Chapter One

2365 Words
ISANG linggo nang pagala-gala sa bayan ng Lucena si Rechell para mag-job hunting. Isang taon na siyang tambay magmula noong mag-resign siya sa trabaho niya bilang sekretarya sa isang security agency. Hindi na kasi niya matiis ang ugali ng amo niya’ng matandang dalaga. Habang pagala-gala siya sa mall ay nakabangga siya ng suwerte. “Rachell? Ikaw ba iyan?” nagagalak na wika ng babaeng nakabunguang-balikat niya. Napamata siya. Sa wakas, nagkita na sila ng long lost best friend niya. “Kordapya! Bruha! Impakta! Mabel, my loves!” tili niya at parang tuko na niyakap ng mahigpit ang kaibigan. “Oo, ako nga, pekeng ermitanya!” anito at gumanti ng yakap sa kanya. Nang bumitiw sila sa yakap ng isa’t-isa ay saka lamang nila napansin na pinagtitinginan sila ng mga tao. Naroon kasi sila sa ground floor ng mall. “I hate attention. Doon tayo sa restaurant,” mamaya’y sabi ni Mabel. Iginiya siya nito sa malapit na restaurant. “Oy, kumusta ka na?” nagagalak pa ring tanong niya sa kaibigan nang makaupo na sila sa pangdalawahang mesa. Si Mabel na ang nag-order ng kakainin nila since ito raw ang magbabayad. Hindi na siya namili. “Heto, may isang anak na. Ikaw, parang teenager ka pa rin, ah,” anito. “As usual, strict ang parents ko kaya lahat ng manliligaw ko ay kinikilatis muna kaya ayon, walang tumatagal,” tugon naman niya. “Kumusta naman ang father mo, nakalaya na ba?” pagkuwa’y tanong nito. “Oo. Nakatanggap siya ng amnesty.” Nalungkot ang mukha ni Mabel. “Grabe. Ang tagal din niyang nakulong, no? Nakapatay kasi siya at siyempre, hindi papayag ang kaanak ng biktima na hindi siya managot,” ani Mabel. Kumibit-balikat siya. Naintindihan naman niya ang batas. Kahit hindi sinadya ng Papa niya ang krimen, kasalanan pa rin ang ginawa nito. Mabuti naka-survive ang Mama niya matapos ding saksakin ng Papa niya. Hindi naniwala ang korte sa paliwanag ng Mama niya na hindi sinadya ng Papa niya ang nangyari at sinapian ito ng masamang espiritu. Wala namang naniwala sa ganoong paksa, bagkus ay pinagtawanan pa sila ng mga tao. “Okay lang naman at least nakalaya na si Papa,” sabi niya s amalamig na tinig. “Hay, mabuti naman.” Bumuntong-hininga si Mabel. “Eh ano naman ang reaksiyon ng pamilya ng biktima? For sure nanggagalaiti sila ngayon,” pagkuwa’y usisa nito. Bumuga siya ng hangin. “Kung anu-anong masasamang salita ang narinig namin mula sa panig nila. Hindi pa nga nakontento si Renzo, gusto talaga niya’ng mabulok sa kulungan si Papa,” aniya. “Ay, speaking of Renzo, may branch na ang Investigation and Security Agency niya rito sa Lucena. May isang linggo na nga akong nagtatrabaho sa kumpanya niya,” pag-iiba ni Mabel sa usapan.. Awtomatiko siyang sumigla sa narinig mula kay Mabel. May sampung taon na ring hindi niya ito nakikita matapos ang huling paglilitis sa kasi ng papa niya. Pero aminado siya na matindi pa rin ang paghanga niya sa lalaking iyon, kahit halos isumpa na rin siya dahil sa pagkamatay ng Tito nito. Noong nakalaya ang Papa niya ay tumawag ang abogado ng kaanak nito at pinapasabi ang mga komento ng mga ito. Katakut-takot na mga salita ang nasabi ng mga ito laban sa kanila. Binalewala lang iyon ng mga magulang niya. Talaga namang maganda ang performance ng Papa niya sa loob ng selda. Mabait naman talaga ang Papa niya. Wala nga itong kaaway. “Mabuti naman natanggap ka sa kumpanya niya,” aniya pagkuwan. “Ano pala ang trabaho mo roon?” pagkuwan ay tanong niya kay Mabel. “Siyemre accountant,” mabilis nitong sagot. BS Accountancy pala ang natapos ni mabel. Siya naman ay Secretarial Management graduate. “Wala kasing tumatagal na empleyado sa kanila kaya wala ring tigil ang hiring,” anito. Curious tuloy siya sa sinabi