bc

El Verdadero Amore Del Diablo (El Diablo 3)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
4.4K
READ
possessive
arranged marriage
dominant
submissive
drama
tragedy
mystery
betrayal
childhood crush
intersex
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

ILANG dekada naging mailap ang pag-ibig kay Rachell magmula noong makipaghiwalay siya sa tatlong taong nobyo. Subalit nag-krus ang landas nila ng kababata na lihim niyang hinangaan noon. Napatunayan niya na umiibig pa rin siya kay Renzo Del Carmen, ngunit tila mas lalo itong umilap sa kanya.

Subalit isang gabi ay tila nagkaroon ng isang himala nang puntahan siya nito sa bahay niya at walang pakundangang inangkin ang kanyang pagkaberhin. Ang lahat ay nagbago sa buhay niya. Nagising na lang siya kinabukasan na ikakasal sa binata. Ngunit tila sumpa ang pagpapakasal niya rito dahil halos araw-araw nitong isinusumbat sa kanya ang panggagayuma umano niya rito.

Nasugatan ang puso niya at gabi-gabi na umiiyak habang kasama ito ngunit hindi siya magawang pakitunguhan ng maayos. Hanggang sa isang aksidente ang bumago sa lahat. Nang maka-survive mula sa bingit ng kamatayan si Renzo ay tila kabaliktaran na ito ng dating Renzo na pinakasalan niya.

Sa halip na matuwa ay kinabahan siya sa biglaang pagbabago ng asawa. Makakaya kaya niyang yakapin ang panibagong pagsubok sa buhay niya, gayung tila binabalot ng mesteryo at kababalaghan ang buhay nilang mag-asawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Que deseo Vd. tomar?” (Ano ang gusto mong inumin?) tanong ng Papa ni Rachell sa panauhin nitong banyaga. Isa raw itong Kastila. Tuwang-tuwa siya sa guwapong lalaki. Ang mga mata nito’ng kulay kayumanggi at ang matangos na ilong ang umaakit sa kanya. Sa edad na sampung taon ay marunong na siyang humanga ng palihim. Wala naman sigurong masama roon. Naguguwapuhan lamang siya sa lalaki at dahil naiiba ito sa lahat ng nakita niyang lalaki sa lugar nila sa Lucena. “Deseo tomar una taza de café,” (Gusto kong uminom ng isang tasa ng kape) tugon naman ni Mr. Cuestro. Ito ang kliyente ng papa niya sa farm business nila. Gusto nitong makisusyo sa negosyo. “Dele una taza de café,” (Ikuha mo siya ng isang tasang kape) utos naman ng Papa niya sa katulong. “Y dene una botella de cerveza,” (Ikuha mo rin ako ng isang bote ng beer) utos ulit ng Papa niya sa katulong. Kinabahan siya. Humiling ng beer ang Papa niya. May balak ata itong maglasing. Natatakot siya sa tuwing nalalsing ito. Nasasaktan kasi nito ang Mama niya. May isang taon na roon sa Pilipinas ang Papa niya ngunit hindi pa rin ito sanay magsalita ng Tagalog. Spanish pa rin ang salita nito. Nang mahagip siya ng pangin ni Mr. Cuestro ay kumislot siya at nagtago sa likod ng pinto ng kanyang kuwarto. Kapag ganoong may bisita ay hindi siya puwedeng pagala-gala sa kabahayan, magagalit ang kanyang ama. Nang busy na sa pag-uusap ang dalawang ginoo ay tumakbo siya palabas ng kuwarto at lumabas siya ng bahay. Pagdating niya sa garahe ay nagulat siya nang makita roon ang ka-eskuwela niyang lalaki na si Renzo. Nilalaro nito ang alaga nilang koneho. Mas nauna ito ng dalawang taon sa kanya dahil grade six na ito, samantalang grade four siya. “Bakit ka narito?” tanong niya rito. Hindi siya nito sinagot. Pinapakagat nito ang hintuturo nito sa koneho. “Kasama ka ba ni Mr. Cuestro?” tanong na naman niya. “Tito ko siya,” tipid nitong sagod ngunit hindi siya magawang tingnan. “Bakit ka nagpapakagat kay Yuda? Masusugat ang kamay mo niyan,” aniya. Yuda ang pangalan ng koneho niya. “Huwag kang makialam!” asik nito. Nagulat siya nang bigla nitong ilabas sa kuwadra ang koneho saka ito tumakbo habang hawak ang koneho. “Hoy! Salbahe ka talaga!” Hinabol niya ito hanggang sa makarating sila sa likod ng bahay kung saan may malalagong punong kahoy. “Ibalik mo si Yuda!” sigaw niya. “Habulin mo ako!” sabi pa nito habang patuloy ito sa pagtakbo. Talagang gusto siya nitong asarin. Hinabol naman niya ito hanggang sa maabutan niya ito sa malaking punsod. Umakyat ito roon. Takot pa naman siya sa punsod. Ang sabi kasi ng lola niya ay may mga dwende raw na nakatira sa punsod. “Bumaba ka riyan! May nuno kaya riyan,” nakapamaywang na sabi niya. “Baliw! Hindi totoo ang nuno!” anito. “Alam mo ba kung ano ang nakatira rito? Mga langgam,” sabi pa nito saka humalakhak. “Tingnan mo, oh,” anito saka kumuha ng sanga ng kahoy at pinagsusundot ang munting butas ng punsod, hanggang sa masira ang ilang parte niyon. Wala naman siya nakitang langgan. Maya-maya ay may napansin siyang itim na usok na lumabas mula sa munting butas ng punsod. “O ‘di ba? Nasaan ang nuno na sinasabi mo? Wala naman ‘di ba? Baliw ka lang!” ani Renzo at muling tumawa. Hindi niya pinansin si Renzo. Sinundan niya ng tingin ang itim na usok. Napamata siya nang makitang bigla na lamang iyong pumasok sa bibig ni Renzo habang tumatawa ito. Mamaya’y nabitawan ni Renzo si Yuda, na kaagad ding tumakbo. Tinitigan niya si Renzo. Hindi na ito umiimik. Tulala lang itong nakatanaw sa malayo. “R-Renzo?” aniya saka kinalabit ang balikat nito. Nang tumingin ito sa kanya ay kumislot siya nang pulos itim na lamang ang mga mata nito. Napasalampak siya dahil sa pagkagitla. Nangilabot ang buong katawan niya nang sundan siya nito ng tingin. “Pec ca’vi, per an’num! Pec ca’vi, per an’num!” paulit-ulit na sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. Ang boses ni Renzo ay biglang lumaki na tila nasa ilalim ng hukay. Hindi niya naintindihan ang sinasabi nito. Nang akmang hahawakan siya nito ay tumayo siya at tumakbo. Ngunit napahinto siya nang masalubong niya si Renzo. Hindi niya alam kung paano ito mabilis na nakarating sa unahan niya. Tumakbo na naman siya pabalik sa pinanggalingan niya. Nangangatal na sa takot ang katawan niya. Gusto niyang sumigaw ngunit bago niya iyon magawa ay sakal na ni Renzo ang leeg niya. Kinapitan niya ang kamay nito. Pilit niyang inaabot ang dibdib nito-kung saan nakita niya ang suot nitong kuwintas na may munting krus na pendant. Nang mahawakan na niya ang krus ay ikinudlit niya iyon sa dibdib ni Renzo. Bigla na lamang siya nito nabitawan nang siguro’y makadama ito ng sakit. Subalit hindi nito nabalanse ang timbang. Napayakap ito sa kanya. Nagulat siya. Nawalan din siya ng panimbang dahilan upang itulak siya ng buong bigat ni Renzo pabagsak sa lupa. Damang-dama niya ang pagkabagok ng ulo niya sa lupa. Bahagyang nanilim ang paningin niya ngunit kaagad ding nanumbalik ang diwa niya nang maramdaman ang mainit at malambot na bagay na lumalapat sa bibig niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay napamulagat siya nang mamalayan na magkalapat ang mga labi nila ni Renzo. “Isa itong tiyamba na hula, apo. Huwag mo masyadong seryosohin. Pero anong malay natin at magkatotoo. Ilan sa mga hula ko ay nagkatotoo kahit gawa-gawa ko lang. Huwag kang maingay, katuwaan ko lang ito. Alam mo namang tumatanda na ko. Ang lalaking unang makakahalik sa labi mo maliban sa iyong ama ay siya ang makakasama mo sa iyong pagtanda. Baka magkatotoo, kasi ganito ang nangyari sa amin ng lolo mo,” naalala niyang wika noon ng Lola niya noong pinagtripan nitong hulaan siya. Makulit ang lola niya noong tumanda. Pero madalas siyang naniniwala na nagkakatotoo ang hula nito. Katulad na lamang noong mamatay ang Lolo niya. Aksidente raw ang ikakamatay ng Lolo niya, at nangyari nga. Nabunggo sa pader ang kotse na minamaneho ng Lolo niya at noon namang nagkasakit ang Lola niya, sinabi nito na mamamatay ito habang natutulog. Nagkatotoo rin iyon. Pero ang sabi ng doktor, heart attack daw ang ikinamatay ng Lola niya. Maari rin kayang magkatotoo ang kunwaring hula sa kanya ng Lola niya? Si Renzo ang first kiss niya, at ito ang unang crush niya sa paaralan. Subalit naudlot ang pagpapantasya niya nang biglang nagising si Renzo at kaagad na tumayo. “Ano’ng nangyari?” inosenteng tanong nito habang inaayos ang nagulo nitong damit. “Uh… kuwan…” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang nakarinig na sila ng malakas na sigawan mula sa loob ng kabahayan. Nang tumakbo si Renzo ay tumakbo rin siya kasunod nito. Pagdating nila sa loob ng bahay ay nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan kung paano sakalin ng Papa ni si Mr. Cuestro, hanggang sa malagutan ito ng hininga. Ang Mama naman niya na akmang aawatin ang Papa niya ay tumalsik matapos itong ihagis ng Papa niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ibang-iba ang hitsura ng Papa niya. Sinugod ito ng katulong nila ng kutsilyo at ginilitan sa braso ngunit namangha siya nang himalang humilom kaagad ang sugat nito. Inagaw nito ang kutsilyo sa katulong saka hinabol ito, ngnit hinarang ito ng Mama niya. Tila huminto ang oras nang masaksihan niya kung paano itulos ng Papa niya ang kutsilyo sa dibdib ng kanyang ina. “Tito Vinn!” narinig niyang sigaw ni Renzo. Nakita niya itong tumakbo pasugod sa walang malay na tito nito. Mabilis na tumulo ang luha ni Rachell nang magtama ang mga mata nila ng Mama niya. Lumuha ang mga mata nito kasabay sa pagluwa ng bibig nito ng dugo. Bumuka ang bibig niya ngunit walang lumayang kataga. Mamaya’y bigla na lamang bumagsak sa sahig ang Papa niya. Nasaksihan niya ang maitim na usok na lumabas mula sa bibig ng kanyang ama saka iyon mabilis na lumapit kay Renzo. “Renzo!” naisigaw niya. Sinugod niya si Renzo saka ito niyakap. Tinakpan niya ng palad ang bibig nito. Subalit may kung anong mainit na bagay ang pumasok sa bibig niya. Ginupo siya ng antok at labis ang kanyang panlulumo hanggang sa tuluyan siyang nakalimot.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.8K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook