CHAPTER 2

1287 Words
ALEX Pagkalipas ng mga sampung minuto nakarating na kami dito sa harapan ng bahay namin. Sa di kalayuan nakita ko si mama habang abala sa paghahanda ng pagkain para sa tanghalian. Samantalang nakita ko naman ang aking kapatid sa aming bakuran masayang naglalaro gamit ang kanyang toy car. Matthew ang pangalan ng kapatid ko siya ang walong taong gulang palang siya ay especial child. Si mama naman ay isang Ina na mapagmahal handa siyang gawin ang lahat para sa amin ni Matthew. Nang nakaraang taon lang namatay naman si papa habang siya ay nasa bukid siya ay nakagat ng ahas dahilan ng kanyang pagkamatay. Habang papasok ako sa tahanan namin kasabay nito ang pagpigil ko sa pagtulog ng mga luha ko. Sa pagpasok ko napansin ako ng aking kapatid na si Matthew. Tumakbo siya papalapit sa akin na may kasamang ngiti sa kanyang mga mukha. Bakas ko sa mga mata niya ang nararamdaman niyang saya ng nakita niya ako agad niya akong yinakap ng mahigpit. Hindi nagtagal napansin na rin ako ni mama na abala sa paghahanda ng pagkain namin. Katulad ni Matthew agad ding tumakbo si mama papalapit sa akin at niyakap niya ako na may kasamang mga luha. Labis ang pagka galak ko ng makita at mahagkan ko sila ulit. Pagkatapos namin mag yakapan inimbitahan ni mama si Anthony upang saluhan kami sa hapagkainan. Si mama at Anthony ay sobrang close sa isa't isa ganon din kay Matthew. Tinuring na rin na anak ni mama si Anthony dahil simula palang noong mga bata kami si Anthony na ang lagi kong kasama. Kasabay sa pagpasok sa paaralan at ganun din sa pag-uwi maging sa nga galaan si Anthony ang lagi kong kasama. Kaya naman labis na ang tiwala ni mama kay Anthony kapag kami ang magkasama. Habang kumakain kami biglang nagsalita si Matthew na nabali ang atensyon naming lahat. "Kuya Anthony na miss kita, ngayon ka lang ulit nagpakita sa amin katulad ni ate. Galing ka rin ba sa Manila?" Patatakang tanong ni Matthew at agad naman akong napatingin kay Anthony. Pagkatapos sambitin ni Matthew ang mga katagang iyun agad akong napalingon kay Anthony. Napansin ko ang pagyuko ni Anthony at huminga siya ng malalim at lumingon ulit siya kay Matthew at nagpaliwanag. "Kasi si kuya Anthony mo naging abala sa school kaya hindi na ako nakadalaw dito. Pero ngayon nandito na ulit ako." Sagot ni Anthony kay Matthew na may kasamang ngiti pero nakikita ko sa mga mata niya ang guilt. Habang si mama naman ay tinulingan si Anthony sa pagpapaliwanag kay Matthew. "Babawi si kuya Anthony mo anak, lalo na ngayon nandito na si ate mo. Diba maganda yun dalawa na ulit sila na mag-aalaga sayo." Sambit naman ni mama habang naka ngiti ito sa aking kapatid. Alas tres na ng hapon. Naghahanda na ako para sa pagpunta namin ni Anthony sa paborito naming tambayan sa ilog. Sa paghahanda ko napansin kong kumuha si Anthony ng mga kagamitang panglinis. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya magdadala. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit niya ako pinipigilan kanina. "Anthony, tara na." Pagyaya ko sa kaniya. Agad naman siyang tumugon. "Akin na yang iba mong bitbit para hindi ka mahirapan sa pagbubuhat." Tugon ko sa kanya dahil nakikita kong nahihirapan siya sa pagbitbit ng mga gagamitin namin sa paglilinis sa dati naming tambayan. Pagkalipas ng mga limang minutong paglalakad namin narating na rin namik sa wakas aming tambayan. At napansin kong madumi na ito at halos matakpan na ng malalaking damo. Hindi na ako nagtaka sa nakita ko. Sa dalawang taon na wala ako dito malamang sa malamang hindi na rin dumadalaw dito si Anthony. "Tara, samahan mo akong maglinis." Sambit sa akin ni Anthony at tumango naman ako sa sinabi niya. Tanda ng pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Habang nagwawalis ako. Bigla kong napansin na hindi mapakali si Anthony at bigla niyang tinanggal ang suot niyang jacket. Nabali