ni Mabel. Naisip niya, marahil ay dahil sa ugali ni Renzo kaya walang tumatagal na empleyado. Ang sungit kasi ng isang ‘yon. “Kung gano’n hiring pa rin kayo ngayon?” nagagalak niyang tanong. “Oo, kaso secretary lang. Iyon kasi ang palaging nababakante na posisyon. Kilala mo naman si Renzo.” Nagdiwang ang puso niya. “Tamang-tama, kailangan ko ng trabaho!” aniya. “Oo nga pala, iyon ang kurso mo!” excited ding sabi ni Mabel. “Sa Maynila kasi ako nag-aral, sana ay iisang school pa rin tayo.” Bigla rin itong nalungkot. “Okay lang, at least nagkita pa rin tayo.” Dumating na ang order nilang pagkain. “Yap, mabuti umuwi rin kami rito ni Mama noong nagkabati na sila ni Papa.” Masaya siya sa balita nito. Noong high school kasi sila ay naghiwalay ang mga magulang nito. Sundalo ang Papa ni Mabel at guro naman sa high school ang ina nito. Noong naghiwalay ang parents nito, third year high school sila. Nagpasya ang Mama ni Mabel na lumipat ang mga ito sa Maynila. Taga-Pasay naman talaga kasi ang Mama ni Mabel. “Wow! After how many years, how knows na magkakabalikan pa ang mga magulang mo?” aniya. “Oo nga eh. Hindi naman nagkaanak si Papa doon sa babae niya.” Bumalik sa isip niya si Renzo. “Ah, nga pala, puwede mo ba akong ipasok sa kumpanya ni Renzo?” pagkuwan ay wika niya. Natigilan si Mabel. “Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho sa kanya?” nagbabahalang tanong nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “Trabaho naman ang pakay ko. Wala naman sigurong masama kung magtrabaho ako sa kanya,” aniya. “Hindi kaya mapagbuntungan ka niya dahil sa paglaya ng Papa mo?” “Wala naman akong kinalaman sa kaso ng Papa ko. Sobrang sama na niya kung idamay pa niya ako. Tapos na iyon,” sabi niya. “Sige, susubukan ko. Ibigay mo sa akin ang resume mo para ako na ang magpasa sa HR,” pagkuwan ay sabi ni Mabel. Umaliwalas ang mukha niya. “Thanks friend! Hulog ka talaga ng langit sa akin!” mangiyak-ngiyak na sabi niya. “Asus, maliit na bagay. Let’s eat muna.” “Okay.” Una niyang kinain ang appetizer na pork roll. Saktong tanghalian na.   Pagkatapos nilang kumain ay ibinigay na niya kay Mabel ang isang kopya ng kanyang resume. Wala pa man ay excited na siyang magkatrabaho. Nahihiya na rin siya s amga magulang niya. Kahit nag-iisang anak siya, hindi madaling palakihin siya mag-isa ng kanyang ina habang nasa loob ng kulungan ang Papa niya. Matagal nang nagretiro sa pagtatrabaho ang Mama niya bilang midwife. Ang Papa naman niya ay dating industrial engineer pero dahil nakulong ay nawala na rin ng saysay ang propesyon nito. Nakatulong din sa kanila ang two hectare na lupaing namana ng Mama niya sa grandparents niya. Pangunahing produkto nila ay palay at mga gulay. Noong wala siyang trabaho ay tumutulong siya sa pagsasaka kaya umitim siya sa kakabilad sa araw.   MAKALIPAS ang isang linggo ay isang himala na ibinalita ni Mabel kay Rachell na approved na ang resume niya. Magre-report daw siya bukas para sa interview with HR assistant. Dahil sa sobrang excitement ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Hindi lang trabaho ang  kinasabikan niya kundi ang pagkakataon na makasama si Renzo. Okay lang sa kanya kahit sabi ni Mabel na mahirap daw ang trabaho ng secretary dahil lima na ang branch office ng agency. Gusto talaga niya na mapalapit siya kay Renzo. Kinabukasan, alas-siyete pa lamang ng umaga ay nasa HR office na ng agency ni Renzo si Rachell. Alas-otso raw ang interview pero mas mainam nang mas maaga kaysa late. Medyo kinapalan niya ang kanyang makeup dahil sa kapal ng eye bags niya. Rose red naman ang lipstick niya. Inisang pusod niya ang ga-baywang niyang buhok na tuwid at itim na itim. Siyempre, sinunod niya ang sinabi ni Mabel na magsuot siya ng office attire, red blouse inside and black blazer on top. She wore black slacks pants and black close shoes with two inches hills. Nakaupo na siya sa silya katapat ng mesa ng HR assistant. Naroon na rin ito at pinaghintay siya dahil kukuha lang ng kape. Magandang babae ang HR assistant pero mukhang nasa early thirty na tingnan. May katabaan at maputi. Kulot ang buhok at may eyeglasses. Twenty-five years old pa lang naman siya at sabi nga ni Mabel, mukha siyang eighteen lang. Natuwa naman siya roon. Pagbalik ng HR assistant ay may dala na itong isang tasang kape. Umupo ito sa swivel chair nito at kaagad na binuklat ang kanyang resume. “Before we proceed, let me introduce myself first,” sabi ng babae saka inilapag sa mesa ang kape nito. “I’m Gaby Garcia, head of HR department,” pakilala nito. “Nice to meet you po, Ma’am,” magalang na sabi niya. Bumuntong-hininga ang babae. “Okay. I won’t ask you to take a short exam because your resume has been approved with Mr. Del Carmen. I just want to ask you same short question as addition for your application and to complete all the requirements,” sabi nito. “Okay, Ma’am,” sabi naman niya. “Okay, just answer my question at your own risk.” May Binabasa ito sa tablet nito. “Why should I hire you?” pagkuwan ay tanong nito. Napangiwi siya. Akala ba niya approved na? May ganoon pang tanong. But then, she has to answer the question properly. “You should hire me because I’m a kind of employee that willing to do the entire task how difficult it is. I’m also flexible in the company rules and regulations and whatever changes may apply,” sagot niya with confidence. “Kindly introduce yourself including your past jobs and educational background,” dagdag nito. “I’m graduated two years secretarial management. I am twenty-five years old now, single. I used to work as secretary before in Zade & Blaze security agency for almost three years,” maiksi niyang sagot. Ang kasunod nitong mga sagot ay mga personal na. Like how’s her past jobs going and her other activity while waiting for a new job. Pagkatapos niyon ay ibinigay nito sa kanya ang resume niya na naka-attach ang papel kung saan nito isinulat ang mga sagot niya sa tanong nito. Pinapunta na siya nito sa opisina ng CEO and the president itself, sa opisina ni Renzo. Habang palapit siya sa office of the CEO ay ayaw nang paawat sa kaba ang puso niya. Dalawang-beses siyang bumuntong-hininga bago kumatok sa pinto ng opisina. Nakatatlong katok siya bago bumukas ang pinto. “Come in!” narinig niya’ng sabi ng baritonong boses ng lalaki buhat sa loob. Tuluyan niyang binuksan ang pinto saka siya pumasok. Sumalubong kaagad sa kanya ang malayelo sa ginaw na lamig ng air-con. Pagharap niya sa dulo kung nasaan ang office table ay namataan niya si Renzo na paupo pa lamang. Malamang ito ang nagbukas ng pinto. Nakasuot ito ng itim na polo at faded black jeans. Pakiramdam niya’y huminto saglit ang oras. Tulalang nakatitig siya sa lalaki. Ibang-iba na ito ngayon kumpara noong huli niya itong nakita. Lalo itong nag-mature at mas attractive ang kaguwapuhan. Lalong lumaki ang katawan nito, maskulado at lalong tumangkad. Konti na lang aya ay six footer na ito. May isang dangkal ang haba ng buhok nito na aalon-alon. Noon lang niya ito nakitang nagpahaba ng buhok, kadalasan ay barber cut since active police ito at ang alam niya’y naka-assign  sa intelligence task force. “Please sit,” seryosong utos nito sa kanya. Pumiksi naman siya at awtomatikong bumalik ang kanyang huwisyo. Lumapit siya rito at umupo sa katapat nitong silya. “Good morning, sir!” masiglang bati niya rito. Hindi ito sumagot. “Where’s your resume?” sa halip