Chapter 1
Umuwi nang tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi
Bakit ka nag-iba?
Mayro'n na bang iba?
Nakakatawang isipin pero parang patama sa akin ang kasalukuyang tumutugtog na kanta ngayon dito sa loob ng coffee shop. Wala nga pa lang nag-iba dahil may hinihintay nga lang pala siyang bumalik.
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis
Hindi ko tuloy maiwasang maalala siya. Kumusta na kaya siya? Siguro ang saya saya na niya ngayon dahil bumalik na yung babaeng mahal na mahal niya.
Haay! Ganoon talaga siguro ang buhay. May rason sa lahat ng bagay. Hindi lahat ay naaayon sa mga kagustuhan natin.
"Bes!" Sigaw ng kaibigan kong si Ariane sabay pitik sa aking ilong na nakapag balik sa akin sa kasalukuyan."Ano naman at tulala ka diyan? Kanina pa ako nandito pero hindio man lang ako napansin dahil sa pagkakatulala mo."
"Ganon ba bes? Pasensiya na ha. May naalala lang ako. " Saad ko. "Parang may hinala ako kung ano--sino ang naalala mo."Sabi naman nito. "Alam mo bes, 'wag mo ng isipin ang lalaking 'yon. Ang mabuti pa, ilibre mo na lang ako ng kape. Pambawi mo sa akin. Hahaha.Tutal iyo naman itong coffee shop na ito." Dugtong pa nito. "Oo na." Napapailing ko na lang na sinabi.
Hindi ko nga pala nababanggit pero sa akin nga itong coffee shop na kinaroonan namin ngayon ng kaibigan ko. Importante ang coffee shop na ito dahil ito ang una kong naipundar na negosyo na galing mismo sa sarili kong pera. Ayoko naman na umasa na lamang habambuhay sa mga magulang ko.
"Liza!" Tawag ko sa waitress na palapit. "Pakidalhan mo nga kami ng kaibigan ko ng 2 blueberry cheesecake at 2 black coffee. Salamat!" dagdag ko. "Okay po ma'am." Sagot naman nito. Ilang sandali lang din ay bumalik si Liza dala ang cake at kape. "2 orders of blueberry cheesecake and 2 black coffee sa inyo mga madam." Anito sabay kindat. Hindi na rin iba sa akin si Liza dahil parang kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Actually, sa lahat ng nagtatrabaho dito sa coffee shop ay pamilya na ang aking turing. Magaan kasi sa aking pakiramdam yung kasundo mo yung mga kasama ko.
"Salamat Liza!" saad naman ni Ariane.
"Siya nga pala Ariane, bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko naman sa aking kaibigan. "Wala naman. Namiss ko lang ang best friend ko." Sagot nito. "Ayaw mo ba na nandito ako?" Biro nito. Hindi ako agad sumagot. Kunwari ay nag isip ako. "Hmm.. Siyempre gusto. Haha. Ano ba namang klaseng tanong yan?" Sabi ko.
"Mabalik tayo sa kanina, bakit nga ba parang ang lalim ng iniisip mo? Dahil ba ito sa kanya? Napatingin lang ako sa kaibigan at hindi nakaimik. "Tama ako diba, Claine Denise? seryosong tanong nito. Alam kong kapag tinawag ako nito sa aking buong pangalan ibig sabihin ay seryoso ito.
Hindi ko man aminin pero tama ang kaibigan ko. Hindi ko pa rin maiwasan ang isipin siya hanggang ngayon. May kirot pa rin dito sa aking puso.
"Good morning. Can I have 2 orders of Red Velvet and 2 Double Chocolate Chip Frappuccino. To go." Kahit nakatalikod ako ay rinig ko ang malambing na boses ng isang babae. Parang pamilyar sa akin ang kanyang boses. Hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ko sa may counter ay nakita ko si Amber. Ang best friend ni Yuan at ang babaeng mahal na mahal niya. Pero bakit mag-isa lang siya? Hindi ba niya kasama si Yuan? Tanong ko sa isip ko. "Wait! Is that Amber? tanong naman ng kaibigan ko. Mukhang narinig yata kami ng babae dahil napalingon ito sa aming gawi. Kaagad naman itong napangiti ng makita kami. "Hi girls! Kumusta kayo?" Masayang bati nito saka ito lumapit sa amin. "Sakto, hindi ko na kailangan sabihin kay Yuan na ibigay ito sa inyo." Mahabang sabi nito saka naglabas ng dalawang naka envelope na hindi ko alam kung ano ang laman. "Here" sabay abot sa amin. "I'm inviting you on my wedding day. Sana makapunta kayo. Anyway mauna na ako sa inyo, ha. Pupunta pa ako sa wedding coordinator." dagdag pa nito saka na ito naglakad paalis.
Kasal? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin namalayan na may pumatak na palang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na rin pinagkaabalahang tignan ang loob ng sobre dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon.
"Stop crying bes. Naiiyak na rin ako. Be strong, okay. I'm always here for you." Alo ng kaibigan ko. "I can be your shoulder to cry on." Unti unti ay pinahid ko ang aking mga luha. "Salamat bes." Sabi ko kay Ariane saka ko siya nginitian.