Chapter 17 Aliyah Veda Gonzales PAGKALABAS ni Veda sa kwarto ni Johan, dahan-dahan niyang isinara ang pinto, at pagkapihit na pagkapihit, napasandal siya sa dingding. Napahawak siya sa dibdib, saka marahang hinaplos ang labi niya na parang nandoon pa rin ang labi ni Johan. Parang umiikot ang mundo niya. Hindi dahil sa hilo—kundi dahil sa sobrang saya. Oh my gosh... Napapikit siya ang mga mata, tinatamasa ang bawat sandaling kanina lang nangyari. Ang bango ng hininga ni Johan kahit lasing. Ang init ng palad nito sa pisngi niya. Ang bigat ng tingin nito bago siya halikan. At ang mismong halik, 'yung halik na ilang beses niyang in-imagine sa isip niya noon pero mas grabe pala pag totoong nangyari na. "Si Johan...ang first kiss ko..." bulong niya, hindi makapaniwala. Napangiti siya nan