ay tanong nito. Ibinigay naman niya rito ang resume nito. Kaagad nito iyong binuksan pero ang papel na sinulatan lang ng HR assistant ang binasa nito. Oo nga pala, nabasa na nito ang resume niya at na-approve. Kumakabog ang dibdib niya habang hinihintay niya itong magsalita. Imposibleng hindi na siya nito natatandaan. Halos isimpa rin siya nito noong namatay ang Tito nito. “Why you chose to work with my company?” tanong nito pero sa resume niya nakatingin. “Uhm, I just need this job, sir. I’m jobless almost one year,” sagot niya. “Are you aware that I am the owner of this company?” personal nitong tanong saka tumitig sa kanya-sa wakas. She took a deep breath. Feeling niya ay may isang kabang bigas na nakadagan sa dibdib niya. Nakakapaso ang titig ni Renzo pero kailangan niyang tumitig nang deretso rito. “Yes, sir, I’m aware,” tugon niya. “Okay. You’re hired,” pagkuwan ay sabi nito. Nag-loading pa sa isip niya ang sinabi nito kaya may ilang sandali siyang tulala. Hindi niya namalayan na nakaawang na pala ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala. It means, hindi na galit sa kanya o sa pamilya niya si Renzo? “It’s just about work, Rachell, no personal issue may involve. Please do your job properly and I will try my best to be a good employer for you,” sabi nito sapagkuwan. Nahimasmasan siya nang mag-sink in sa utak niya lahat ng sinabi nito. ‘Yes, sir, I understand!” sagot niya. “It’s done. You may start your work tomorrow and don’t be late,” sabi nito. Tumayo naman siya. “Thank you, sir!” nasiglang sabi niya saka tumalikod. Nasa pinto na siya nang marinig niya muli ang boses ni Renzo. “And please wear black skirt and while blouse,” sabi nito. Hinarap niya ito. “Hindi po ba puwedeng slacks at any color or blouse?” tanong niya. “I like seeing you wearing black and white cloth and I think mas bagay sa ‘yo ang skirt,” sabi nito. Aywan niya bakit parang espesyal sa kanya ang sinabi nito. In your dream, Rechell. “Ah okay. Thanks, sir. I have to go,” aniya. Tumango lang ang lalaki.   IMPIT na tumili si Rechell paglabas niya ng opisina ni Renzo. Hndi pa rin siya maka-get over sa sinabi ni Renzo na uniform na dapat niyang isuot. Iba talaga ang dating niyon sa kanya. Kinilig siya. Tinawagan kaagad niya si Mabel. On-duty ito pero hinintay niyang mag-lunch break para ito naman ang ililibre niya ng tanghalian. “OMG! Is that for real?” hindi makapaniwalang sabi ni Mabel nang ikuwento niya rito ang nangyari sa interview niya. Kumakain na sila sa karenderya na malapit lang sa building ng agency ni Renzo. “Yap! He decide for my uniform,” kinikilig na sabi niya. “Normal lang ba na siya ang nagde-decide ng isusuot ng empleyado?” pagkuwan ay tanong niya sa kaibigan. “Absolutely not. Actually, wala naman talagang dress code ang kumpanya. Bahala ka kung ano ang isuot mo basta huwag kang mag-tsineles at nakapampahay. For office staff, required na formal basta desenteng tingnan. Katulad nitong suot ko na slacks at white black. Pero legit na gusto ni boss ang black in white uniform,” ani Mabel. Still, kinikilig pa rin siya. “Basta, I’m happy,” aniya. “I’m happy for you, friend! Makakatrabaho rin kita sa wakas!” “Ako rin friend! Magsisimula na ako bukas!” “Wow! Congrats!” “Thanks you talaga. Kung hindi kita nakita baka nganga pa rin ako hanggang ngayon,” aniya. “Sus, isipin mo na lang, tadhana mo ito na makapagtrabaho kay Renzo, your ultimate crush na galit sa ‘yo,” may bahid ng panunudyong sabi nito. “Tse! Grabe ka, ah.” Tumawa lang si Mabel. Naudlot ang kuwentuhan nila nang dumating na ang order nilang pagkain. Wala silang ibang pinag-usapan kundi tungkol kay Renzo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD