ANG UNANG BAHAGI
"NAY' ayoko nga 'hong sumama sa kanila, wala akong pakialam kung gusto man nila akong amponin o bigyan ng matiwasay na buhay." pasigaw kong sinabi ang mga salitang iyon sa harap mismo ni Nanay, hindi nkiya kasi naiintindihan! ayo'ko kasing sumama sa mag asawang choa na 'yun eh, gusto ko manatili sa bahay na ito.
"Anak, kailangan mo pang mag aral ng kolehiyo pero wala tayong pera para du'n, kung sasama ka sa kanila, makakapag aral ka na, gaganda pa ang buhay mo. diba? maganda 'yun anak" pamimilit sakin ni Nanay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa salamin, hindi ko talaga lubos maisipna ipinamimigay ako ni Nanay. Ilang segondo muna ang katahimikan, ayokong magsalita. Binasag ni Nanay ang katahimikan ng bigla siyang humugot ng malalim na hininga. "Anak, para nbaman ito sa ikabubuti mo e, kaya... sige na, sumama ka na"
"Nay naman eh, ba't niyo ba'ko ipinamimigay?" bigla namang lumabas ang mga luhang kanina pa nagbabandyang lumabas, hindi ko kasi kayang iwan si Nanay, hindi ko kayang makita ang aking Nanay na naghihirap tas ako, nandun sa malaking bahay nagpapakasarap. "Nay! kaya ko nga pinagbubutihan ang pag aaral para makatulong sa'yo, para matulungan kita at maiahon sa hirap" iyak lang ako ng iyak habang nagsasalita, hindi ko kayang tumingin ng diretcho kay Nanay dahil alam kong naluluha na rin siya, at hindi ko 'yun kayang makita.
"Marie, 'wag mong isipin na ipinamimigay kita, hindi!-"
"e ano po tawag niyo dito, ipinapahiram? 'Nay mas gugustuhin ko nalang magutom kesa naman mapalayo ako sa inyo, hindi ko po kakayaning lumayo sa'yo. 'Nay, mahal na mahal po kita" mabilis naman akong niyakap ni Nanay kasabay ng isang malakas na iyak, hindi ko 'ata kakayaning kumawala sa yakap na ito, isang yakap na kahit kaylan ay hindi matutumbasan ng sino man, ang yakap ng aking ina. Kumalas naman sa pagkakayakap sakin si Nanay ng bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. choa, at may kasama pang ibang tao.
"Mr choa, nag bago na po ang isip ko, hindi ko na po ipapa ampon ang anak ko" nakayokong turan ni Nanay Isabel, nakita ko namang nagpabaling baling samin ni Nanay ang tingin ni Mr choa, isang tingin na hindi maipinta. mula sa pintuan nakikita ko ang maamong mukha ni Mr choa, singkit ag mata at may balbas sa mukha, nakasuot ng pulang jacket na parang umiilaw sa likod ng dilim. Nakakuyom naman ito at tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Nanay.
"HAHAHAH" mala sanatanas na tawa nito, " Ano? isabel baliw ka ba? HAHAHA, Anong hindi papayag? nagbago ang isip mo e! lumagda ka na nga sa kasunduan e HAHAHA wala nang atrasan 'yun" para siyang baliw na tawa ng tawa, ngingiti tapos biglang sisimangut. Ang maamong mukha ni Mr. choa ay napalitan ng isang galit,naiinis at hindi maipintang mukha ng isang tao. tumingin siya sa likod kung saan naroon ang limang lalaki na nakasuot ng itim na uniporme, at biglang lumipag sa amin ang tingin na para bang nag bibigay siya ng signal doon sa mga lalaki. Nagsimula ng maglakad ang limang lalaki at lumapit samin, hinawakan nila si Nanay kaya bigla akong napasigaw.
"HOY! anong ginagawa niyo, bitawan niyoko! aray! aray!" daing ko ng biglang higitin ang braso ko ng isang lalaki, malaki ang katawan nito kaya sigurado na akong hindi ako makakawala dito. Dumaan kami sa isang mapunong lugar, madilim, at nakakapangilabot. Sa 'di kalayuan ay nakakita ako ng isang liwanag, nangagaling pala iyon sa isang sasakyan. Isang itim na kotse ang nakaparada doon, at mula sa loob niyon ay lumabas ang isang lalaki. "Sige patulugin niyo na 'yan" pagkatapos non ay bigla akong nakaramdam na parang may karayom na ipinasok sa braso ko ang after that, everything went black.
NAGISING ako no'ng maramdaman kong masakita ang ulo ko, hinawakan ko ito at ng tingan ko ko ang kamay ko ay nakita ang dugo. "teka! bakit dumudugo ang ulo ko? aray!" tyaka ko lang napagtanto na ang kotse na kaninang sinasakyan ko ay nabangga sa isang malaking puno, walang malay ang mga lalaking nakaitim sa tabi ko, puno rin sila ng dugo na halos boung mukha nila ay may dugo. Lumabas ako sa kotse, sa labas ay makikita ang mga naglalakihang mga puno at napakadilim na kapaligiran. Sa harap ko naman ay isang puno na halos magkasing laki na ng bahay namin, napakataas nito at napapaligiran ng mga alitaptap na siyang nagbibigay ng ilaw dito. Matagal ko itong tinitigan, ano kaya ang punong ito at bakit walang bunga, wala ni isang bunga ang makikita sa punong ito kahit napakalaki na niya. Napahinto naman ako sa pagiisip ng bigla akong makakita ng isang ilaw, sa loob ng puno ay may isang berding ilaw. Napaatras ako ng kaunti at hinintay kung ano ang lalabas mula sa ilaw na iyon, pero wala namang lumabas, lalapitan ko na sana ng bigla itong lumaki. Unti unti itong lumaki at lumapit sa akin na halos balutin na ako, hindi sapat ang salitang 'NATATAKOT' sa nararamdam ko ngayon, labis na takot. Bigla na akong nabalot nito at ang berding ilaw nalang ang nakikita ko, nasaan ako. "hoy! ilabas niyo ako dito" sigaw ko ngunit walang sumasagot, wala 'atang nakakarinig. "hoy! tulong! tulong! tulong!" mawawalan na sana ako ng pag asang makalabas sa ilaw na bumabalot sa'kin ng bigla ako nitong iluwa sa isang napakaliwanag, napakaganda at naglalakihang mga gusali na halos maabot na ang langit.
"Anong lugar 'to?" tanong ko sa sarili nakahit mismo ako ay walang kaideya ideya kung anong lugar to- o kung saang lugar to. Sa 'di kalayuan ay may nakikita akong mga tao, ang puputi nila na halos nagiilaw na ang kanilang mga balat. Lalapit na sana ako ng biglang may magsalita sa likod ko kaya napabalikwas ako.
"MAUPAY NGA AGA (magandang umaga)" Wika ng isang mataba, maputi at gwapong lalaki mula sa likod ko. Sa likod naman niya ay naroon ang dalawang babae at isang lalaki, nakangiti sila sakin. Hindi ko naman maintindihan ang salita nila kaya minabuti ko nalang magtanong.
"Kuya ano pong lugar 'to?" Tanong ko sa kanila pero parang napangiwi lang sila at tila hindi rin nila ako maintindihan, nagtinginan lang silang apat. "NIMSIRING? (anong sabi mo?), KAYANO KA NAGYAYAKAN HIT KANAN TAWO? (ba't ka nagsasalita na para sa tao?)" tanong ng babae na nasa likod ng matabang lalaki na nasa harapan ko, teka! parang alam ko 'tong wika nila ah? naalala ko nung pumunta kami ni Nanay sa probensiya, ganyan 'din ang mga salita nila. "Marunong kayo magtagalog?" tanong ko sa kanila at bigla nanaman silang nagkatinginang apat, naguguluhan na ako ano bang ginagawa nila at tila bawat salita ko ay gulat na gulat sila?
"Oo! pero teka, tao ka ba? bakit ka nandito? tara dito baka makita tayo ng ibang oxford lagot tayo!" tapos bigla niyang hinigit ang braso ko at sabay hila papunta sa isang bahay, isang simpling bahay pero napakaganda sa loob, maluwag rin ang bahay na ito.
"Anong sinasabi mong tao, natural tao ako alangan naman zombie!" pilosopo kong sabi na may halong pagpapatawa, pero parang sa titig nila ay sinasabi nilang korne ako. Tumayo naman si Taba- ay este si kuyang mataba, nakapamaywang na siya ngayon ay nakaharap sa akin. "Hindi ka bagay dito, mapapahamak ka kapag nakita ka ng ibang oxford, bawal dito ang mga tao-"
"Teka teka, anong sabi mong bawal dito ang tao? ano ka multo? tyaka anong oxford ang sinasabi mo? HAHAH may topak ka 'ata kuya" pambabara ko sa lalaking nasa harap ko, ano bang pinagsasabi nitong taong to?. "Anong pangalan mo?" tanong naman ng isang lalaki na kanina pa hindi umiimik at tanging ang pagtitig lamang sa akin ang nagagawa.
"Marie, bakit?"
"Marie, tingnan mo. Hindi ka nasa mundo ng mga tao, at lalong hindi kami tao. Kami ay ibang nilalang, ang tawag sa amin ay Oxford, hindi kami kagawa ng tao kasi nagtataglay kami ng mga kapangyarihan-" pinutol ko naman ang pagsasalita niya ng bigla akong tumayo at nagsalita.
"WALA AKONG PANAHONG MAKIPAGBIRUAN SA MGA BALIW!"
-end