Chapter 16 Aliyah Veda Gonzales PINAHATID kami ni Lolo Delfin sa kapitbahay namin gamit ang tricycle. Lasing na lasing na si Johan, naparami kasi ng inom sa tuba. Kanina pa kumakanta ng "Bakit Ngayon Ka Lang," at kung hindi ko lang siya kilala, iisipin kong may concert sa kalsada. Pero infairness, may boses naman si Señyorito. Hindi masakit sa tenga. Medyo may tono rin kahit lasing. "Veeedaaa, you know what?" sabi niya habang nakasandal sa balikat ko, amoy na amoy ko ang halimuyak ng tuba at pabango niya. "You're the prettiest girl in the whole barangay... no, the whole world." "Tumahimik ka nga diyan, baka marinig tayo ng mga engkanto at mabati pa nila ako," sabi ko habang pinipilit kong buhatin siya. Ang bigat niya, Diyos ko. Mahigit anim na talampakan ang height nito at ako naman eh

