Chapter 13 Aliyah Veda Gonzales ANG saya ng mga sumunod na araw, as in parang ang gaan ng mundo ko. Si Johan na dati parang lagi na lang akong inaasar o pinapansin lang kapag trip niya, ngayon...iba. Mabait. Gentle. Hindi ako makapaniwala pero seryoso yata talaga siya sa sinabi niyang liligawan niya ako. Minsan, pinagluluto ko siya ng almusal na request niya talaga, at 'di ko alam kung dahil sa hiya o tuwa, pero lagi akong nag-e-effort kahit simpleng luto lang. Minsan pa nga, hinatid niya ako sa school. Walang special na paandar, pero 'yung simpleng pagbukas niya ng pinto para sa akin, 'yung "ingat ka, Veda," sa dulo bago siya umalis—grabe, ang lakas makakilig. Napapangiti ako habang nagdidilig ng mga halaman sa garden, may pakanta-kanta pa, feeling good sa buong araw. Ang hangin, pr

