The Beginning Of.....
Jenna, a 27 year old simple office girl. Boring ang buhay niya. Office, bahay, bahay, office. Yun ang daily routine niya. Ok lang naman sa kanya dahil hindi naman siya yung tipong outgoing person. During day-offs niya, nag-iistay lang sya sa bahay nila at mas madalas magkulong sa kwarto, nagbabasa ng mga novels o kaya naman ay nagse-cellphone lang. Pero meron siyang isang bagay na kinahihiligan na tanging dahilan kung bakit siya lumalabas ng bahay at madalas na rason ng pagpa-file ng leave sa opisina, her favorite PPop group, ang SB19! The only spice in her boring life!
Pablo, the alpha, ang pinuno. Siya ang leader ng grupong SB19. Talented, genius, songwriter, composer, CEO ng sariling management entertainment company. A perfect picture of a successful artist and businessman. Pero lahat ng kung anong meron siya ngayon ay pinaghirapan nyang makamit kasama ang mga kagrupo nya. The path they took wasn't the easy road and yet, they managed to survive and all of their hardwork paid off. At the age of 31 he could say he has achieved his goals.
And despite all his success, something is still lacking.
And then, an incident happened. During one of their concert in their U.S. tour, something happened. No details were given to the public but rumor has it that Pablo was shot by a crazy obsessed fan. Some say he's in a critical condition, but worst rumor circulating is that he is already dead!
Jenna couldn't believe what happened. Umattend pa sya sa kick-off ng world tour ng SB19 at isa sya sa mga maswerteng nagkaroon ng pagkakataong makipag-interaction sa kanila. At nang tanungin siya kung sino ang bias niya, ay sinabi niyang si Pablo iyon kaya naman nagkaroon pa siya ng photo opportunity with Pablo at may bonus pa, ibinigay nito sa kanya ang suot-suot nitong silver necklace na may cross pendant! It was a very precious gift from him kaya naman kilig na kilig si Jenna nang isinuot nito iyon sa kanya! Ang lakas ng hiyawan ng mga fans habang isinusuot ni Pablo sa kanya ang kwintas.
It was the happiest moment of her life. Meron pang free hug from her bias at sa ibang member ng grupo kaya naman hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. It will be the most unforgettable experience in her whole life.
Pero habang nasa U.S. tour ang grupo ay pumutok ang balita of an obsessed fan shooting him. Though his management has not yet released an official statement about the incident but Jenna couldn't help but worry! Her idol might be in a critical condition or worse! Many are worried and are demanding for a clear update. Simula ng lumabas ang balita tungkol sa pagkakabaril ni Pablo ay lagi na siyang aligaga at wala sa sarili. Laging nakaabang sa updates ng fandom at ng management, o kahit sa mga news patrols and articles, nakikibalita sa kapwa fan pero ni isang sagap man lang ng hint sa kalagayan ay walang inilalabas ang management nila. SB19 and Pablo are her happy pill. Sila lang ang dahilan kung bakit nakakalabas siya sa comfort zone ng apat na sulok ng kanyang silid at ganun din sa office niya. Pero ngayong hindi siya sigurado sa tunay na kalagayan ng idol niya, paano na ang grupo nito at paano na din siya? Ever since she became a fan, sa tatlong bagay na lang umikot ang buhay niya, family, office at fangirling! And right now, she felt so miserable!
One could say na ang oa nya pero hindi lang isang pop idol para sa kanya ang SB19 especially, Pablo. Dahil nung panahong nasa punto na sya ng buhay niya na gusto nang sumuko at talikuran na lang ang lahat ay tila lubid ng pag-asa na inahon siya ng musika at pagkatao ni Pablo.
She was on the verge of taking her own life when out of nowhere biglang tumunog ang cellphone niya at marinig niya ang kanta nitong nagplay na lang bigla, ang KUMUNOY! It was weird dahil naka idle mode ang phone niya that time at hindi rin niya alam kung anong nangyari at sa youtube app pa talaga nakabukas! Andun na sya sa point ng paglalaslas ng palapulsuhan niya ng tumunog ang phone niya kaya naman nabitiwan niya ang hawak na kutsilyo. At first she can't make out the lyrics of the song she's hearing pero nung marinig niya yung linyang "Di ko maintindihan tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman
Gusto ko nang sumuko 'di na kaya ng puso
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala 'kong magawa nahulog na sa isang
Kumunoy ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy", she felt like the song was meant for her. She got up and picked up her phone and started watching the lyric video playing. Then this line in the song came,"Oh-ooh-woah kinakailangan ko ng tulong mo oh
Pasensya na't nakalimutan ko
Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya kaibigan na nagmamahal nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo'y nagdidilim
Salamat oh aking ama ako'y makakaahon rin (oh)", she realized that what she's about to do is wrong and that there are still people out there who has the same struggles like her, or may be more than what she has right now but still keep holding on because of a lot of reason, and one of them is family. And having faith in the ultimate power from up there, the Father above. Through the song she realized there are other people she can still rely on, only if she tries to reach out to them and try to open up herself a little to them. She opened her phone to her contact list and started calling some people and tried talking to them and indeed, there are a lot of people who care for her and are willing to listen to her problems, giving advice and encouragement.
She got curious about the singer who sang the song and started searching about the song and when she learned that Pablo was behind the song, she got hooked and became a fan instantly. She also learned that he has a group called SB19 and learned that he is behind to most of the songs performed by the group. She was amazed by how he wrote the songs, the lyricism, and all. She also became a fan of the group. And from then on, Pablo became a part of her life, as well as his group.
She's lying on her bed, contemplating on things or what to do next, when her phone rang. Hindi niya pinansin yun at patuloy lang sa pagtitig sa kisame. Tumigil iyon pero muli ring nagring. Ilang ulit pang nagring ang phone niya pero ni hindi man lang niya ito tinapunan ng kahit sulyap man lang. O kahit silipin man lang kung sino ang tumatawag.
Marahil ay napagod na ang kung sino mang tumatawag dahil nanahimik na sa pagring ang cellphone niya. Pero muli na naman iyong tumunog ng sunud-sunod, indikasyon ang pagpasok ng sunud-sunod na mensahe para sa kanya. Bagaman at patuloy pa din ang pag-iisip at pag-aalala kay Pablo ay nangibabaw ang curiosity nya kung sino ba ang kanina pa walang sawang tumawag at magtext sa kanya.
She picked up her phone and started opening it. She had 19 missed calls, all indicating the name of her best friend Luna. Nakilala niya ito sa isa sa mga events ng SB19 and they hit each other well, and instantly became best friends. Tila isa ito sa ipinadala ng Panginoon sa kanya na maging parte ng buhay niya na mag-iiwas sa kanya sa anupamang negatibong dala ng buhay.
She turned to her inbox and received 18 text messages. She opened the last one and read, "kamusta ka na kaps, are you alright?"
She opened one again and read, and another one, and another one until she reached the very last message which she received the most recent.
"Jenna, according to someone close to the family of Pau, pupunta daw ang nanay at tatay nya sa U.S. And they're leaving tonight."
Napabalikwas ng bangon si Jenna at agad na idinayal ang cellphone upang tawagan ang kaibigan. Isang ring lang at may sumagot na agad.
"Finally, tumawag ka din!"
"Luna, bakit need nilang lumipad sa U.S.? Masama ba talaga ang lagay ni Pau?"
"I don't know?" sagot ng nasa kabilang linya. "But if his parents are bound to the U.S., it only means hindi maganda ang mga pangyayari."
"Gosh, Luna... I need to fly too... Di ako matatahimik hangga't di ko nakikitang maayos ang kalagayan ni Pau," her voice trembled. She began crying. She might sound over acting pero sobra ang pag-aalala niya para sa iniidolo. Kahit pa sabihing hindi siya personal na kilala ni Pablo pero ang pagmamahal niya dito ay higit pa sa isang kapamilya. Kung paanong iniahon siya ng mga kanta nito mula sa pagkakalugmok niya noon at kung paanong naging inspirasyon ang buong pagkatao nito sa buhay niya ay sapat nang dahilan para tawirin niya ang ilang libong milyang karagatan mapuntahan at madamayan lamang niya ito ngayong panahon na ito.
"Kalma girl!" wika ng nasa kabilang linya. "Kaya nga kita tinawagan eh. If you could pack a few things ngayon na. I know someone who can help us na makalipad sa U.S. sa mismong flight na sasakyan ng parents ni Pau!"