Chapter 74 Aliyah Veda Gonzales “DO YOU still love my Mama?” Walang filter na tanong. Walang preno. Matagal na katahimikan ang namagitan sa dalawa. Tapos, halos hindi marinig na mga salita sumagot si Johan. “Every day… since the day I left.” Parang bumigat ang hangin. Bawat hinga ko, parang hinihiwa ang loob ko. Napakasinungaling mo! Gusto kong isigaw iyon. Napasandal ako sa malamig na pader. Pinipigilan kong humagulgol. Gusto kong sumigaw. Gusto kong saktan siya gaya ng pananakit niya sa amin noon. Inabot ni Johan ang maliit na kamay ni Jaxx. Nakita kong nanginginig ang mga daliri niya. “I just… I just want to make things right,” mahina niyang sabi. “Gusto kong bawiin lahat.” Umiling si Jaxx. “No.” mariing tanggi ng bata. “No, I don’t need a Papa anymore.” Tila parang sinunto

