Chapter 73 Aliyah Veda Gonzales PAGKATAPOS ng sunod-sunod na pasyente, parang biglang bumigay ang katawan ko. Lumabas ako ng emergency at huminga nang malalim, halos manginig ang dibdib ko habang sinasagap ang malamig na hangin sa labas. Amoy pa rin ng dugo at disinfectant ang paligid, parang nakadikit na sa balat ko. Sa likod ko, ramdam ko pa rin siya. Hindi ko man siya tignan, alam kong nandoon si Johan, inaalagaan ng ibang doktor at nurse. Parang anino ang presensya niya, mabigat, hindi maalis. Every step I took, he was there, haunting me. I clenched my fists. I can’t deal with this now. Bumalik ako sa clinic ko, mabilis ang lakad, diretso ang isip. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lola Carmelita na nakita ko si Johan, kung paano ko ipapaliwanag na kasama siya sa akside

