March 22 ng umaga. 8am. Gising si Yuna. Yakap siya ni Miguel. Buong katawan. Parang ayaw pakawalan. Nasa batok niya yung hininga ni Miguel. Mainit. Pamilyar. "Good morning," bulong ni Miguel. Boses paos pa. "Umaga na?" tanong ni Yuna. Antok pa. "Umaga na," sabi ni Miguel. "At anniversary week pa rin natin." Lumingon si Yuna. Magkalapit yung mukha nila. Isang dangkal lang. Nakita ni Yuna yung mga mata ni Miguel. Pagod wala na. Ang meron, pagmamahal. "Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ni Miguel. "Ikaw," sabi ni Yuna. "Apat na taon na, pero pag ginigising mo ko ng ganito, kinakabahan pa rin ako." "Kabado sa saya?" biro ni Miguel. "Kabado kasi mahal na mahal kita," sabi ni Yuna. Tumahimik si Miguel. Tapos dahan-dahang lumapit. Unang halik sa noo. Pangalawa sa