ang tingin ko sa mga abs niya. Nabigla ako sa nakita ko dahil bago ako umalis dito sa probinsya namin ngayon ko lang ulit nakita si Anthony na walang saplot pang-itaas. Ang mga pawis niya ay dahan dahang tumutulo sa mga abs niya. "Alex may langgam sa likod ko patanggal naman oh." Pasigaw niyang pagtawag sa akin habang humihingi ng tulong. "Ha! Ahm, ito na saglit saglit. Sambit ko sa kanya habang nauutal ako." Nauutal ko namang pagsagot sa kanya. Habang papalapit sa kanya. "Bilis Alex Ang kati." Pagmamadali niya sa akin "Ito na." Pagkarating ko sa pwesto niya agad kong pinagpag ang likod niya kadahilanan na maramdaman ko ang kanyang paghinga. "Wala na ba?" Pagtatanong niya sa akin. "Oo, Wala na." Sambit ko sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yon dahan dahan siyang humarap sa akin dahilan para makita ko ulit ng malapitan ang dibdib niya at pagkatapos non ay tumingin ako sa mga mata niya at dahan dahan niyang sinabi ang katagang "Thank you." Napansin kong nagiging awkward na ang sitwasyon namin kaya minabuti kong dumistansiya ng kunti. "Halika, magpahinga muna tayo. Bukas nalang ulit natin ituloy.Tutal marami na rin naman tayong nalinisan." Sambit ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin tanda ng pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "Grabe no, sa tinagal tagal na ng panahon na hindi tayo nagkita napabayaan na rin itong paborito nating tambayan." Pagbasag ko sa bumabalot sa aming katahimikan. "Pasensya ka na ha. Dumating kasi ako sa punto na nalulungkot ako tuwing pumupunta ako dito ng mag-isa. Mas lalo kasi kitang naaalala at mas lalo kitang na mimiss." Sagot niya sa akin na may halong lungkot sa mga boses at mga mata niya. Kaya Naman dahan dahan akong lumingon sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. "Ano ka ba, wala kang kasalanan at kung hindi naman dahil sa akin hindi ka makakaramdam lungkot at hindi mapapabayaan itong tambayan natin." Sambit ko sa kanya. Napansin ko ang pagbuo ng mga luha niya sa mga mata niya at agad siyang umiwas ng tingin sa akin. "Naalala mo noong mga bata tayo tuwing sabado at lingo pumupunta tayo dito para maligo." Bigla niyang sambit. Naramdaman ko ang pag-iwas iba niya sa pinag-uusapan namin para siguro matanggal ang kalungkutan na bumabalot sa amin ngayon. "Oo, tapos magnanakaw tayo ng mangga nila uncle Antonio. Tapos tatakas tayo kanila nanay." Nakangiti kong sagot sa kanya. Habang inaalala namin ang mga alaala na nabuo namin noong kami ay mga bata pa. Agad ko siyang yinaya upang maligo sa ilog. Pero ayaw niyang pumayag dito dahil sa kadahilanan na baka magalit daw ang mama ko. Kaya naman agad ko siyang binasa at habang ginagawa ko yun nakikita ko ang saya sa mga mata niya. Sa ilang ulit kong pagbasa sa kanya, lumapit na rin siya papunta sa akin. Bigla niya akong binuhat at umikot ng dahan dahan hanggang ng siya ay mapa-upo. Kadahilanan para mabitawan ako at matumba kami.Sa pagkakabitiw niya sa akin, lumangoy ako ng medyo malayo sa kaniya. Sumigaw ako at yinaya ko siyang pumunta sa kinatatayuan ko. Agad naman siyang sumunod. Habang papalapit siya hindi niya napansin na nasa harap na niya ako at nang makarating na siya sa akin bigla siyang umahon mula sa pagkakalangoy at subrang lapit ulit namin sa isa't isa. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mga labi sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang kanyang paghinga. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero gusto ko rin maramdaman ang mga halik niya. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin bigla siyang tumingin sa mga mata ko mula sa pagkakatingin niya sa mga labi ko at sinabi niya ng dahan dahan na umuwi na kami. Pagkatapos niyang sabihin yun nakahinga ako ng maayos at agad akong umahon sa tubig. At sumunod na rin siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD