Chapter 72 Aliyah Veda Gonzales PAGPASOK ko pa lang sa hospital, parang may sumabog na saya sa paligid. “Welcome back, Doc Veda!” Sunod-sunod ang bati. May confetti na nagliparan sa ere, muntik pang dumikit sa buhok ko at mukha. Napahinto ako sa gulat, saka natawa. Sa harap ko, may nakasabit na banner—WELCOME BACK, DOC VEDA!—na parang mas bagay sa artista kaysa sa isang doktor na gusto lang naman magtrabaho nang tahimik. Then someone stepped forward. Matangkad, gwapo, may ngiting sanay makuha ang loob ng tao. Ang may-ari ng hospital. Si Doc. Anton Bermudez. Siya rin ang nagpadala sa akin sa Singapore, ang naniwala na kaya kong maging mas mahusay pang cardiologist. Inabot niya sa akin ang bouquet. “Welcome home, Doc Gonzales,” sabi niya, firm ang boses pero warm. “You did great in S

