbo." Paghingi ulit nito ng paumanhin sa kanya. Felicity is working as her secretary for almost 3 years at wala naman siyang masasabi sa sipag at dedication nito sa trabaho. Never din itong na-late maliban na lamang kapag talagang may importante itong kailangang asikasuhin. Bukod sa masipag ito ay mabilis din ito mag-isip lalo na sa mga sitwasyong kagaya nito. Ito lang din ang nakakatagal sa pagiging toxic ng ilan sa mga matatagal ng doctor na kasama niya. Lalo na ang mga senior doctors na may iba-ibang ugali na kahot siya ay napipikon minsan. "Okay. I'll call you again when I get back to Manila tomorrow. For now, magpahinga ka na muna diyan." Pagkatapos maibaba ang tawag ay napa-pikit na lamang siya sa inis. She's good in her job as a doctor. Sabi nga ng iba, napakaperpekto na niya dahil sa dami ng pasyenteng gusto siyang maging personal doctor na tinatanggihan naman niya. Di naman siya mabilis ma-stress o mainis sa pagiging toxic ng trabaho niya 'wag lang iyong ganitong situation na pinaka-ayaw niya. Ang pabago-bago ng desisyon. Lahat kasi ng schedule niya ay plantsado na bago pumasok ang linggo. Sinisigurado niyang wala siyang iisipin pa at dahil sa busy schedule niya ay dapat wala nang sumisingit pang ibang aktibidades sa buong linggong iyon, kung hindi ay magugulo ang simula palang ng umaga niya. Papatayin na sana niya ang telepono niya ulit para bumaba na sa hotel ng mag-ring naman ulit ito. Tiningnan niyang mabuti ang screen ng cell phone niya para siguraduhin kung sino ang tumatawag sa kanya. "As usual." Sabi niya sa sarili bago hilutin ang sentido at magpakawala ng isa pang malalim na buntong hininga bago sagutin ito. "Dad..." "Sandra, kahapon pa ako tawag ng tawag sa'yo. Tumawag ako sa opisina mo pero puro secretary mo lang na si Felicity ang sumasagot. Kailan ba ang balik mo dito sa Maynila?" "I'm currently on my vacation Dad." "Ilang araw ba 'yan? Kailan ang balik mo? Akala ko ba ay dito ka sa bahay this weekend?" Naitirik niya ang mga mata sa narinig sa ama. "Dad naman, ano na naman po ba ang nangyari? 'Di ba nga sabi ko 2 days ang leave ko? Why not give me two days para man lang makapagpahinga..." "I thought you want me to rest and give myself time to relax." She's trying to be calm while massaging her head. "It's good na nakapag-pahinga ka kahit papaano. Alam ko naman anak na pagbalik mo na naman dito sa Manila eh di na naman ako makakasingit sa schedule mo. Kaya nga tinawagan na kita ng maaga." Tila nababasa niya na may hihilingin na naman ito. "E... Sa weekend ba wala kang gagawin? Pwede bang sumaglit ka muna dito sa bahay?" Tanong ng Daddy niya. "Sunday pa ako pwede Dad. Maybe I can go there after lunch or maybe dinner dahil may mga aasikasuhin pa akong documents na kailangan kong pirmahan at mai-forward ng early ng Monday. A day before that may team orientation ako." "Why? Are you okay? Is Mom okay?" Nagtatakang tanong niya sa Daddy niya. "Natatandaan mo ba ang Ninong Ferdie mo? He's inviting me to play golf on Sunday." Pilit niyang ina-alala kung sinong Ninong niya ang tinutukoy nito. "Golf? What does that golf thing have to do with me? You know Dad that I don't even know how to play that thing." Nagtatakang sagot niya sa ama niya. "Nabanggit kasi niya na kasama niya 'yong kababata mo. Natatandaan mo ba si Kirby? Kakabalik lang daw ni Kirby from Canada after he managed their family business there. He wants to meet you." Parang alam na niya kung saan ang takbo ng usapan nilang mag ama. "For God's sake Daddy. I was 9 years old when I remember meeting that Kirby that you are talking. That was a long long long time ago for me to notice or know him. Ano na namang meron sa kanya?" "Just come okay? I'll message you the address." "But Dad---" "He's a good man Sandra, and also sucessful. Like you. I think it's the best time for the two of you meet and have a little chitchat." "Chitchat? What chitchat Dad?!" "We'll wait for you Lessandra okay? I know you, you always have your unending excuses. But please, try to give it a shot okay?" Di na niya magawa pang magreklamo dahil ayaw niya lang na lalong masira ang huling araw niya dito sa isla. "I'll try Dad... I have to go. I'm in a middle of something." "Okay hija. Mag-iingat ka dyan ha? Papatawagin ko nalang ang Mommy mo sa'yo bukas dahil may itatanong daw siya tungkol sa medication ng Tita Marge mo." "Okay po Dad. I need to hang up this call. May gagawin pa ako..." Pagkababang pagkababa ng tawag ay naiinis na pinatay niya ang cellphone niya at pabagsak na nahiga sa kama niya. Saglit niyang tinitigan ang ceiling habang nasa malalim na pag-iisip. Maya-maya pa ay kinuha niya ulit ang cell phone niya at binuhay iyon. May hinahap lamang siyang numero saka tinawagan ito agad. "Bes, hello?" "Sandra? Napatawag ka? How's your vacation?" "What is your schedule on Sunday? What time?" Matagal bago ito sumagot, marahil ay nag-iisip ito kung bakit bigla siyang nagtanong tungkol sa schedule niya. "Ahm... the usual, monitoring and also kailangan kong i-assist si Dra. Villaflor doon sa operation niya ng 5pm." "Wala kang out patient 'di ba?" "Wala. Teka nga! What's with your questions? 'Di ba dapat nag-eenjoy ka dyan dahil huling gabi mo na dyan sa isla? Tila gusto mo na atang kumaripas pabalik dito?" "Let me take your schedule on Sunday, gawin mo na lang muna ang gusto mo or kung may lakad ka, o kaya ay puntahan mo na si---" "Teka, teka, wait nga! Naka-duty ka rin naman ng Sunday ah? 'Wag mong sabihing mag-i-straight duty ka? Ganyan ka ba ka-excited bumalik sa trabaho mo?" "Basta bes, okay? Set na ha? I have to go, thank you Ella! Mwah!" Halos halikan niya pa ang cell phone niya bago niya maibaba ang tawag. Bago pa makasagot ang kaibigan ay agad naman niyang pinindot ang end call saka inilagay sa 'airplane mode' ang cell phone niya. Alam naman kaso niya na hindi na naman matatapos ang pagbubunganga ng kaibigan. Nakangiting napa-suntok na lang siya sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD