Crusis (2)

1536 Words
The flight to the US was smooth. Kahit siya ay hindi makapaniwala na makakarating sya sa banyagang bansang ito sa isang iglap. Si Luna lamang ang nakikipag usap sa mga tao habang siya ay nananatiling tahimik at nakamasid lang sa paligid. She didn't know that her friend has connections sa mga institusyong may kinalaman sa pagtravel sa ibang bansa at mabilis pa sa alas kwatrong nakapag arrange ito ng flight nila papuntang Amerika. Nakita pa nila ang mga magulang ni Pablo na nakaupo sa pangalawang aisle ng eroplano, both sad and worried expressions on their face. Nang maglanding ang eroplano ay kaagad silang bumaba. Gusto sana niyang lapitan ang mga magulang ng idolo nya ngunit pinigilan siya ng kaibigan. "Huwag na muna bes, secret ang pagpunta natin dito. Ilang tao lang nakakaalam na nandito tayo and actually it's somehow illegal. Kaya kung may makaalam na ibang mga tao na nandito tayo ngayon might compromise other people na nakakaalam na nandito tayo ngayon." Napakunot ang noo niya sa narinig. " Luna, are you a daughter of some mafia leader? " Natawa ito sa tinuran niya," Oa mo talaga. I just know some people and they are willing to help kaya tayo nandito. " Hindi na sya masyadong nag-usisa sa kaibigan but she still said a remark, "A'tin never beating the 'anak ng mafia' allegation! " " Sira! " tugon naman ng kaibigan nya. May pumarang sasakyan sa harap nila, isang itim na kotse." Nandito na yung nirentahan kong sasakyan. Lika na sakay na tayo!" Di na siya nagtanong pa at mabilis na sumakay sa likod ng sasakyan. Marahang tumango si Luna sa driver signaling him to start driving. Ilang minuto pa ay huminto ito sa parking sa loob ng isang hospital compound. Nilingon ng driver si Luna at may iniabot na black card. Kaagad namang tinanggap iyon ng kaibigan niya at niyaya na siyang bumaba ng sasakyan. Bumaba din ang lalaking nagsilbing driver nila at iginiya sila sa isang private elevator. Mayroong pinindot ang lalaki at maya-maya pa'y bumukas na ang pintuan ng elevator. "Ma'am, you can use the card I gave to you in entering the hospital premises. If someone asks you of your purpose in being here just show the card and they'll let you pass through. " " Thank you, Mr. Smith! " sagot ni Luna. "But please be careful in interacting with other people. As much as possible, be discreet. I'll be waiting in the car!" bilin pa nito bago tumalikod at iwanan sila. Pumasok sila sa loob ng elevator at tinap naman ni Luna ang black card sa isang itim na box. Kaagad na sumara ang pinto ng elevator. " Wow, special access! " bulalas ni Jenna ng mabasa ang mga salitang lumabas sa digital screen ng black box. Muling may lumabas na mga salita at maliit na keyboard sa digital screen. Name: Mabilis na nagtype si Luna. John Paulo Nase Pagkatapos pindutin ni Luna ang enter key ay lumabas ang salitang confirmed. Pagkatapos nun ay naramdaman nilang gumalaw ang elevator. Nung una ay paitaas pero makalipas ang ilang segundo ay huminto ito at parang umusad naman pagilid. Ilang sandali pa ay huminto ulit yun at bumukas ang pinto ng elevator. Tumambad sa kanila ay isang silid. Kung sa ibang elevator ay lobby ang mabubungaran kapag bumukas ang pinto ng elevator. Dito ay tila hospital room ang nabungaran nila. When they step out of the elevator, isang kama agad ang tumambad sa paningin nila na may nakahigang pasyente. Kaagad na lumapit si Jenna sa kama at doon nga ay tumabad sa paningin niya si Pablo, nakapikit, may oxygen mask sa mukha, may mga nakakabit na tubo sa katawan na nakakonekta sa isang aparato sa tabi ng kama. Pumatak ang luha ni Jenna ng makita ang kalagayan ng idolo. He looks pale and almost lifeless. Hinawakan niya ang palad nito. It is still warm pero maputla. She gently pressed his hands. "Pau, what happened to you? Who did this and why? Lord please, nakikiusap ako sa'yo. Heal this man. Save his life. He's a believer of You, and he needs Your help right now, " she said while tears were running down her face. May mga pumatak sa kamay niya na nakahawak sa kamay ni Pablo. Idinampi niya sa labi ang kamay nito for a gentle kiss. Lumapit sa kanya si Luna at may iniabot na papel. It was the diagnosis of Pablo. May tama ng bala malapit sa puso pero naging successful naman ang operation sa kanya at under observation dahil di pa siya nagkakamalay. Nagtataka man siya kung paano nagkaron ng kopya nito ang kaibigan niya ay hindi na niya nagawang magtanong dahil naramdaman niyang gumalaw ang kamay ng binata na hawak niya. Kasunod niyon ay kumibot-kibot ang sulok ng labi nito pati na rin ang nakapikit na mga mata. Dahan-dahang nagmulat ng mata ang binata. Naramdaman din ni Jenna na humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Nagtama ang mga mata nila. There was that look in his eyes pero walang emosyon. He tried to speak pero tanging ungol lang ang narinig niya. Then she saw him look at the pendant of the necklace she's wearing. It was the necklace he gave her during their concert. Muli itong tumingin sa kanya. Pilit na kumawala ang kamay sa pagkakahawak niya at inabot ang pendant ng kwintas. "Crusis..." Hindi masyadong maintindihan ni Jenna ang sinasabi ng binata kaya naman inilapit niya ang tenga sa labi nitong napapaloob sa oxygen mask. "Save me..." mahinang usal nito. Napahigpit lalo ang hawak ni Jenna sa kamay ng binata. "You'll be fine, Pablo. Nothing bad is gonna happen," she whispered softly. He saw him smile a little behind the oxygen mask. Naramdaman din nya ang pagpisil nito sa kamay niyang nakahawak sa palad nya. She smiled back at him, a reassuring smile. After a while, he slowly closed his eyes, and drifted back to sleep. Nagtatanong ang mga mata ni Luna sa kanya. "What was that all about?" Nalilitong sumagot si Jenna, "Hindi ko alam." Inangat niya ang kamay ni Pablo na nakakulong sa mga palad niya at dinala sa mga labi niya. "But it's clear. He's asking for help." 'JP, what happened to you? Sinong may gawa nito sa iyo?' she asked silently. Muli niyang pinagmasdan ang papel na iniabot ng kaibigan sa kanya. A gunshot on his left chest just missing his heart by a thread. What if it didn't missed? What if tinamaan ng balang iyon ang target nito? Nagulat silang parehas ng biglang may magbeep. It was the black card and a red dot was blinking on its chip. Kaagad na lumapit si Luna sa kanya at hinila siya. "We need to go now. May paparating." Dinampot din nito ang papel na nagsasaad ng diagnosis ng binata at isiniksik iyon sa tote bag niya. Jenna was hesistant to let go of Pablo's hand lalo pa at ramdam niyang mahigpit din ang kapit nito sa kanya kahit pa nga natutulog na ulit ito. Pero nagmamadali na si Luna. Nakakastress din ang patuloy na pagbeep ng black card kaya naman wala siyang nagawa kundi ang bitiwan ito. Pero bago iyon ay yumuko siya at bumulong sa tainga ng binata, "I'll come back and I promise I'll save you and make sure na magbabayad ang gumawa nito sa iyo." Pagtapos ay yumuko siya upang gawaran ng halik sa noo ang binata. Dahil sa ginawa niya ay lumawit mula sa kanyang leeg ang pendant ng kwintas na bigay sa kanya ni Pablo at sumayad iyon sa labi ng binata. Bagaman at di napansin ni Jenna, pero nakita ni Luna ang tila pagkislap ng krus na pendant ng lumapat iyon sa labi ng binata kasabay din ng paglapat ng labi ng dalaga sa noo ng binata. Hinaplos pa ni Jenna ang buhok ng binata bago tuluyang tumayo at lumayo. "Jenna, let's go!" aya sa kanya ni Luna. Nagsunud-sunod ang pagbeep ng black card. It was indicating that something urgent is coming. Hinila na siya ni Luna at nagmamadali silang pumasok sa pinto ng elevator. Kaagad na sumara iyon pero hindi agad umandar. Kasabay ng paghinto ng beeping sound sa card ay may lumabas na tila bintana sa left side ng pinto ng elevator kaya naman nakita nila ang loob ng silid. Biglang bumukas ang electronic door ng silid ni Pablo at iniluwa niyon ang isang babae at isang lalake. "What are you doing here?" galit na wika ng babae sa lalake. "Relax, I just want to visit you and your fiance," sagot ng lalaki na tila may kakaibang accent sa pagsasalita, probably chinese or korean? Nagkatinginan silang dalawa ni Luna. Fiance? "You shouldn't have come here. Baka may makakita sa iyo? Nandito sina Yani at kasama nya ang parents ni Pau ngayon." "No one's gonna see us, darling," lumapit ang lalake sa babae at pumaikot ang kamay sa bewang ng babae at hinapit ito papalapit sa kanya. Pagkatapos ay walang pakundangang hinalikan nito ang babae. Nanlaki ang mata ni Jenna sa nakita. That woman is Pau's fiancee, and yet here she is in front of Pablo's hospital bed hugging and kissing another man. Natakpan ni Jenna ang bibig ng kumawala ang singhap mula sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD