bc

EMMET

book_age18+
525
FOLLOW
3.9K
READ
dark
second chance
student
tragedy
twisted
bisexual
loser
male lead
weak to strong
intersex
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang relasyong iniingatan mo, pinapahalagahan mo at matagal mong pinangarap na maasam ay sa isang iglap ay bigla na lang mawawala sa iyo.

Ang dating masayang pag sasama ay babalutin ng pag lilihim, pag dududa, pag sisinungaling at higit sa lahat ang pag taTAKSIL.

Kakayanin mo pa bang kumapit sa salitang MAHAL kita?

chap-preview
Free preview
Ang Simula. 1
PROLOGO CARLO "Cous. Ano ka ba, bilisan mo naman at mahuhuli na tayo sa school. Agabangatan naman eh. Angga ak ni angan." Naiinis na turan ko sa pinsan ko. "Masantos ya kabwasan sa iyo, pinsang Carlo. Bakit ka ba nag mamadali at maaga pa. Aabot pa tayo sa flag ceremony. Wag kang mag alala." Sagot nito sa akin. Hindi naman talaga yun ang habol ko. Pakielam ko roon. May inaabangan lang talaga ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang isang gwapong binata na nakapag patibok ng pihikan kong s**o este puso. Agad na akong sumakay ng tricycle. Sa loob na ako pumasok dahil ayokong mausukan. Bagong bago itong uniporme ko. Saka ayokong maging mabantot. Dapat fresh lang tayo sa umaga dahil makikita tayo ni crush. Kailangan maganda ang impression nito sa atin. Fourth year highschool na ako rito sa Berkeley High School. Sosyal di ba. Transfer student ako rito. Syempre hindi tayo papayag na pang pucho pucho lang ang papasukan natin. Pumayag na nga ako na mag transfer rito mula sa manila eh. Kaya dapat sa isang private school dapat tayo mag aral. Kaya naman yun ng mga magulang ko. May kaya naman kami dahil isang abogado ang ama ko. Kinailangan lang nga namin lumipat rito pansamantala dahil sa trabaho nito. Noong una talaga ay isinumpa ko ang pag lipat namin rito. Naiwan kasi ang mga IT GIRLS kong mga kaibigan sa maynila. Sa Ateneo pa naman ako nag aaral roon tapos ngayon sa baguio ako magtatapos ng highschool. Pota lang diba. Unfair. Lakas maka bundok. Hindi bagay ang beauty ko rito sa totoo lang. Nag sinungaling na nga lang ako sa mga friends ko na sa U.S ako mag aaral. Mabuti na lang talaga at nakita ko ang future boyfriend ko kung hindi baka nag mumokmok pa rin ako sa kwarto ko mag pahanggang sa ngayon. "Doon ka na sa labas katabi ni Mang Ambo, Cous. Masikip na rito sa loob." Reklamo ko ng makita kong papasok ito at tatabihan ako. Mukha pa naman itong gusgusin. Punyeta. "Ang luwag luwag pa, eh. Sige na nga, ang arte mo talaga kahit kailan." Reklamo ng gaga sabay sakay na sa likuran ni Mang Ambo. Imbyerna talaga ako rito sa pinsan kong ito. Amoy dukha. Literal na hampas lupa. Ni hindi man lang magawang mag ayos. Kita mo naman lukot lukot pa nag damit nito. Walang kaayos ayos ang buhok. Mukhang bagong gising lang talaga. Narinig ko na nag kwekwentuhan sila ni Mang Ambo at nag tatawanan sa labas habang nabyahe kami. Deadma lang ako sa kanila at inilabas ang binili kong bagong lip tint. Kulay pula iyon at tiyak bagay na bagay sa akin iyon. Magiging si Snow white lang ang peg ko mamaya. Mag antay ka lang Emmerson. Titiyakin kong mamakit ka sa taglay kong kagandahan. Sa kabutihang palad ay nakapag lagay naman ako ng liptint sa aking labi. Kesehodang hirap na hirap akong mag lagay kanina dahil sa lubak na nadaraanan namin. Nang makita kong malapit na kami sa school ay agad akong sumigaw kay Mang Ambo na itigil na ang sasakyan. Nag taka man ay bumaba na ako roon. Ayoko kayang maihatid ng bulok na sasakyan na iyon. Excuse me. "Uy carlo apaka layo pa natin. Ano ka ba. Bakit bumaba ka na." Tanong ng chaka kong pinsan. "La kang pake. Gusto ko mag lakad eh, sige mauna na kayo roon." Pag tataboy ko sa dalawang ito. Napakamot na lang sa ulo si Mang Ambo. Ang hinayupak kong pinsan ay bumaba na rin. Balak pa yata akong samahan ng hayop. "Sige, Mang Ambo dito na lang rin ako. Salamat po, mag iingat po kayo sa byahe." Sagot ng plastik ko na pinsan. Nginitian naman ito ni Mang Ambo at umalis na rin agad. "Bakit ba sumabay ka pa sa akin. Mauna ka na, Richard. Pota ka. Panira ka naman ng eksena eh" Reklamo ko rito sa gusgusin na ito. May coleman pang baon ito. Napaka jolog ng hayop. Kaka simula pa lamang ng school year sandamakmak na libro na agad ang bitbit ng pota. Pag kalaki laki pa ng backpack nito. May camping ka gurl? Pota. Kakasura. "Anong nangyari sa mukha mo. Para kang sinapak o sinampal sa magkabilang pisngi at ang pula pa ng labi mo. May sakit ka ba?" Tanong nito sa akin at dineadma lang ang pag papalayas ko sa kanya. "Ambobo mo, Richard. Literal. Drunk make up ito. Nadine Lustre ang peg ko at alam kong hindi mo iyon mauunawaan. Taga bundok ka talaga. Manood ka nga ng TV o mag internet ka ng hindi ka nagiging baduy. Hindi yung puro ka wattpad." Sabi ko rito. Tinalikuran ko na ito dahil ayoko itong makasabay. "Sungit mo naman. Mas Sassa Gurl pa nga ang hawig mo." Rinig kong sabi nito. Pota sino naman yun. Well deadma na lang ako. Alam ko naman na weird ang mga taste nito. Hindi marunong maka appreciate ng ganda. Halos hingalin ako sa paakyat na daan patungo ng school namin. Ang lamig lamig na nga sa paligid pero pinag papawisan ako ng butil butil sa noo. Tangina. Wala man lang kasing service cab dito. Mga kabayo at tricycle ang nakikita ko. Very sad and poor. Nang nas atapat na ako ng gate ay nag pahinga muna ako sa labas. Hihintayin ko muna rito si crush. Para naman maging maswerte at maganda ang araw ko. Nag retouch retouch lang ako para maging fresh muli. Dumaan pa sa harapan ko ang mga hampas lupang classmates namin ni Richard. Mag kaklase pala kami nito kung hindi nyo naitatanong. Ang malas lang di ba. Mabuti na lang rin at classmate din namin si papa Emmerson. Ilang saglit lang ay dumating na ang sasakyan nila Emmerson at bumaba na ito roon. Halos mapigtas ang panty kong So-en na suot ng makita ko ito. Potangena talaga. Ang gwapo. Tinalo talaga nito ang mga nag gwa gwapuhang mga lalake na nakilala at nachupa ko sa maynila. Pang international ang kapogiang taglay nito. Wala akong masabi. Ngiti pa lang nito ay lalabasan ka na. Ulam na ulam rin ang ganda ng katawan nito. Nasa kanya na nga ang lahat eh. Kagwapuhan, kamachuhan, karangyaan, kabaitan at kasarapan. Lahat sinalo na nya. Nang mag sabog ng magagandang katangian ang langit lumangoy ito. Kaya napaliguan ng sobra. Ka swerte ko talaga rito. Kaya hindi pwedeng ko matikman ang malaking umbok na nakatago sa pantalon nito. OooohhLalaaaaaaaa.. Nang dumaan ito sa harapan ko ay pinapungay ko ang mga mata ko at pinaliit ang boses ko para mag mukhang mahinhin. "Hi, Emmerson. Masantos ya kabwasan." Sagot ko rito. Napa tingin ito sa akin at binati rin ako ng magandang umaga. "Masantos ya kabwasan, Carlo." Nakangiting bati nito sa akin. Nalanghap ko ang bulgari nitong pabango. Super sarap lang ng amoy nito. Mas lalo tuloy itong nakakatakam chupain. "Sabay na tayo." Sabi ko rito. Hindi ko na hinintay pa na sumagot ito at sinabayan ko na lamang ang pag lalakad nito. Marami ang mga taong bumabati rito at tumitingin. Lalo na ang mga kababaihang amoy pekpek sa umaga na ang lalandi kung bumati rito. Samahan mo pa ang mga shoklang kamukha ni Roque pag naging babaihan. Kakasira ng araw. Pero ayokong masira ang araw ko dahil lang sa mga slap soil na ito. Char. Ngayon pang kasabay ko si Emmerson. Okay na sana ang lahat kung hindi pa ako tinamaan ng putang inang bola na ewan ko kung saan nanggaling. Halos makita ko si San Pedro panandalian ng mawalan ako ng ulirat. Plakda nag bakla sa school grounds ng matamaan ng bola. Pag dilat ko ng mga mata ko ay mag mumura na sana ako ng malakas na bwakang ina ngunit napigilan ng mabungaran ko ang gwapong mukha ni Emmerson. "Ayos ka lang ba, Carlo?" Tanong nito sa akin na bakas ang pag aalala. "Eyes leng eke, Emmerson. Ene kebe. Wele to." Sagot ko rito na parang nahipan ng hangin. Ramdam ko ang pag sakit ng kanang mata ko at pag kahilo pero tiniis ko lang iyon. Lalo pa't nasa mga kandungan ako ng lalaking pinag jajakulan ko araw araw. "Anong ayos lang. May black eye ka. Dumudugo ang ilong mo. At mukha ka ng ike cremate sa itsura mo. Tapos ayos ka lang." Sagot ng pakielemerong baboy na kaibigan ni Emmerson na si Mojacko. "Wag ka na ngang mang asar, Monching. Tulungan mo na lang ako na dalhin si Carlo sa clinic. Teka, Kaya mo bang tumayo?" Malumanay na tanong nito sa akin. Umiling iling ako kaya naman binuhat ako nito ala Cinderella. Feel na feel ko ang kalakasan nito. Nag silabasan tuloy ang daga sa muscles nito. Pota ang sarap. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa matigas nitong dibdib. Amoy na amoy ko ang pinag halong pabangong ginamit at ang natural na amoy na lalaki nito. Pota ang sarap. Naihatid naman ako nito sa clinic. Ito pa nga ang nag higa sa akin sa kama. Mas lalo pa akong humanga rito ng yayain na ito ng kaibigan nitong si Mojacko pero tumanggi ito at sinabing sasamahan muna ako. Ganoon ito kabait. Kaya mas lalo lang umusbong ang nararamdaman kong pag mamahal rito. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa lalaking ito. Lahat na talaga ng magagandang katangian ay nasalo na nito. Mag mula ng araw na iyon ay tinaga ko na sa bato at sa noo ni Sir Puque kasama ang meter stick nito na gagawin ko ang lahat. Mahalin at ibigin lang ako nito. Kahit na isanla ko pa ang nanay ko sa pawnshop. Keber na. ------------------------------------------------------- Foundation Day ng school namin. May mga kanya kanyang pa activities ang bawat Org ng school namin. Syempre bilang isa sa mga sosyal at tinitingalang personalidad ng school namin ay hindi kami nag pa kabog sa photography club. Nag tayo kami ng KISSING BOOTH. Hindi ito ordinaryong Kissing Booth lang. May twist ito. Umaga pa lang ay nag handa na kami mag ayos ng mga ka grupo ko. Si Tony, Jelai at Camille. Kami ay may pinaka mahabang pila ng estudyante kaya naman alam kong successful ang ginawa namin. Siguradong 99 na ang grade namin nito. "Jepolito at tonying atawag kayo sa faculty ni Mrs Cardinal." Eksenang tawag pansin sa amin ni Richard. Kahit kailan talaga nakaka asar makita ang pag mumukha nitong togyawatin na to. "Its Jelai and Camille. Mahirap bang tandaan yun, Richard ha. Tangina ka talaga nakapalda kami at babaihan na outfit tapos tatawagin mo kami sa pangalan naming nakakarimarim. Tirisin kaya namin yang tigyawat mong putangina ka. "Ang iinit ng ulo nyo. Basta pumunta na lang kayo roon at kanina pa kayo hinahanap. Kumusta pinsan? Mukhang successful ang booth nyo ah." Pag kausap sa akin nito. Deadma lang ako rito at inayos ko na ang telang tumatabing sa booth namin. "Camille, nahanda mo na ba ang mga pang piring natin dyan." Tawag pansin ko sa isa ko pang kaibigan. Tumatango tango ito. "Para saan ang panyo na yan, Cornellio?" Tanong ni Richard sa kaibigan ko. Bumusangot ang mukha nito at hindi rin pinansin si Richard. Sinuwag pa nito iyon ng maraanan. "Pumunta ka na nga lang sa booth nyo. Istrobo ka sa amin eh. Kita mong may ginagawa yung mga tao rito eh." Saway ko rito. Nginitian lang ako ng punyeta. Sige lang ngumiti ka lang na hayop ka. Lalamunin namin ang booth nyo ng buong buo. Hayop ka. "Nangangamusta lang, eh. Anyway. Goodluck pinsan. Kaya natin to." Sabi nito at kumaripas na ng takbo. As if naman kailangan namin ang goodluck nito. Mas kailangan nga nila yun kasama ang booth nilang pag nerd. Sino naman ang pupunta roon para mag papicture. Duh! May cellphone na ang mga tao ngayon. Hindi na nila kailangan ng film at litrato talaga. Shunga talaga ang gaga. ------------------------------------------------------ "So alam nyo na ang gagawin nyo mga tao? Hindi pa rin ba? Sige uulitin ko. May tatlo tayong booth dyan na may numero mula 1 hanggang 3. Bubunot lamang kayo ng bola sa fish bowl na nakalagay rin na numero 1 hanggang tatlo. Kung ano ang makuha nyong numero ay doon rin kayo papasok sa booth na nabunot nyo. Pakatandaan baliktaran ang booth na yan. Sa likod ng booth na yan ay may mga tao rin na gaya nyo na hindi alam kung sino ang makaka halikan nila depende sa numero ng booth na makukuha nila. Maliit na butas lang ang mag durungtong sa inyo kasya ang mga nguso nyo. Diba ang saya. Hindi nyo malalaman kung sino ang makakahalikan nyo. After nyo na lang mag halikan malalaman kung sino ang nahalikan nyo kapag tinanggal na ang tabla na nakarang sa pagitan nyo. Ang cool nun diba. Kaya careful sa pag bunot. Hahaha. Simulan na ba natin guys?" Masayang sigaw ko. Nag sigawan rin ang mga estudyanteng nakapila. Kinilig ako dahil nakita ko sa pila si Emmerson. Talagang patok na patok ang kissing booth namin. Anim na tao lamang ang pinapasok namin. Tatlong lalaki at tatlong babae. Sa likod ang mga babae at sa harap naman ang mga lalaki. May 5 mins kada isang grupo ang itatagal sa loob ng booth kaya makakapag lapalpan sila kung gugustuhin nila. Kada limang minuto ay mga lumalabas na lalaki na masasaya. May mga nalulungkot rin pero karamihan ay nakangiting lumalabas. Pinulong ko na ang mga kaibigan ko sa gilid. Eto na ang chance ko para malaplap si Emmerson kaya naman kailangan hindi kami pumalya sa plano. "Handa na ba kayo girls? Kailangan maging pulido ang palno natin. Siguraduhin nyong numero dos ang mabubunot ni Emmerson ah. Ito na ung numero ko. Number 2 hawak ko na ito baka mag kamali pa ah. Ayusin mo, Camille ah. Labing isa na yang daliri mo baka mabitawan mo pa an gbola na kunwari nabunot ni Emmet ah." Sabi ko sa kaibigan kong si Cornellio sa totoong buhay. "Oo, Cassandra. Yakang yaka ko ito. Hindi ako si Dambie na puro s**o lang. May utak ako." Sagot nito sa akin. Napangiti na lamang ako. Medyo malapit lapit na kasi ang turn ni Emmet. Gosh! "Sis, mag mouth wash ka muna dali. Para naman mas lalong masarapan sa iyo si Emmerson kapag hinalikan ka nya. Daliiii.." Sambit sa akin ni Jelai. Agad akong tumango rito. Tama ito kailangan kong mag mouth wash. "Oo nga noh. Dyan muna kayo. Camille ah. Wag kang tatanga tanga. Galingan mo. Future boyfriend ko ang nakataya rito at kasiyahan ko." Sagot ko rito bago ako mag tungo muna sa CR para mag sepilyo at mouthwash na rin. Mag reretouch na din kasi ako. Malay nyo ngayon ko na makuha hindi lang ang labi nito. Maging ang b***t nito. hahaha" Excited akong nag tungo sa CR. Nakabunggo ko pa nga ang pinsan kong may dala dala pang lunch box at kumakain habang nag lalakad. "Ano yang kinakain mo?. Muntik ng matapon sa akin. Ano ka ba naman, Richard. Tumingin ka nga sa dinaraanan mo." Sikmat ko rito. "Cornedbeef. Luh! Ikaw kaya ang hindi natingin sa dinaraanan mo. Para ka pang baliw dahil nakangiti kang nag lalakad. Ikaw ang may sayad dyan eh." Sagot nito sa akin. "Tumabi ka nga dyan. Baka hindi kita matanya. Tabeeee" Sigaw k orito at pumasok na ng CR. Mabilis rin naman akong nakabalik. Puring puri ako sa mga friends ko sa gandang taglay ko. Mukha raw akong babae. Tiyak daw na maakit na sa akin si Emmerson. Binugahan ko pa nga ng hininga sila isa isa at sinabing fresh breath na ako. Lumipas pa ang ilang sandali at sumisigaw na lumapit na sa pwesto namin si Tony. Kabado na excited ako kaya naman hinanda ko na ang sarili ko at lumabas na ng booth. Nakita ko si Emmerson na kasama nga sa grupo. NAroon din si Mojacko pati ang king ina kong pinsan na si Richard. Deadma lamang ako. Hindi ko naman makkahalikan tong putanginang to. Eiw! Planado na itong lahat kaya wala akong pake kung sino man makahalikan ng hayop na tigyawat na to. Tinanguan ko si Camille at nag tungo na ako sa likuran ng booth. Nag kunwari ako na bumunot ng numero pero hawak ko na ang numero 2. Inabot ko iyon sa DTI representative na nasa ikalawang booth at pinapasok na ako nito roon. Nanginginig ako sa sobrang kaba. Finally mahahalikan ko na si Emmerson. Lalaplapin ko talaga ito. Sisipsipin ko ang laway nito. Lunok kung lunok. Pota. Ilang saglit lang ay may nakita na akong tumayo sa kabilang side ng booth. Gosh! Abot kamay ko na si Emmerson. Kinikilig ang tumbong ko. This is it. Kailangan maipakita ko rito ang galing ko sa pag halik. Upang hanap hanapin nito. Lumapit na ako sa maliit na butas roon. Suminghot ako ng malakas para maamoy ko ang amoy ni Emmerson. Medyo nag taka lang ako dahil medyo amoy pawis ito. Pero ayos lang. Alam ko naman na pag papawisan ito bilang isa itong athlete sa school namin. Pero maski iyon ay tanggap ko rito. Nang tumunog na ang hudyat na mag hahalikan kami ay sinunggaban ko na agad ang labi nito. Laplap kung laplap talaga ang iginawad ko rito. Sinipsip ko ang dila nito ng matindi kahit nalalasahan ko pa ang kinain nitong isaw yata yun. Deadma na. Si Emmerson ito kaya wala akong pakielam. Kakainin ko ang lahat lahat rito. Todo lunok ako ng laway nito. Tuwang tuwa ako ng tumugon na rin ito ng laplap sa akin. Nilabanan talaga ako nito ng matindi putangina. Halos mapugto ang hininga ko at manakit ang labi ko sa tindi ng pag hahalikan namin. Ginusto ko na nga na wag na matapos iyong mga oras na iyon. Hindi lang isaw ang nalasahan ko sa bibig nito pati ang kinain nitong lunch na monggo. Naramdaman ko pa nga ang ilang remnants nun sa dila ko. Kinain ko na lang din tutal galing naman yun sa bibig ng crush ko. Aarte pa ba ako. Eh, Si Emmerson na ito. Pota. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang limang minuto. Halos mapapadyak pa nga ako ng matapos yun. Kami pa nga ang huling bumitaw sa halikan. Ganoon katindi ang halikang naganap sa amin. Kinalma ko ang sarili ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Excited na ako na mareveal an gmukha namin sa isat isa. Handa na talaga akong yakapin ito oras na umangat na ang tabla. Parang sa ALDUB lang ito na may nakaharang na tabla noong una silang mag kita. Ipinaskil ko na ang pinaka magandang ngiti sa aking mga labi. Sumabay na ako sa bilang ng lalaking nag bibilang. 5 4 3 2 1! At umangat na nga ang tabla. Ang nakapaskil kong malaking ngiti ay biglang nag laho ng makita ko sa harapan ko si Mojacko. Ang matalik na kaibigan ni Emmerson. Half Penguin, Half baboy damo ito. Nag mag kasalubong ang mga mata namin ay umaktong nasusuka pa ito. Nang mapagawi ako sa numero tres na booth ay naroon si Emmerson. Bakas sa mukha nito ang pag kagulat subalit nababakas mo rin roon ang kasiyahan na nag enjoy ito sa naging kahalikan nito. Kaya naman napatingin rin ako sa katapat nitong nakahalikan. At ganoon na lamang ang pamumula ko sa galit ng makita ko ang pinsan kong namumula rin ang mukha habang nakayuko. Putang ina! Don't tell me sila ang nag halikan? No way! Paanong nangyari yun? Tangina! Susugudin ko na sana si Richard subalit napigilan ako ng bigla akong makaramdam ng malapot na tubig na sumabog sa mukha ko. Halos manlumo ako sa amoy na nilikha nun. Si Mojacko. Sinukahan ako sa mukha. Putangina na to. Eto pa talaga ang nandiri sa halikan namin. "Putangina ka! Mojackoooooo!!!" Sigaw ko at nag kagulo na sa booth namin. ---1---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook