Dalawang linggo na mula nung huling kita nila kay Dr. Celeste. Walang balita. Walang post. Walang message. Parang bula na nawala sa ere. At sa unang pagkakataon, hindi na hinahanap ni Yuna. Hindi na tinitingnan ni Miguel kung online pa. *MONDAY. 6:30 AM. BAHAY.* "Mahal, gising na," bulong ni Miguel sa tenga ni Yuna. Hindi malakas. Hindi nananakot. Dahan-dahan lang. Para bang takot siyang magising bigla si Yuna at mawala. Imminulat ni Yuna yung mata. Mapungay pa. "Umaga na?" tanong ni Yuna. Boses paos. "Umaga na," sagot ni Miguel. Ngumiti siya. Maliit lang. "Luto tayo? Sabay?" Tumango si Yuna. Tumayo sila. Sa kusina, magkatabi sila. Si Miguel naghiwa ng sibuyas. Si Yuna nagsasaing. Dati nagkakagulo sila dito. Naghahagisan ng mantika. Nagtatawanan. Nagtutulakan. N

