Bakit ka umalis

1577 Words

Isang linggo na ang lumipas mula nung huling araw ni Dr. Celeste sa ICU. Maaga pa lang, 6:00 AM, gising na si Yuna. Hindi na siya nagigising sa kaba. Hindi na siya nagigising sa tanong na, "Nasa hospital kaya si Miguel ngayon?" Tahimik yung bahay. Pero ibang tahimik na. Yung tahimik na parang sugat na nagsisimula nang maghilom. Makirot pa pag napipisil, pero hindi na dumudugo. Si Miguel nasa kusina. Nagluluto ng sinangag at itlog. Amoy bawang. Amoy mantika. Amoy umaga na normal. Yung tipong umaga na hindi mo kailangang magtago ng luha habang kumakain. "Mahal, kain na," tawag ni Miguel mula sa kusina. "Oo, papunta na," sagot ni Yuna. Umupo sila sa maliit na lamesa. Kumain sila. Walang imikan, pero hindi na nakakasakal. Yung katahimikan ngayon, parang paghinga na lang. Pagk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD