Ang Simula. 2

2181 Words
---2--- Isang buwan matapos mangyari ang kahiya hiyang pangyayari sa buong buhay ko ay mas lalo lamang lumayo ang loob ko kay Richard. Madalas ay binubully na namin ng grupo ko ito. Lalo na kapag nakikita ko itong nag sisimula ng mawala ang tigayawat nito. Sa hindi malamang pangyayari ay bigla na lamang itong pumuti at kuminis. Potangna. Naging maayos na rin ang pananamit nito. Hindi na rin ito mukhang baktol. Mukha na itong mabango kaya naman unti unti na itong nakilala sa school. Kaya mas yumabong pa ang galit ko rito. Hindi naman ito lumalaban sa akin at madalas ay pinag papasensyahan lang ako kaya mas lalo lamang akong napipikon rito. Hindi rin naman ito makapag sumbong sa mga magulang nito dahil pinapangatawanan nito ang pagiging good son. Good son may face. "Paano yan. Walang magiging partner ang kakanta mamaya sa stage dahil absent si Amber, dahil binulutong ang hitad.Ang hilig kasi sa pakpak ng manok ng gaga" Stress na sabi sa amin ni Angeline Villacorta ang President ng room namin. Nakaisip ako ng kalokohan. Kailangan mapahiya rin ni Richard kaya naman ito ang sinuhesyon ko sa kanila. Saktong wala naman ito ngayon sa classroom dahil nag punta ito sa palikuran. "Si Richard na lamang ang ipalit nyo. Tutal maganda naman ang boses nung lalaking iyon." Suhesyon ko sa presidente namin. "Sure ka ba dyan, Carlo?" Tanong nito sa akin. Muntik ko ng hugutin ang tinggil nito sa puday nito ng banggitin nito ang pangalan ko. Pinag pasensyahan ko na lang kasi panget ito. "Cassandra, Angeline. Oo sure ako. Pinsan ko sya kaya sigurado akong maganda ang boses nya." Sagot ko rito. Nag isip isip pa ito. Dahil desperada na ito ay wala na itong nagawa kundi hanapin si Richard. "Maganda ba ang boses ni Richard, Cassandra?" Tanong sa akin ng katabi kong si Tony. Ngisisan ko ito. Hindi ko alam. pero sigurado akong panget ang boses ng chaka na yun. Hindi ko pa narinig na kumanta ito kaya ibig sabihin lang boses palaka ang gago. "Malay ko. Hayaan mo sya mapahiya. Tara na mag tungo na tayo sa auditorium ng makita na natin ang pag kapahiya nya. Excited na akong mapahiya sya sa school. Teka sino ba makka partner ni Amber dapat?" Tanong ko rito habang inaayos na ang gamit ko. May program kasi ngayon sa auditorium dahil birthday ng anak ng may ari ng school. Kaya naman kanselado na ang mga klase ngayon. "Sigurado kang hindi mo alam, Cass?" Tanong sa akin ni Jelai. Tinignan ko ito. "Pajuliet juliet? Itatanong ko ba kung alam ko. Stupid!" Inis na turan ko rito. Sibalit mas lalo akong naiinis rito ng sambitin na nito ang magiging partner ni Richard. "Si Emmerson ang magiging partner dapat ni Amber pero ngayon ay magiging partner na ni Richard." Sagot nito sa akin na nakataas pa ang kilay. Putangina! "Bakit hindi mo sa akin sinabi agad. Puta! Dapat pala ako na ang nag volunteer. Halika kayo at habulin si Angeline. Ako na lang ang kakanta kasama nya. Bilis." Nag mamadali kon gpag labas ng classroom. Ngunit hindi na napalitan ang tukmol kung pinsan. Kasama na ito ni Emmerson at nag practice saglit sa music room. Hindi na pumayag si Angeline dahil masyado na raw late kung papalitan pa si Richard. Nilait pa ako ng chaka na yun na hindi daw maganda ang boses ko. Di bale goodluck na lang na mapahiya si Richard. Ihahanda ko na ang malakas na pag boo at pag tawa ko mamaya. Sinikap namin ng mga kaibigan ko na sa harapan kami makaupo para naman kitang kita kami ng pinsan ko pag napahiya na ito. Nang maka pwesto na sa harap kahilera ang mga teachers at principal ay nag simula na ang program. May mga nag sayaw. Tumula. Spoken poetry at nag magic pa. May mga nag doxology rin ng Biglang liko na kanta. Pota. Masyadong malaswa. At ng lumabas na si Richard na may bitbit pang gitara kasama si Emmerson sa stage. Halos mapunit ang ngiti sa bibig ko. It's payback time pinsan. "Ihanda nyo na ang cellphone camera nyo mga gurls. Ipoposta natin ito sa social media upang mag viral. Para maging katatawanan. Hahaha." Utos ko sa mga kaibigan ko na agad naman sinunod. "Happy Birthday, Princess. Ahmmm.. Medyo biglaan lang ito. I hope you like it." Umpisa ni Emmerson at tinignan na nito si Richard at nag simula na ang kumag tumipa sa gitara. "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" EMMERSON Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan? OMG! Medyo kinilig ako sa paunang pag kanta palang ni Emmerson. Pota! Sobrang ganda pala ng boses nito. Pota. Nasa kanya na talaga ang lahat. Tang ina. Nag palakpakan ang lahat ng naroon maging ang birthday girl na anak ng principal ay kilig na kilig. RICHARD Kung hindi ikaw ay hindi na lang Pipilitin pang umasa para sating dalawa At nang magsimula nang umawit si Richard ay napatulala na lang ako. Hindi lang ako maging ang buong tao sa loob ng auditorium. Para kaming natahimik sa magandang boses na isinatinig nito. Hindi ko akalain na may tinatago pala itong magandang boses. Pota. Maging si Emmerson ay napatulala na lang kay Richard na bigay na bigay sa pag kanta at papikit pikit pa. Mayamaya ay nag hiyawan na ang mga tao sa loob ng auditorium. EMMERSON Giniginaw at hindi makagalaw Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw RICHARD & EMMERSON Kung di rin tayo sa huli EMMERSON Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung di rin tayo sa huli RICHARD Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Halos dumagundong ang sigawan sa buong auditorium dahil sa pag kanta ng dalawa. May iba pangang kinilig dahil sa mga malalagkit na tinginan ng dalawa. Doon ko na binaba ang cellphone ko at hindi ko napigilang hindi kumuyom ang palad ko. RICHARD Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan? EMMERSON Kung hindi ikaw ay sino pa ba? Ang luluha sa umaga para sating dalawa RICHARD Bumibitaw dahil di makagalaw RICHARD & EMMERSON Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw? Kung di rin tayo sa huli "Tang ina. Kinikilig ako sa inyo. Totohanin nyo na yan. Nakakalilig. Gosh! May Fujoshi's heart!" Sigaw ng malkas ng isang babaeng nanonood. Gusto ko sanang kaladkarin iyon at iumpog sa sahig ang mukha eh. Sumang ayon naman ang lahat rito at nanukso pa ng kiss kiss ang mga putangina. Nakakgigil. Ano bang maganda sa boses ng Richard na yan. Parang common naman na ang boses nito. EMMERSON Aawatin ang sarili na umibig pang muli RICHARD & EMMERSON Kung di rin tayo sa huli RICHARD Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? EMMERSON Naliligaw at RICHARD malayo ang tanaw RICHARD & EMMERSON Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw Nag iinit ang puso ko sa nakikita kong pag tititigan ng dalawa. Bakla ba tong pinsan ko? Kung umakto kala mo katorse ang landi landi ng putanginang to. Ang sarap hambalusin. RICHARD & EMMERSON Kung di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na makita kang muli Kung di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Dumagundong muli ang buong auditorium. Nag standing ovation pa nga ang mga tao roon habang masigabong pumapalakpak. Maging ang kaibigan kong sila Jelai at Camile ay nakiisa. Tangina. Gindi talaga ako tumayo. Nag papasalamat ako dahil si Tony ay hindi rin pero halata sa mukha nito na nasiyahan rin ito sa performance ng dalawa. "Halika na kayo girls. Umalis na tayo rito. Nabubuset lang ako. Ang panget nila kapulong potang ina. Tara na!" Sigaw ko sa mga ito at nilisan na namin ang lugar na iyon. Baon baon ko ang namumuong matinding galit sa pinsan ko. ------------------------------------ "Bakla ka ba, Richard!?" Tanong ko rito. Mabilis itong umiling. Narito kami sa may likurang bahagi ng school. Dinala talaga namin ito rito dahil may nais akong malaman sa katauhan nito. "Sumagot ka ng maayos. Pipi ka ba?" Tanong ng kaibigan kong si Tony. Kaming dalawa lang ang narito dahil ang dalawa pa naming kaibigan ay hindi sumama sa amin. Pagod na raw ang mga ito na bullyhin si Richard dahil wala naman daw ginagawang masama si Richard sa kanila. Pawang kabutihan pa raw ang sinusukli nito. "Hindi." Matatag na sabi nito sa amin. Tinitigan ko ito sa mata. Ramdam ko na hindi ito nag sasabi ng totoo. Ramdam n ramdam ko. "May gusto ka ba kay Emmerson?" Diretsahang tanong ko rito. Nagulat ito sa tanong ko. Maaring hindi nito inaasahan na itatanong ko yun rito. "Kay E-emmet? W-wala!" Nabulol pang sabi nito. Sinampal ko ito ng malakas. Napahawak ito sa pisngi nito. Emmerson Thad kasi ang buong pangalan ng mahal ko. "Sinungaling ka! Alam kong may gusto ka sa kanya. Ramdam ko yun sa tuwing tinitignan kita at natutulala ka sa kanya." Naaasar na talak ko rito. Nakkainis kasi ayaw pang umamin. Aamin na lang eh., "Straight sya, Carlo. Nauunawaan mo ba." Sagot nito sa akin. Hindi nito sdinagot ang tanong ko kaya sinabunutan ko ito. Nasasaktang hinawakan nito ang kamay ko. "Alam ko pero hindi yan ang tanong ko. Putangina ka!" Sabi ko rito sabay tulak sa putikan. Umulan kanina kaya putikan ang lupa sa likuran ng school namin. "Bakit ba ang sama sama mo sa akin. Mag pinsan tayo. Kapatid ng mommy mo ang mama ko. Ano bang ginawa kong mali sa iyo ha?" Umiiyak na sabi nito sa akin. Kahit kailan talaga napaka maiyakin nito. "Hindi kita pinsan. Wala akong kadugo na kasing panget mo. Ulol! Yung existence mo lang ay sapat na para maasar ako. Yun yung mali na ginawa mo. Ang isilang pa sa mundong ito." Sikmat ko rito. "Napakasama mong pinsan." Rebutt nito sa akin na walang kadating dating. Masama na kung masama. bwisit kasi ito sa buhay ko. "Hindi sabi kita pinsan, eh. Mama mo lang ang kamag anak ko. Ulol! Layuan mo si Emmerson ah. Ayokong makikita kitang kasa kasama nya ah." Utos ko rito. "At kung hindi ko gawin?" Matapang na sagot nito sa akin. Putikan na ang polo nito. Mukha na itong gusgusin. "Pwes. Ako ang gagawa ng paraan para layuan ka nya. Ayaw mo naman siguro na malaman nya na pinag nanasahan mo syang bakla ka. Wag ka ng mag deny. Bakla ka at nag nanasa ka sa kanya. Nakka diri ka." Pang uuyam ko rito. "Bakla ka rin naman ah. Mas masahol ka pa nga sa akin." Sagot nito. "May point sya, Sis. Bakla ka nga." Sambit ni Tony kaya nakatamo ito ng sampal sa akin. "Uulitin ko. Layuan mo si Emmerson! Putang ina ka!" Sigaw ko rito. Akmang sasabunutan ko ito ang ingungudngod na sa lupa ng may humawak ng mga kamay ko para pigilan iyon at ng tumingin ako kung sino iyon ay napatigil ako ng mapag tantong si Emmerson pala iyon. "E-emmerson!" Mahinang sambit ko. Itinulak nya ako ng mahina para makalayo kay Richard. Agad nitong nilapitan si Richard para itayo sa putikan. "Ayos ka lang ba, Chard." Rinig kong tanong nito sa pinsan kong nag papaawa effect. Putangina. "It's not what you think it is, Emmerson." Simulang sabi ko rito. Hinarap ako nito matapos nitong punasan ng sarili nitong panyo si Richard. "At anong ibig sabihin nito, Carlo. Hindi ako tanga. Saka sinabi na sa akin nila Jipolito at Cornellio ang lahat. Kaya wag ka ng mag sinungaling pa. Huling huli ka na sa akto. Mag dedeny ka pa." Akusa nito sa akin. Mga traydor! "Mahal kasi kita. Kaya ko ginagawa ito!" Sigaw ko rito kasabay ng pag luha ko. Tinignan lang ako nito ng nakakaawa at umiling iling ito. "Salamat sa pag mamahal. Subalit hindi ko yan kailangan. Sa iba mo na lang yan ibigay." Sagot nito sa akin na nag paguho ng mundo ko. Inalalayan nitong mag lakad si Richard para umalis na sa lugar na yun. "Ano bang wala sa akin at bakit hindi mo matanggap ang pag mamahal ko, ha! Sabihin mo, babaguhin ko. Pipilitin kong maging perpekto para sa iyo!? Sabihin mo." Pag mamakaawa ko rito pero isang sampal na katotohanan ang isinagot nito sa akin. "Hindi ikaw si Richard. Kaya kahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin." Sagot nito sa akin na nakapag paluhod na lang sa akin sa lupa. "Ang sakit nun, sis." Komento ni Tony na hindi ko na naintindihan. Pinag masdan ko na lamang na umalis ang mga ito. Kasabay ng pag luha ko ang matinding galit na naramdaman ko kay Richard. Mukhang nakikiluksa pa ang langit sa bigat ng nadarama ko dahil umulan rin ng mga oras na iyon. "Saksi ko ang dyos. Hindi lahat ng araw sa inyo. Lahat ng ginawa nyo sa akin ay nakatanim sa puso't diwa ko. Lahat ng hirap at sakit! Ibabalik ko sa inyo. Kayong nag malupit sa akin. Lahat kayo! Matitikman ninyo ang batas ng bading na inagawan ng chupaaaaaa!!!" Sigaw ko sa kawalan habang umuulan. "Sis, Okay ka lang?"" Tanong ni Tony sa akin. "Putangina mo. Mukha ba akong okay. Gago ka ba?" Sikmat ko rito. "Aww.. Sorry." Sagot nito sa akin. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD